► epilogue

758 50 14
                                    

epilogue

Ianne

"You may now kiss the bride." Anunsyo ng pari at nagpalakpakan ang lahat.

Ang saya ko. Hindi ko mapaliwanag ang kaligayahan na nararamdaman ko.

Basta ang alam ko lang, masaya ako.

Masaya ako dahil...

Masaya na ang bestfriend ko.

Masaya na ang bestfriends ko.

Hindi man ako ang nakatanggap ng happy ending, masaya naman ang dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay ko bukod sa pamilya ko.

Oo tama kayo, sinagot ni Keanne si V. At nagtuluy-tuloy na. Tinanong nila ako 'kung bakit daw bigla bigla akong nawala.

Sabi ko tinawagan ako bigla ni Jungkook at nagpatulong sa english assignment niya. Sabi ko kawawa naman si Jungkook dahil 4/100 lang siya kaya pumayag akong tutoran siya.

Kawawa naman si ilong, nadamay pa sa mga palusot ko, kaya lumalaki ilong 'nun eh. Tsk.

3 years na mula ng maggraduate kami ng college. Parehas na doctor ngayon sina Keanne at V. Habang ako naman, cosmetics. BS Management ang curso ko kaya ngayon ay may business na ako, ayon ay ang cosmetics.

Gumawa ako ng pormula na magpapaliit ng ilong. Para sa mga ilong rangers diyan sa tabi tabi.

De biro lang, lawyer na ako ngayon. Sina Jin, Jimin, Namjoon at Suga naman mga tambay sa kanto--este mga hiphop dancers na. Si Neya, 'yung maarteng malanding hinayupak, model ng mga hipon.

Seryoso ako. Endorser ng tempura sa Tokyo Tokyo. At oo nga pala, si Jungkook, aba lawyer 'din. Biruin mo, 4/100 sa english tapos lawyer ngayon? Nako, nadala sa ilong. De biro lang, peace Jungkook at sa ilong mong dambuhala. At hanggang ngayon, even though he's already a grown man with a large nose, noona parin ang tawag niya saakin.

Oo nga pala, nalaman 'rin ni V na minahal ko siya dati. Magabang istorya kung paano. Pero kinalimutan nalang namin 'yun. I remained his bestfriend, Keanne remained as his girlfriend. Hindi naman sa hindi ko siya ipinaglaban, pero maayos na lahat eh. Magkakagulo't pare-pareho kaming masasaktan kapag umeksena pa ako.

I may have a sad ending, atleast ang dalawang mahal ko sa buhay ay masaya na ngayon.

Well, come to think of it, my ending's not bad afterall.

It's still not the end, right? I can still live as I please and maybe someday, I'll get my happy ending I deserve.

"Noona! Noona halika sabay na tayo, pupunta nang reception!" Sigaw ni ilong ranger sa 'di kalayuan.

Maybe, just maybe, my ending's right infront of me. I just have to open my eyes and move on.

"Tara Jungkook!" Sabi ko at tumakbo papunta sakanya.

Ignore all the hardships you'll encounter, everything will soon fall right in it's place. For the meantime, enjoy everything.

It is still a beautiful world, be cheerful, strive to be happy.

• • •

A/N: Heellloooo~ Epilogue na! Another short fanfic completed! Lol sad ending na naman. Ayoko ng happy endings chos, di ko lang talaga forte 'yung mga ganun.

Tignan niyo, Taehyung fanfic na, nandito parin ang asawa kong malaki ang ilong. Hehe sorry na looool.

Anyway, thanks for reading guys! Omo I love you~ hehezxc

P.S. Another short fanfic upcoming!

P.P.S. Oy may special chapter pa! Hintayin niyo! Hehehehehehe ulul ang jeje.

•tinkeobell

Bestfriend | Taehyung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon