Chapter 12

69 16 8
                                    

happy reading
-----------------------

Nakatingin lang kami ni Angelo sa isa't-isa na para bang walang ibang tao na nakapalibot sa amin. Hindi ko alam kung bakit niya nakakayanan ang bigat ng katawan ko pero ang importante ay sinagip niya ako.

"Ang laki pala talaga ng dibdib mo" nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na lumayo sa katawan niya ngunit nataranta lang ako kaya napakapit na naman ako sa braso ni Angelo.

"Alam mo ang manyak mo!" bulyaw ko sa kanya at kinurot sya sa braso pero hindi man lang siya natinag dahil tumawa lang siya.

Narinig ko na tumatawa si Angelo kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nilandas ni Angelo ang kamay niya sa bewang ko, lalayo na sana ako ng magsalita siya.

"Pwede ka ng lumayo sa akin, hanggang leeg mo lang naman ang tubig hindi naman malalim ang parteng ito. " sabi niya at nilayo niya ang katawan sa akin.

Nang magkalayo na ang katawan namin ay naramdaman ko na uminit ang pisngi ko dahil sa kahihiyan na sinapit ko at sa pag-aakalang malalim ang parteng ito.

"Bakit hindi mo simabi na hindi naman malalim!?" Tanong ko sa kaniya ng makalayo na ako sa katawan niya.

"Nag panic ka kaagad eh tsaka isa pa natutuwa ako na magkalapit ang katawan natin eh" sabi ni Angelo at kinidatan ako

Seryoso na talaga siya? Ang manyak niya sa dating na iyon huh. Sinamaan ko lang siya ng tingin at sinipa ang tuhod niya sa ilalim ng tubig.

"Abe halika na dito sa floating bamboo!" Sigaw ni Lylia kaya lumingon ako kanila at nakita ko ang maloko nilang mga ngiti. Lalakad na sana ako papunta sa gawi nila ng biglang magsalita si Angelo mula sa likod ko.

"Pwede ba na magpalit ka? Mukha kang nang-aakit sa sout mo" sabi niya habang nakatingin sa dibdib ko

"MANYAK!!" sigaw ko sakanya at mabilis na naglakad papunta sa floating bamboo.

Ng makarating ako sa floating bamboo ay inakay naman agad ako ng mga babae. Tinanong nila ako kung okay lang ba ako at anong nangyari bakit ako nahulog pero hindi na rin ako nagsalita dahil baka kung ano pa ang sabihin nila. Mahirap na mag ka issue kami ni Angelo nuh.

Alas kwatro na ng hapon at nandito parin kami sa Paraisong Sapa, nagsisiyahan na para bang walang nagyari kanina. Pero mas mabuti na rin naman kinalimutan nila dahil kung hindi ay tadtad na ako ngayon ng tukso. Nasa tuktok kami ngayon ng falls ng Paraisong Sapa, nag-aantay na lumisan ang araw sobrang ganda ng tanawin dito dahil kitang kita namin ang tanawin sa ibaba nakita ko nga ang mga gamit namin eh. Nakasout parin kaming mga babae ng bikini at ang mga lalaki naman  ay topless pa rin.


Kinuha ko ang cellphone ko dahil dala-dala ko naman ito kanina ng paakyat kami sa tuktok ng falls dahil nga gusto ko na bago ako umalis sa lugar na ito ay may mga magagandang ala-ala at pictures or videos akong makuha. Na kung sakali man ay lilisanin ko ang lugar na ito ay may matitignan pa rin ako, na naging parte ng buhay ko ang Ramon Magsaysay.



Nagsimula na akong mag shoot ng mga tanawin. Nagsimula ako sa sunset, sa mga ulap na nagiging kulay orange dahil sa simag ng araw. Dahan dahan ko na pina-ikot ang pag film ko ng mga tanawin, nafifilm ko ang mga puno na nasisinagan ng araw at ang sunod ay ang mga ngiti ng kaibigan ko nakatingin lang sila sa kalangitan. Masyadong malalim ang kanilang iniisip. Inikot ko pa ang camera at ngayon ay nakatutok na ito kena Rafaela at Hanzo. Naka akbay ang isang kamay ni Hanzo sa braso ni Ela at bahagya naman na inihilig ni Ela ang kaniyang ulo. Napangiti ako habang kinukunan sila ng video. Halatang halata na mahal nila amg isa't-isa. Inikot ko pa ang pag film at ngayon ay nakatutok na ito sa kay Angelo.



Lost in the Clouds Where stories live. Discover now