Chapter 9

99 38 26
                                    

happy reading
-----------------------




Pagkarating namin ni Rafaela sa bahay ay agad naman ako na naligo at nag-ayos ng sarili pasado ala una na ng hapon at nauna kami ni Ela na umuwi dahil sa lola ay may inaasikaso pa sa hacienda at hindi na rin kami nagbalak ni Ela na bumalik doon dahil baka makita ko pa ulit ang mayabang na 'yon.






Nasa garden kami ngayon ni Ela at gaya ko ay naka bihis din siya. Naka yellow shirt lang ako na may text na 'endless slay' in a black font at tinernohan ko rin ng maong short na hindi naman masyadong maiksi at isa pa andito lang naman ako sa bahay at wala namang ibang tao kaya okay lang sa akin.






"Kilala mo ba ang mokong na 'yon Ela?" Tanong ko sa kaharap ko na si Ela, napalingon naman siya sa akin at tumango







"Paano naman kayo nagkakilala?" Tanong ko ulit sa kaniya





Huminga muna siya ng malalim at nagsimula ng magsalita.






"Hmm barkada ko si Angelo mabait naman siya eh iyon nga lang mahilig mang trip" panimula ni Ela at para bamg ingat na ingat siya magsalita dahil alam niya na galit ako sa mokong na iyon pero hindi naman tumatagal ang galit ko eh, hindi ako marunong magtanim ng galit.






"Tsaka matulongin din si Angelo, maloko lang talaga siya Abe" dagdag niya pa





Aba matulongin? Eh kanina nga akala ko sinalo niya ako iyon pala pinigilan niya lang ang pagbagsak ko at itinabi na muna ang sako ng grapes bago ako binagsak. Tss nag-iinit talaga ang ulo ko sa tuwing naa-alala ko ito. Nagugulohan ako sa sarili ko dahil hindi naman ako ganito eh hindi ako madaling mapikon at hindi rin ako marunong mag tanim ng galit pero pag dating sa lalaking iyon parang na oon ang maldita radar ko eh.





"Eh paano naman pagdating  sa mga babae?" Ewan ko ba at natanong ko ito hindi naman ako tsismosa pero para bang gusto kung malaman lahat lahat sa lalaking iyon.




Nakita ko na napangiti si Ela kaya naman kumunot ang noo ko. Baka ano na naman ang iniisip nito.






"Uyy ikaw ahh interesado ka pala sa mga taga probinsya" tukso niya sa akin sabay sundot sa tagiliran ko kaya naman napangiti ako ng dis oras eh kasi naman may kiliti ako sa tagiliran eh.




"Aba napangiti ka ahh, interesado nga hahahaha" tukso niya ulit sa akin at patuloy parin sa pag susundot sa tagiliran ko kaya napatayo na ako.



"Huy excuse me hindi ah! Ba't naman ako ma iinteresado sa kaniya eh napakayabang niya nga eh tsaka ng nagpaulan ata ng kayabangan ay siya ang ka una unahang nagpaulan at nilangoy pa lahat ng kayabangan sa mundo" pagtatangol ko sa sarili ko





Napangiti naman si Ela kaya sinimangutan ko siya.




"Hmmm I smell something fishy, hindi ka naman madaldal at tsismosa Abe hmm parang siya na ata ang magpapabago sa mabait naming Abe ahh" wika niya at  ngumiti






Nanlaki ang mga mata ko at huli na ng ma realize ko ang nangyayari sa akin, totoo nga si Ela hindi naman ako ganito eh pero ng dahil sa lalaking iyon naging madaldal at tsismosa ako. Bad influence ata siya sa akin. Sa tingin niyo?


"Maybe it's alredy time to show yourself Abe" seryosong wika ni Ela kay napatingin ako sa kaniya ng nakakunot ang noo.





"I mean you see galing ka sa matinding problema at kapag ako ang nasa kalagayan mo ewan ko kung ano ang gagawin ko baka patay na ako ngayon, pero look naging madaldal ka at interesado sa buhay ng tao ng magtagpo ang landas niyo ni Angelo" sabi niya kaya napa-isip ako






Lost in the Clouds Where stories live. Discover now