3. First Day

8 0 0
                                    

Uwian. Nasa labas ako ng classroom. Papunta na ako sa guidance counselor room para magtanong kung anong gagawin ko sa araw na ito.

At ang worst scenario, inaantay ko si Gian.

Yung pesteng yun.

Ang epal kasi e.

Nakita ko siyang lumabas. Lumingon siya sa akin at inirapan ko lang siya. Tahimik akong sumunod sa kanya.

Nagsimula kami sa corridors ng third floor pababa. Buti na nga lang ito lang lilinisan e. Malinis pa nga yung mga floor e. Puro lang papel at balat ng candy.

Natapos kami. Sunset na. Kaya inutusan na kami ng guidance counselor para umuwi.

At dahil magkatabi ang bahay namin ni Gian, sabay kami umuwi.

Naglakad siya habang nasa likod niya ako. Hindi kami ganoong magkalayo sa isa't isa. Tahimik lang at walang ibang tao.

"Maui, ganoon ba talaga ako ka-sama?" Nakakabiglang tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko at napatitig sa kanya.

"Hindi. Mabait ka. Sa akin ka lang talaga nagiging demonyo."

Natawa siya. Yung tipong napasaya kahit malungkot ka.

"Ganun ba? Paano kung sinabi ko sayong ganun lang talaga ako sayo para kahit papaano, maituring mo lang akong kinaiinisan mo? Parang dati. Nung mga oras na parati tayong nag-aasaran. Para lang di mo ako makalimutan."

Napatigil ako sa paglalakad. Para bang nahihirapan ang isip kong maintindihan ang gusto niyang sabihin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FrenemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon