CHAPTER 21

146 6 0
                                    

Nasa private area nang resort ang magkakaibigan na kanina pa naiinip sa paghihintay kaya kung anu-ano nalang ang napag-uusapan ng mga ito hanggang mapunta ulit ang kanilang usapan sa dalawang hinihintay.

"Dapat tinawagan mo na si Quins bok." sabi ni Moises kay Lucian.

"Baka on the way na sila kasi di na niya sinasagot tawag ko." Sagot naman ni Lucian.

"Sa tingin niyo totoo ang relasyon nila?"pag-iiba ni Lincoln sa usapan.

"Parang nagbibiro lang naman si Danycel kagabi. Ni hindi nga nakapagsalita si Quins." saad naman ni Mica.

"Eh diba nga naghalikan sila. Anung ibig sabihin nun.?" Singit naman ni Moises.

"Alam naman natin na may gusto si Quins sa kanya. Malihim din ang kumag na yun." Sabat naman ni Denver sa usapan nila dahil kagagaling lang nito sa washroom.

"Ang akin lang kawawa silang dalawa kapag nagkataon. Mas masakit ang kay Danycel kapag ipagkakasundo na si Quins." iiling-iling na saad ni Mica. Nakatadhana ang mga ito sa arrange marriage para sa kayamanan nang pamilya or para sa mas ikayayaman nang kani-kanilang pamilya.

"Kung yun lang magiging hadlang sa kanila bok hindi problema yun. Dahil kalevel natin nang pamumuhay si Danycel o baka mas mataas pa ang level nito." seryosong sagot ni Lucian sa sinabi ni Mica.

Bigla silang napatigil nang makitang paparating ang dalawa na magkaakbay. "Anung meron.,?" agad na tanong ni Nycel sa mga ito.

"La-langgam.." pabirong sagot ni Lincoln dito.

"Baka gusto mong langgamin nalang hanggang maubos ka Lincoln." pagbabanta nang dalaga dito.

Kaya agad naman siyang nagpalusot. "Meron naman talaga eh. Kati nga eh." Pakamot-kamot pa ito sa paa.

Inihila ni Quinsy ng upuan ang dalaga at inayos pa ito habang pinagmamasdan naman nag lima ang kanilang galaw. "Anything you want hon.?" tanong pa nito sa dalaga.

"Awww..!!" sigaw ni Lincoln na ikinatawa ng mga kasama.

"Mamatay ka sa inggit ulol." sambit naman ni Quins dito.

"So..its really official?" Tanong naman ni Lucian sa kanila.

Nagkatingin ang mga ito at sabay na tumango. "Yun oh..!!" pangangantiyaw naman nila Moises at Mica.

"Anyway..,mamaya na ang interogasyon sa loveteam,unahin muna natin ang dahilan nang pagpunta natin dito." pag-iiba ni Lucian sabay tango kay Denver para simulan na ito.

"Ganito kasi yun Nycel may kapatid akong babae,she's a model,then she told us na may overseas project sila so we've thought she's doing fine until one day I'd receieved phone call from her begging for help..." Ikwinento ni Denver ang naging usapan nila nang kanyang kapatid. Nakikinig lang din naman si Nycel at ang mga kanilang mga kaibigan.

"So yun ang problema wala akong idea kung saan ko yun hahanapin. I only have few days left." maluha-luhang pagsasalaysay nito.

Napaisip naman ng malalim itong si Nycel dahil hindi niya inaasahan na ganun kalala ang problema ng mga kaibigan.

"Bok yung text." biglang singit ni Mica.

"Oo nga pala,my tinext din sakin na CEPHAS. Hindi ko naman yun alam kung anu ang ibig sabihin. Nagbabad na ako sa internet pero wala parin. Please Nycel kung may alam ka tulongan mo naman ako." At tuluyan nang bumagsak ang mga luha nito.

Hindi parin umiimik si Nycel kaya tinapik na siya nang kasintahan. "Hon are you ok.?" tanong nito pero hindi siya sinagot.

"Oo nga pala may files na isinend sakin. Galing kay Blue yung ka-Gang mo Nycel." sabi nitong si Denver sumisinghot-singhot.

"Ok.,!!would you mind to read that first, I just need to think." Lumakad ito papalayo sa kanila,nang sundan ni Quinsy ay pinigilan niya ito. "Hon I'm ok you need to read the files first then come to me I'll talk to you."

Tahimik ang anim na magkakaibigan habang binabasa ang files sa kani-kanilang account dahil ipinasa ni Denver sa kanila iyon.

"I don't have time, Kailangan ko silang puntahan,kailangan ko silang kausapin." aligaga at halos di alam ang gagawin at kung anu ang kailangang bitbitin ni Denver.

"Bok calmdown., kailangan muna natin planuhin ito. Andiyan si Nycel matutulungan niya tayo,dipa naman tayo sigurado."pang-aalo ni Lucian sa kaibigan.

"Kakausapin ko lang siya mga bok,huwag niyong paalisin si Denver. Tama si Moises planuhin muna natin." Agad namang tinakbo ni Quinsy ang kinaroroonan nang kasintahan.

AN:// Paramdam naman kayo..,,hahahah

MS. PROMDI IS A GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon