three
Ianne
"Teka lang Ianne bibili lang ako." Sabi saakin ng bestfriend ko at tumayo.
Lunch na at nasa table na kami sa cafeteria.
"Hindi 'wag na! Ililibre kita, anong gusto mo?" Sabi ko at ngumit ng malapad.
"You know Ianne, you're freaking me out. After art class buong araw ka nang nakabungisngis na parang ang saya saya mo. Pero dahil biyaya 'yang inaalok mo, gusto ko ng baby back ribs and mango shake, ripe ha!" Sabi niya.
Nakangiti akong pumila. "Oh Ianne, ang saya mo ata ah?" Sabi ni Neya.
Ka-batch ko, maarteng malandi 'yang hinayupak na 'yan.
"Ewan ko." Sabi ko at ngumiti.
"Tanga." Medyo mahina niyang sabi, but loud enough for me to hear.
"Mas tanga ka." Sabi ko at ngumiti ng mas malapad. Sasagot na sana siya pero siya na ang sunod sa pila.
Nag-order siya at umalis na lang.
"Ate isa nga pong baby back ribs at isa 'rin pong beef steak. Pati dalawa pong ripe mango shake." Nakangiting sabi ko at binayaran ito.
"Saya mo ah, sige saglit." Sabi ni ate at ibinigay saakin ang sukli.
"Hindi ate keep the change hehe." Sabi ko. Nung una ay ayaw niya pang tanggapin dahil pwede pa nga namang ipangpamasahe ang 70 pesos. Sabi ko nalang ay diyan lang naman ako nakatira sa katabing subdivision. Sa huli ay tinaggap niya na 'rin.
"Eto ineng oh, salamat ah!" Sabi ni ate at inabot ang tray ng order ko.
Ngumiti ulit ako at nagpunta na sa table namin.
"Keanne 'oh!" Sabi ko at inilapag ang tray.
"Shet sarap." Sabi niya at nilantakan na kaagad ang pagkain niya.
Kumain na 'rin ako at hindi parin maalis sa mukha ko ang ngiti ko.
So tama nga si mommy? Ako nga talaga. Ang saya pala sa pakiramdam. Yung feeling na gusto ka 'rin pala ng gusto mo?
"Lechugas Ianne natatakot na talaga ako sayo. Ngiti ka ng ngiti tapos ngayon kahit 'yung pader nginingitian mo 'rin." Sabi ni Keanne at sumubo muli.
"Kumain ka nalang diyan bestfriend." Sabi ko at ngumiti muli. Umiling iling nalang siya at nagpatuloy sa pagkain.
***
"Class dismissed. Cleaners, stay." Sabi ng adviser namin at lumabas ng ng classroom.
Shet. Ito na dismissal na. Kinikilig ako na kinakabahan.
Nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa at tinignan 'kung sino ang nagtext.
From: Vestfriend
Ianne, courtyard.
Nakita ko 'rin na nasa pinto na naghihintay si Keanne kaya isinakbit ko na ang bag ko sa kanang balikat ko at aalis na dapat kaso tinawag ako ng kaklase ko.
"Oy I-Ianne cleaner ka nga-ngayon!" Nagstustutter na sabi ni ilong. Yumuko siya at nagpatuloy nalang sa paglilinis. Tsk, sabi na nga ba't gusto ako nito. Haha.
"Yiee binata na si ilong ranger!" Kantyaw sakanya ng isa naming kaklase na si Jimin. Si Jungkook kasi ang pinakabata sa buong 2nd year at siya rin ang may pinakamalaking ilong.
BINABASA MO ANG
Bestfriend | Taehyung
Fanfiction↻ whereine ianne cliche-ly falls in love with her bestfriend who hadn't had the chance to love her back // kim taehyung fanfiction.⟩ "a bestfriend's love is all I need, is that too much to ask?"