CHAPTER 27

133 8 0
                                    

Pagpasok ni Celdan sa condo nila nanlaki ang mata niya sa nakita. Agad naman siyang pinansin ng abalang kapatid. "Oi..kuya san ka galing,.? Magdamag kang di umuwi ah.,"

"Punyeta ka Nycel anu yang suot mo.?"

"Hoy.,!!! Hindi ko sinabing magmura ka.,tinatanong kita kung saan ka galing." akala mo ay mas matanda ito habang sinisita ang kapatid.

"Hoy ka rin babae ka,pinagbawalan na kita dati na isuot ang ganyang kaiksing shorts."

"Bagay naman eh.,tsaka uso." Sabi nito sabay kalikot sa may puwitan nito na hinihila ang panty.

"Magpalit ka isa.,"

"Ayoko nga."

"Dalawa.."

"Ayaw..,"

"Pagbilang ko ng tatlo at hindi kapa nagpalit hahambalusin kita ng walis diyan." pagbabanta nito. Hindi pa sana magpapalit si Nycel pero ng makita niyang hawak na ng kapatid ang walis ay agad itong tumakbo papasok sa kwarto niya.

"Letse ka..ignorante,," pagmumura pa nito sa loob.

"Tumigil ka diyan. Kahit may boyfriend kana,hahampasin parin kita kung matigas yang ulo mo. At anu nalang sasabihin ng mga kaibigan mo kapag nakita ka nila." nagsimula na naman ito ng panenermon sa dalaga.

"Eto na nga oh,,ang dami pa sinasabi. Puro ka sermon tignan mo puro na kulobot ang mukha mo. Tigang kapa." sa sinabing iyon ni Nycel ay hinabol siya nito ng walis sa loob ng bahay.

Nagtitili ang dalaga habang habol-habol siya ng kuya Celdan nito. Saka lang sila tumigil ng kapwa na sila pagod.

"Baliw ka talagang babae ka." humihingal na sabi ni Celdan sa kapatid.

"Mana-mana lang yan." Natatawang sagot ng dalaga.

"Nga pala kuya san kaba galing ha.!"

"Dinalaw ko lang sina mom and dad. Nag domestic na ako para mapadali." Tumango nalang ang dalaga ni hindi man lang nito nagawang kumustahin ang mga magulang kahit sa kaloob-looban nito ay miss na niya din sila lalo na ang kanilang ama.

"Sige kuya alis na ako,magkikita kami ng tropa." Kinuha na ng dalaga ang bag nito.

"Tropa mo o ang boyfriend mo.?ang aga pa oh,alas siete palang., ikaw Nycel ilang araw palang kayo di mo pa masyadong kilala yang boyfriend mo."

"Sermon na naman kuya.,kaumay.,,!! Tropa yun..tropa.., pero siyempre kasama si bf dun.,babush.,.,!!" Nakangiting iiling-iling naman ang binata sa tinuran ng kapatid.,

"Blooming tayo ah.,bat di mo kasama si Lover Boy.," bungad sa kanya ni Denver na mag-isa sa cafeteria.

"Ulol.," inis na sagot nito paano ba naman kasi naghintay pa siya eh nauna na pala ito pero wala naman dito.

"Init ng ulo mo ang aga-aga., menopause kanaba.,??? dipa kayo nagkakababy eh."

"Gago ka Denver ah,huwag mo lalo pinalala init ng ulo ko kundi nganga ka sa kapatid mo hindi kita tutulongan." pagbabanta nito sa kasama.

"Nycel naman nagbibiro lang eh.,huwag ka namang ganyan.,bakit ba kasi ang init ng ulo mo."

"Paano sinermonan ako ni kuya ang aga-aga..tapos itong gagong si Quinsy pinaghintay ako,sinabing nauna na.,pero wala naman dito." Nanggigil na saad nito saka tumayo at naglakad palabas ng cafeteria.

"Saan ka pupunta.?."pahabol na tanong ng binata pero hindi na niya ito narinig.

Habang naglalakad si Nycel patungong banyo ay may natanggap siyang text. Pagkabasa noon ay agad lumiko , babalik na sana siya sa cafeteria pero may humarang sa kanya.

***

"Wala pa ba si Nycel." tanong ni Quinsy na kakarating kasama ang apat. May binili ang mga ito sa labas kaya hindi sila nadatnan ni Nycel.

"Magtago kana bok,mainit ulo niya." sagot ni Denver dito.

"Bakit?" takang tanong ng mga kasama.

"Sinermonan daw ng kuya niya at pinaghintay mo pa daw ." Nakasimangot pa ito habang sinasagot ang tanong.

"Bat parang ikaw affected." Nakangising tanong ni Lincoln dito.

"Ayaw kung madamay ulol,paano nalang ang kapatid ko."

"Sige hanapin ko lang muna." paalam ni Quinsy.

AN:// matagal ang update kasi may problema tayo..hehehe memory gap... LOL...

MS. PROMDI IS A GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon