Ikalawang Kabanata

9 1 0
                                    

John Paul's POV

"No dad, of course! I really appreciate your gift! It's just that.. uh, never mind. Merry Christmas again dad!" linapitan ko siya at yinakap ng mahigpit.

"Nice to hear that Son because if you will not be happy with the gift I gave you, I'll be really sad and heartbroken. You don't have an idea how much I've ssacrificed just to bought you that gift. Son time flies so fast, before..."

"Errr dad.. enough with the drama. That is so gay! Kidding! I love you dad but please, no drama please. I know what you want to say and I've heard those lines several times already! No need to repeat it again. Dad, you are the best dad and you'll be always my best friend! High five"

"Hahaha! Sorry son it is just that.."

"Dad!!!"

"Okay! Okay! Hahaha! Enough with the drama and go try your car! I hope you will really like it!"

"I love you dad!!"

Talaga ito si tatay oh kahit sobrang strikto, napakadrama naman pagdating sa akin. Bigla kong naalala ang napanaginipan ko pero syempre, kahit binangungot ako excited pa rin ako! At saka panaginip lang naman yun eh at saka sino ba naman ang hindi magiging excited pag binigyan ka ng kotse. Ano kaya ang binigay na kotse sa akin ni itay? Marahil isang sports car yun! PInagsakripisyuhan niya daw talaga eh so mahal yun sigurado! Sana itim yung kulay ng kotse ang pogi nun sigurado! Agad-agad akong bumaba ng hagdan at dali-daling binuksan ang pintuan ng aming bahay. Hinahanap ko ang kotseng binili ni itay para sa akin. Alin kaya dito? Tumingin ako sa aking paligid nang may nakita akong isang itim at napakakintab na kotse at ito'y bagong-bago at WOW ulit! Dahil ito'y isang sports car! Oo! Sports car! Ayos! Totoo ba ang nakikita ko o nanaginip lang ako? Sinapak ko ang sarili ko at aray! Totoo nga! Ayos talaga! Ang galing ni itay! Nahulaan niya ang gusto kong kotse! Grabe! Nakakaiyak talaga! Ang ganda ng kotseng binigay ni itay sa akin! Yahoo! Mahal na mahal niya nga ako! Nahihiya tuloy ako dapat pala pinagdrama at pinagtalumpati ko na lang siya kanina. Tinititigan ko ang sasakyan at aking binubusog ang aking mga mata sa kagandahan nito habang dahan-dahan akong lumalapit dito para masubukan. Bawat apak ko ay parang hakbang sa kalangitan at hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa regalong bigay sa akin ni itay.

Nang nalapitan ko na grabe mas maganda pa ito sa pianakamagandang babae sa balat ng lupa o sinumang babaeng nabuhay dito sa planetang ito. Agad-agad kong kinuha ang susi at sabik na sabik kong pinasok ang susi sa pasukan upang mabuksan ang pinto ng kotse, ngunit hindi nagkakasya ang susing ibinigay sa akin ni itay at pagkatapos nito ay biglang nagalarm pa ang kotse at ito'y napakaingay. Baka dahil sa sobrang kasabikan ko ay nagkamali lang ako kaya sinubukan ko ulit ito ipasok, ngunit ayaw pa rin nito magkasya. Sinubukan ko rin patayin ang alarm gamit ang kontrol sa aking susi, ngunit ayaw din nito mamatay. Hala! Bakit ganito? Hindi pwede ito at dahil makulit at mapilit ako sinubukan ko ulit ipasok ang susi, ngunit ayaw talaga nito mabuksan. Marahil maling susi ang naibigay sa akin ni itay. Ano ba yan! Di bale babalik na lang ako sa bahay para papalitan ang susi. Nang pabalik na ako ng bahay bigla akong may naramdaman na may malakas na nagtapik ng kamay sa aking balikat, nagulat ako dahil ito'y may kalakasan kaya hinarap ko ito at hindi na ako nakapagsalita o nakaporma man lang dahil sinalubong na ako ng isang malakas at malutong na suntok! Sa sobrang lakas nito ay tumalsik ako napahalik sa semento. Ngayon, sigurado ako na hindi lamang ito isang panaginip, totoong nangyayari ito. Lintik na kotse yan, lagi na lang ako pinapahamak.

"Hey Homey! Waz your problem huh !?! You trying to steal my new toy huh! You don't have an idea who you are playing with! Don't you know who I am? You not watching tv homey?"

Nakaupo lamang ako sa sahig nun at tinititigan siya. Lutang ako nun habang aking napansin na may tumutulo na palang dugo sa aking ilong at sa sobrang lakas ng daloy ay aking nalalasahan ang iba dito, sapakin ka ba naman ni Kyrie aba good luck na lang. Syempre kilala ko siya! Ang tagal ko na siyang kapitbahay eh at oo napapanood ko siya sa telebisyon. Hindi niya ako kilala dahil wala siyang pakielam sa mga tao sa paligid niya yung para bang siya lang ang tao dito. Oo nga pala ang sumuntok sa akin ay si Kyrie, kapitbahay namin, walang sinasanto ito kahit nga ata pulis tumitiklop sa kanya eh. Isa siyang mixed martial artist at napakalaki ng kanyang katawan kaya hindi nga ako makapaniwala na humihinga pa rin ako. Mukha ngang hindi pa siya tapos sa akin eh, mukhang hindi pa kuntento na napadugo niya ang ilong ko at nagiwan ng malaking pasa sa aking mukha, nang dadamputin niya na ako bigla na lang may isang babaeng tumakbo papunta kay Kyrie at sinubukan niyang awatin ito. Kanyang yinakap ito at sinubukan tulakin palayo sa akin. Sino yung babae? Hindi siya si Wonder Woman pero kasing ganda niya si Darna este siya naman ay si Samantha kasintahan ni Kyrie. Ang alam ko isa siyang Filipinong buo ngunit lumaki dito sa Amerika. Mahaba ang itim niyang buhok at bagay na bagay ang kanyang kayumanggiang kutis sa kanyang napakagandang katawan at tamang-tama lamang ang tangos ng kanyang ilong at may katangkaran din siya. Teka, nakuha ko pa siyang ilarawan habang nanganganib na ang aking buhay. Oo nga pala, unahan ko na kayo, hindi ko siya crush. Nakita ko na rin ang aking ama na pumasok sa eksena, sinusubukan niya ring pakalmahin si Kyrie at pinapaliwanag na nagkamali lang ako. Pagkatapos ng malalitanyang paliwanang ni itay, napaspasan na rin si Kyrie, marahil ay napagod na rin ito at naunawaan niya na rin ang paliwanag ng aking itay, kaya ito'y bumalik sa kanyang tahanan kasama ang kanyang kasintahan. Hindi siya humingi ng paumanhin sa akin at sa totoo niyan, bago siya pumasok ng kanilang tahanan tinitigan niya ako ng nakakatakot na tila ba ay gusto niya ako kainin ng buhay. Okay na yun ang importante nabuhay pa ako, nakahinga na ako ng maluwag ngunit mabilis pa rin ang tibok ng puso ko marahil sa nerbyos. Itinayo ako ni itay at bumalik kami sa loob ng aming tahanan para lapatan ng lunas ang aking napakalaking pasa sa aking mukha. Sa pagpasok ng aming tahanan, bukod sa sakit na nararamdaman ko sa mukha ang aking puso ay nasaktan din, hindi dahil may nobyo na si Samantha pero dahil hindi pala yung sports car na yun ang regalo ni itay. Samantha na naman? Hindi ko nga siya gusto! Ano baaaa!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

John Paul RansomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon