Chapter 2 "Best Friendly Date"

17 0 0
                                    

***

Click Text.

*type*

Syeeeet! Malas malas malas! Bakit ngayon ka pa nawala, wallet ka? NAKAKAINIS. Nakita nga ni manong na parang nagpapanic ako. Unfortunately fortunate, nilibre ako ni Drayle kanina sa may bilihan ng hotdogs, burgers and the likes. Why oh why? >___< Pero teka... nakakapagtaka lang. Kasi sya yung peste na nakita ko sa canteen. Bakit nasa may kanto na rin sya? Sinusundan ba nya ako?

Sus. Pasalamat sya kasi nawawala wallet ko kaya nakausap ko sya. Iniisip ko pa lang na sinabi ko sa kanya ang simpleng 'Thank You', nasusuka na ako. (WEH?!)

Bakit ba kinausap ko pa yun? Pero I just found myself saying those two words. Tameme ba ako? Ugh! Ayoko na sya makita. Pls lang. Kahit pa gwapo sya. Kahit pa minahal ko sya. I repeat, MINAHAL! Past na. Wala na yun.

Ayoko na nga! Daming pumapasok sa isip ko. Yung nakaraan. Yung.. Lahat! UUUUGH! :-@

Click Publish.

Kung iisipin man ng iba na monotonous routine ko na 'to, wala akong pakielam. Open Tumblr then magba-blog. Tumblrista here since 2010. Online Diary ko na yun. At kung mababasa man ng iba ang personal blog kong to, I don't care. Pero pls, wag sana si Rhiu.

Nirefresh ko ang dashboard ko. (Kung di mo alam ang dashboard, I pity you. Hahah. Dejoke. Yun ang 'home' sa Tumblr.)

May nagmessage sakin na 4.

Anonymous asked: Ex niyo po ba yung si Drayle?  Asdfghjkl! Grabe naman. Para akong nasa isang talk show.

I replied: HAHAHAHAHAHAHAHAHA. No. -.-"

batangchingket asked: Bakit po galit na galit kayo kay Drayle? Sayang. Gwapo pa naman. As what you've stated. =]] Hello Ate ganda.

I replied: Sinabi ko bang gwapo sya? Naku. Guni-guni mo lang yun. Haha. :

asdfgHAPPY: Sya rin po ba yung tinutukoy niyo sa blog niyo kahapon na nakita niyo? Ano po yung nakaraan niyo? Parang telenobela lang teh! :]

I replied: Tsismosa lang? Hahah. Joke. Pero, oo sya nga. PAST IS PAST. Hahaha. Pero next time nyo malalaman.   At yung huling message, natigilan ako.

Anonymous said: Maybe he still have a space in your heart that's why you're reacting that way. :)

Hindi ko yun nireplyan. May laman yung message na yun na parang pinagsasabihan ako. Sino kaya to?  Hanggang sa pagtulog, tuliro ako.

***

Grabe! Biruin mo yun? Two sleepless nights ang sinabak ko dahil lang sa isang T.A.! Wag sana nito sirain ang araw ko. Ngayon pa! Lunes na lunes e.

"Sa tingin mo, okay lang kaya yan?"

"Ewan ko. Kanina pa yan e. Baka may problema sya."

"Bakit di mo alam? 'Di ba ikaw ang bestfriend?"

"Kakahiya naman sayo pre. Parang di kaibigan ah."

Ang ingay naman! Ano ba yun?!

"Ano ba? Ingay niyo naman e!" Buti na lang walang prof. Medyo napasigaw kasi ako.

"Paano ba naman, kanina ka pang tulala dyan. Ayos ka lang ba?" tanong ni Jie.

"U-uhh, oo okay lang." Kanina pa pala akong tulala. Tsk, yung message kasi kagabi! Kaynis.

After class, pauwi na rin. Hay salamat! Makakatulog na rin ako ng mahaba-haba. Pambawi sa puyat na inabot ko nung weekends.

"Bye mga tugs! Una na ako."

Feelings Within WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon