Yun nga may GF siya , nalaman kong totoo yun nung naging friend na kami ni Khylle , di lang si Khylle ang naging friend ko si Jan din .
si Khylle at si Jan parehas silang gay , madaling nagkalagayan yung loob namin kasi masarap silang kasama .
So ayun nahuhuli ko minsan patingin-tingin si Mr.Anonymous , di ko nalang pinapansin kasi mahirap na ..... basta mahirap na .
1 month later ....
Pagkatapos ng vacant namin pupunta na kami sa bleacher para sa next subject , actually di pa naman time kaya naupo muna kami ,
maya-maya lumapit si Jan , then kinuha yung number ko gamit cp niya , syempre friends kami kaya binigay ko . di lang number pati picture pa kasi ilalagay niya daw sa contacts niya .
After 15 minutes umalis na si Jan , nung papunta na kami sa bleacher , may sumigaw si Ron classmates nila Jan at Khylle , section D din si Ron , gay din siya , masarap kasama kaya naging friends din kami .
Ron: Deniella !!! kinukuha ni Ran yung number mo !!!