one
Ianne
"Aba V sumosobra ka na," sabi ko sa katabi kong wala ng ibang ginawa kundi ang kulitin ako.
"Gwapo kasi ako."
"Kapal shet."
"Gwapo naman."
"Yabang mo dre."
"Gwapo parin."
"Gago."
"Baka gwapo."
"Lechugas naman V. Kita mo namang nag-aaral ako 'diba?!" Inis kong sabi.
"Oo nakikta ko. May mata ako eh, duh." Pagbabara niya.
Naalala ko na naman 'nung una palang naming pagkikita.
Nasa Baguio kami 'non, Pasko. Kasabay namin ang pamilya nina Tito Max, ang tatay ni V.
Pinasok namin ang mga gamit namin sa unit ng titirhan namin.
"Oh V nakita mo na si Ianne?" Pabirong tanong ni dad dun sa V habang nagaayos kami ng mga gamit namin.
"Ikaw Ianne nakita mo na si V?" Pabiro niya uling sabi.
Leche syempre nagkikitaan kami, may mata kami eh. Duh.
"Punyeta ka talaga V." sabi ko at bumalik nalang sa pag-aaral.
Kung hindi lang kita gusto, matagal na kitang naitapon sa bermuda. Kaso mahal kita eh, wala akong magagawa.
Panay parin ang pagkulit ni V saakin.
"Titigil o titigil?" Nagtitimpi kong sabi.
"Hindi titigil."
"Ginagago mo ba ako?"
"Medyo lang."
Aba leche. Binitawan ko muna ang mga textbooks ko na kasalukuyan kong inaaral.
"Ano ba talagang gusto mong hinayupak ka ha?" Tanong ko sakanya.
"Tulungan mo ako Ianne." Seryosong sambit niya.
Hay, minsan lang 'to magseryoso kaya sige.
"Anong tulong?"
"Manliligaw ako."
Okay naman.
---
"Walanjo naman V. Tatlong araw na kitang tinuruan kung paano manligaw pero hanggang ngayon hindi mo parin sinasabi saakin kung sino ang nililigawan mo. Nasaan ang hustisya?" Sabi ko.
"Malalaman mo 'rin. Pero hindi pa ngayon ang tamang oras." Sabi niya at ngumiti.
Bakit? Kasi ako 'yung liligawan mo? Ayaw mo munang malaman ko?
Alam kong imposible pero umaasa ako V.
"Tara na nga, punta tayo 'dun sa cake shop." Inakbayan niya ako at nagtungo kami sa cake shop.
Simpleng gestures niya kinikilig ako, kahit alam ko namang friendly gestures lamang ang mga ito.
Kasalukuyan kaming pupunta sa isang cake shop para bumili ng cake para 'dun sa liligawan ni V.
"Ianne anong flavor ang gusto mo?" Tanong ni V habang tinitignan ang dose-dosenang mga cake sa pantry ng cake shop.
Bakit V? Bakit ako ang tinatanong mo? Dahil ba ako nga 'yung liligawan mo?
Napabuntong hininga nalang ako at sumagot. "Yung strawberry nalang." Matamlay kong sagot.
Dahil 'don ay napatingin siya saakin. "Teka bakit ang tamlay mo?" Lumapit siya saakin at hinawakan ang noo ko.
"Sht may lagnat ka. Iuuwi kita, babayaran ko lang to." Dali dali niyang binayaran yung strawberry cake sa counter at agad na pumunta sa parking lot. May lagnat na pala ako, hindi ko manlang naramdaman.
Nagdrive siya pauwi sa subdivision namin dahil magkapitbahay lang naman kami.
Inalayan niya ako papunta sa kwarto ko at inihiga ako.
Wala siyang imik na bumaba ngunit umakyat ulit na may dalang tray ng pagkain, gamot at tubig.
Pinakain niya ako ngunit hindi parin siya umiimik. Napainom na niya ako ng gamot kaya inilapag na niya sa bedside table ko ang tray.
"Sht naman kasi." bulong niya sa sarili niya.
"Bakit V?" Kahit nanghihina ako ay itinanong ko ito.
Dahil ba nasira ko ang plano? Bukas na kasi ang valentines day at bukas na dapat ang surprise ni V sa liligawan niya. At dapat ngayon tapos na namin lahat ng preparations dahil tatlong araw na namin tong plinano.
Pero dahil saakin hindi pa namin tapos lahat ng preparations. Kaya ba siya galit?
"V if this is about the preparations, sorry kung dahil saakin hindi parin tapos. Sorry--" Naputol ang sinasabi ko ng nagsalita siya.
"Sht Ianne! May sakit ka na't lahat 'yang preparations parin na 'yan ang iniisip mo! For pete's sake Ianne, sarili mo naman ang isipin mo! I'm not mad i'm just protecting you at kapag ganyan ka, I won't be able to do what I need to do!" Sabi niya na ikinagulat ko.
"So sinasabi mong obligasyon mo lang ang pag-aalaga saakin? Na kailangan lang kaha mo ginagawa? Na hindi ka naman talaga concerned? And you're saying na ako pa ang may kasalanan?"
"Ianne that's not what I mea--"
"V i'm not a kid anymore and I don't need a babysitter na obligado lang na alagaan ako dahil kailangan!" Sabi ko at humiga ng patagilid, patalikod sakanya.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Look, Ianne. I'm sorry. Nag-alala lang ako kaya basta nalang ako nagsalita nor considering 'kung ano ang mararamdaman mo. Inaalagaan kita kasi bestfriend kita, you're important to me." Sabi niya at iniharap ako sakanya.
Bestfriend. Yeah right, i'm just you're fckin' besfriend.
"I'm really sorry." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.
There goes my heart again.
"Sulit sulitin mo na 'yang paghalik ko sa noo mo! Dahil kapag sinagot na ako ng liligawa ko, magseselos na yun at hindi ko na ulit yan magagawa sayo!" Pabiro niyang sabi na parang walang nangyari kanina. Ganyan kami, ayaw namin na nagkakaaway kami.
Pilit akong ngumiti at kunyari ay natawa. "Gago ka talaga V. Oh siya labas na at magpapahinga na ako."
"Pagaling ka ah! Kailangan mong ma-witness bukas ang pagsagot saakin ng liligawan ko!" Masigla niyang sabi.
"Haha o-oo naman!" Sabi ko at pilit na ngumiti.
Kahit ito man ang wawasak sa puso ko.
Lumabas na siya ngunit pumasok ulit pero ulo lanh ang nakadungaw.
"Advance happy valentines day bestfriend! Mwah!" Sabi niya at nagflying kiss, pagkatapos ay tumawa siya at sinarhan na ang pinto.
Bestfriend...
• • •
A/N: Ello~ here's the first chapter! Sorry na huhu loool.
Sana mapagtiyagaan niyo hanggang sa huli! 2 more chapters then the epilogue! Lol siguro sa epilogue nalang ako makakabawi? hahahaha.
Thanks for reading! Kung meron mang nagbabasa ahe.
•tinkeobell
BINABASA MO ANG
Bestfriend | Taehyung
Fanfiction↻ whereine ianne cliche-ly falls in love with her bestfriend who hadn't had the chance to love her back // kim taehyung fanfiction.⟩ "a bestfriend's love is all I need, is that too much to ask?"