Ang kabanatang ito ay itinalaga sa isa rin sa pinakamalapit kong kaibigan, si Lailanie. Walang humpay ang pag suporta niya sa'kin lalo na sa larangan ng pagsusulat. Para sa iyo 'to kaibigan. Maligayang pagbasa!
Nakatulog ako pagkatapos kong makapagbihis kanina. Babalik din pala kaagad ako sa mansyon ng mga Benavente ng napag alaman na gising na si Leticia. Nagkuha ako ng salapi at damit ko na ipapasuot ko na rin kay Leticia sana ngunit binilhan na raw ito ni Diego.
Lumabas ako ng aking silid suot ang panibagong kulay abong baro't saya. Dali-dali akong bumaba at naabutan ko si tonyong sa bulwagan habang nakaupo. Nang nagtama ang aming tingin ay agad itong tumayo at tinungo ako. Napangiti naman ako sa ginawa ng kaibigan.
"Emilya!" si tonyong at niyakap ako. Niyakap ko rin ito pabalik at hinagod niya ang aking likuran.
Ngumiti ako sa kaniya at bakas naman sa mukha nito ang pag-aalala. "Kumusta ka? Wala bang masakit sa'yo?" tanong nito sakin at sinuri ang aking balikat at nang napagtanto niyang wala naman akong sugat ay huminga ito ng malalim.
Tinapik ko ang kaniyang balikat ng marahan at ngumiti ako. "Ayos lang ako, walang masamang nangyari sa'kin." wika ko ngunit hindi napanatag ang loob ng aking kaibigan.
"Hindi ka nagsabi na pupunta kayo sa bayan ni Leticia para makadalaw kay ina. Kayo pa ay napahamak." sabi nito.
"Pasensiya kana, tonyong. Huwag kang mag-alala magpapaalam na ako sa iyo sa susunod." sabi ko ngunit nakakunot pa rin ang kaniyang noo na ikinatawa ko naman. "Pangako." dugtong ko at sumilay na rin ang kaniyang ngiti.
Naglakad na kami sa pasilyo patungo sa labas at pinag-usapan namin ang nangyari sa muntikan ng pagpaslang sa'kin. Nasabi ko na rin sa kaniya na pupunta ako sa mansyon ng mga Benavente at siya na ang maghahatid sa'kin papunta at pauwi.
"Hindi man lang pumunta ang mga magulang mo?" tanong ni tonyong sakin. Tumango ako at umiling-iling siya. "Kukuha ka ba ng abogado?" tanong niyang muli.
Naalala ko ang tungkol sa usapan nila Ranel at Leonardeo na magpapakuha sila ng abogado ngunit hindi ko pa alam kung saan iyon.
"Hindi ko pa alam e," sagot ko.
"May kakilala ako, matalik ko na kaibigan. Si Arñello Garcia, magaling iyon." wika niya. Kilala ko rin ang tinutukoy niya, kilala si Arñello sa larangan ng abogasya. Marami na rin itong napapanalong kaso.
"Sige kung ganoon." wika ko. Aalalayan sana ako ni tonyong para makasakay sa kalesa ng biglang iniluwa si Leonardeo at nagsalita.
"Ako na ang maghahatid sa kaniya." boses ni Leonardeo dahilan ng paglingon namin pareho ni tonyong sa aming likuran.
Napatingin si tonyong sa'kin habang nakataas ang kaniyang kaliwang kilay.
"Hindi na, may kalesa naman ako at oras siguro ng iyong trabaho ngayon kung kaya'y abala ka sa ibang bagay." makahulugang wika ko at tiningnan ito sa mata bago tinalikuran at sumakay papasok sa kalesa.
Pagkarating namin andoon kaagad si Pillar sa labas, mukhang alam na niya na ngayon ang aking pagdating.
"Binibini, gising na ho si Leticia." mahinhing tugon nito ng salubungin ako sa kanilang bulwagan. Ngumiti naman ako at dali-daling naglakad patungo sa kay Leticia.
Nakita ko itong nakaupo na at umiinom ng tubig. Ngumiti ito sa akin at nakita ko naman ang pagbalik ng kaniyang mapupulang labi sa dati nitong ayos kompara noong siya'y maputla pa. Ang mga mata nito'y masigla na rin. Sa gilid naman niya ay si Diego na tahimik lang at taimtim na nakatingin kay Leticia.
"Leticia!" sambit ko at lumapit sa kaniya. Inilapag naman niya ang tasa at pinaunlakan ang aking pagkayakap.
"Mabuti naman at nasa maayos na ang iyong kalagayan." nangingiti kong tugon. Kumalas kaming dalawa sa pagkayakap at agad naman itong nagtanong sa'kin.
BINABASA MO ANG
Sa Gitna ng Ulan (Con Este Tiempo Series #1)
Historical FictionEn medio de la lluvia