John Paul's POV
Makapal ang nyebe sa kalsada habang aking minamaneho ang aking sasakyan. Napakadulas din ng mga kalsada dulot ng mga namuong yelo dito dahil sa walang tigil na buhos ng malakas na nyebe. Sa mga ganitong karaniwang panahon, wala masyadong nagpapangahas byumahe sa lansangan dahil sadyang mapanganib ito. Ayoko man sumagal ngunit kinakailangan dahil ilang oras na lang ay magbabagong taon na at ayoko namang magdiwang ng bagong taon dito sa lansangan at higit sa lahat hindi ko hahayaang magdiwang ang aking ama magisa ng Bagong Taon, dadalawa na nga lang kami eh."15 minutes to go and we'll say good bye to 2014! Time to party folks!" - tinig ng DJ sa radyo ni John Paul
Nako kailangan ko na magmadali, malamang hinihintay na ako ni itay sa bahay. Habang nagmamadaling magmaneho si john Paul ay napansin niyang may tumatawag sa kanyang cellphone, agad niyang naisip na ang kanyang itay ang tumatawag kaya kinuha niya ito at sinagot.
"Hey son! What's taking you so long? I think the next time I'll see you again is next year! Son, go home already please."
"Hey dad! Don't be over-exagge--"
BOOM!"Son? Are you all right? Son?"
"Daa---aa---d"
Tumama ang ulo ko sa manibela ng kotseng aking minamaneho na nagdulot ng pagbuhos ng dugo sa aking ulo at nagdulot din ito sa akin ng paghihilo kaya wala rin akong masyadong maalala sa mga nangyari. Ang naaalala ko lamang ay patuloy kong naririnig ang malakas at nagaalalang boses ng aking ama na tila ba'y nasasabik malaman kung okay lang ba ako. Napatingin din ako sa aking windshield at aking napansin na may bahid ito ng dugo, kinabahan ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Tinanong ko ang aking sarili kung may nabangga ba ako, kung meron, ano ito? Sana hayop lang pero kung tao sana buhay pa siya. Marami akong mga tanong noong panahong iyon, ngunit dahil sa aking sobrang hilo at sakit na aking nararamdaman, mas pinili ko na lang ipikit ang aking mga mata.
"Son! Sooon! Son!" tinig ng kanyang ama
Patuloy ang pagsasalita ng aking ama hanggang naimulat ko ang aking mata dahil sa kakulitan nitong aking ama. Maganda ang panahon noon, mataas ang sikat ng araw at napakalayo sa panahon noong ako ay naaksidente. Bakit kaya? Marahil nacomatose ako at ngayon ay summer na. Grabe ang tagal pala ng pagkatulog ko. Buti at hindi nagdesisiyon ang aking itay na ipalibing na lang ako dahil ang tagal ko ng natutulog. Buhay kaya yung nasagaan ko? Ikukulong kaya ako? Natatakot ako! Napakabata ko pa! Marami pa akong mga pangarap sa buhay! Hindi ko naman sinasadya eh! Hindi ko naman alam! Gusto ko lang naman makapiling at mapasaya ang aking ama dahil dalawa na nga lang kami. Paano pag kinulong ako? Eh di magisa na lang si tatay eh matanda na rin siya. O Diyos ko! Tulungan niyo po ako!
"Son! Son!" patuloy na kinakausap siya ng kanyang ama
Tulala lang ako habang patuloy akong kinakausap ng aking ama. Naririnig ko siya ngunit hindi pumapasok sa aking isipan ang kanyang winiwika. Pinagpapawisan na ako ng malamig at tila ba ang katawan ko ay nanginginig nang biglang naramdaman ko na ang aking buong katawan ay nabasa, para bang binuhusan ako ng napakalamig na tubig!
"Hey son! Listen to me! Look at me"
Inaalog ng aking ama ang aking katawan at dahil sa binuhos na malamig na tubig sa akin na para bang nag ice bucket challenge ako, natauhan na rin ako sa wakas.
"Yes dad? Why did you pour cold water on me?"
"I'm sorry son. I need to do that because you are having a nightmare! I heard you yelling while I'm downstairs so I quickly went upstairs and tried waking you up. Thank God you are all right! You are always like this. Maybe we should consult a doctor regarding your condition."
Nakalimutan ko na wala nga pala akong kotse! HAHAHAHA! Binangungot lang pala ako! Juice colored! Pero tama si ama, napapadalas ang aking pagkabangungot.
"Anyway son, Merry Christmas!"
Yinakap ako ng aking ama at may inabot siya sa aking maliit na regalo.
"Merry Christmas also dad! I wonder what your gift is!"
Ang regalo ng aking ama ay nasa isang maliit na box. Ano kaya ito? Agad agad kong binuksan ang kanyang regalo at hindi ko alam kung matutuwa ako sa binigay niya. Matagal ko ng pinapangarap ito pero..
"Hey son, you don't like my gift? Why are you so quiet and the poker face?"
Alam niyo kung anong rinegalo sa akin ng aking ama?
Susi ng kotse... >_<
--- Katapusan ---
Ang pangalan ng aking itay ay John. Isa isyang Amerikanong sundalo na nadestino noon sa Pilipinas at doon niya nakilala ang aking ina. Mataas ang rangg niya sa hukbong sandatahan, siya ay isang heneral marahil ito ang dahilang kung bakit Napakastrikto niya, ngunit sa kabila nito ay natatago naman ang kanyang pusong mamon. Napakalaki din ng galit ni itay sa aking ina, marahil ay dahil sobrang heartbroken siya dito, bitter like ampalaya kung baga. Bakit kaya? Ano kaya ang nangyari? Simula noong naghiwalay sila ni inay, hindi ko na kailanman nakita si itay umibig sa ibang babae kahit na maraming mga babae ang nagpaparamdam sa kanya! Oo! Kahit may katandaan na si itay, siya ang liniligawan ng mga kababaihan! Lalo na yung mga Pinay! Gwapo kasi si itay, unahan ko na kayo, oo mana ako sa kanya! Yan si General John Ransom! Siya ay limampung taong gulang na nga pala at nagretiro na rin sa hukbong sandatahan, ang aga noh. Sa ngayon, siya ay isang manager sa isang napakalaking kumpanya.
Magaling din nga pala siyang magbasketball! Nakuha nga siyang import sa isang liga sa Pilipinas eh. Ano ba yun? PVC ba yun? PDA? PBB? Ewan basta yun na yun! Matangkad kasi si itay, mga 6'10 siya. Ako? Mga 5'9 lang ako marahil hindi ganun katangkaran si inay at sa kanya ako nagmana. Kahit dalawa lang kami ni itay, hindi nabigo si itay na iparamdam sa akin ang pagmamahal na mararamdaman mo sa isang kumpleto at masayang pamilya. Mahal ko si itay at gagawin ko ang lahat para mapasaya lamang siya.
BINABASA MO ANG
John Paul Ransom
General FictionSi John Paul Ransom ay labing walong taong gulang na FilAm na isinilang at lumaki sa Amerika. Ang kanyang ama ay isang sundalong Amerikano at ang kanyang ina naman ay kailanman ay hindi niya pa nakausap o nakita man lang. Wala siyang ideya kung nasa...