Five

4.2K 167 31
                                    

"KAILAN MO balak na sabihin samin ang kagaguhan na ginawa mo Nuke Nicholas Ylarde"halos mabingi siya sa lakas ng sigaw ng nanay niya.

His mother just surprised visit him this day.

But unluckily ang nanay niya ang nasurpresa ng makita nito ang apo na buhat buhat ni Pearl habang umiiyak at siya naman ay nagtitimpla ng gatas para dito.

Isang linggo mula ng makasama niya si Rocket sa bahay.

Okay given the fact that his busy, super busy sa paghahanap ng nanay ng anak niya. But that reason alone will never be a good alibi to his mother, Esmeralda Hidalgo Ylarde.

"Sorry mommy, I just got so busy. I forgot to tell you and daddy about it"but he still try his luck.

Baka sakaling makalusot siya, kung lulusot lang naman. 

Bigla ba naman aoyang tinuktukan ng nanay niya sa ulo bago sinabunutan.

"Rocket!"saway niya sa bata ng makitang tumawa ito habang sinasabunutan siya ng nanay niya.

"How could you do this to us, Nuke. Pinalaki kita ng tama, Hindi ako nagkulang ng paalala sayo. Tapoa ganito ang gagawin mo sakin. At talagang nagsasama pa kayo ni Pearl ng wala kaming kaalam-alam. Hindi ka naman mahirap para hindi mo magawang pakasalan si Pearl bago mo siya binuntis"sunod sunod na pahayag ng nanay niya.

Nabulunan nalang bigla si Pearl kahit na wala naman itong kinakain tapos siya naman napanganga nalang sa hinanaing ng nanay niya.

"Enough mommy, masakit na anit ko"reklamo niya.

Buti naman binitawan na siya nito, doon naman humahangos na dumating ang kapatid ko at tatay ko. Kasunod ng mga ito ang mga pamangkin at bayaw niya.

"Nuke Nicholas Hidalgo Ylarde!"halos dumagundong ang buong paligid niya sa lakas ng pagkakasabi ng tatay niya ng pangalan niya.

Napatakbo siya sa likod ni Pearl para magtago.

Dating active sa martial art ang tatay niya. His father even compete in several Asian games when his at his young age.

At alam niya na magaling ang tatay niya. Siya ang punching bag ng tatay niya sa tuwing may nagagawa siyang Mali.

"Dad, let me explain"aniya.

"Ahhh, Pearl fuck save me Pearl!"sigaw niya habang tumatakbo.

His running to save his life, but damn kahit na may edad na ang tatay niya mas malakas pa sa kalabaw ang resistensya nito.

Ending nakahilata siya sa sahig dala ng tatlo o mas maraming beses pa na binalibag siya ng tatay niya sa sahig.

"R-ROCKET! stop laughing at your father. Ako dapat kinakampihan mong bata ka"sermon niya sa bata na hindi na natigil sa kakatawa.

Makalipas ang ilang minutong paghiga sa sahig tumayo din siya. Sapo ang kanang pisngi at tyan naglakad siyang paika-ika palapit kay Pearl na gulat na gulat.

"Now you know why I'm so eager to get a house of my own"aniya sa dalaga ng makalapit siya dito.

Naupo siya sa tabi nito, pag upo palang niya agad niyang pinitik ang ilong ng magaling niyang anak. Nahinto din sa pagtawa nauwi naman sa pag-iyak.

"Nuke!"sabay sabay na sigaw ng mga nakapaligid sa kanya.

Sinamaan siya ng tingin ni Pearl habang inaalo ang anak niyang artista. Halos sumayad lang naman ang daliri niya sa ilong nito.

"Sus, artista. Halika nga dito, masyado ka kung makangudngud dyan sa dibdib ng yaya mo"inis niyang sita dito.

Binatukan naman siya ng nanay niya na hindi niya napansin na nakalapit sa kanya.

Where is Baby Rocket's Mother? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon