MoreThanThis 01

8 1 0
                                    


Bakit kaya lagi ko nalang nakikitang nasasaktan ang mga tao dahil sa pag-ibig?

Sumpa ba yun?

Kasi kung oo, tangina niya!

Bakit niya sinasaktan ang mga taong walang ibang ginawa kundi ang i-welcome siya sa buhay nila.

Ayokong madamay, ayokong makita ang sariling nasasaktan dahil lang sa pag-ibig na iyan.

Mabuti pang ituon na lang sa pag-aaral, may mapapala pa ko.

"Jane!" Sigaw ni Kuya Henry sa labas ng kwarto ko.

"Bakit na naman kuya!" Balik kong sigaw sa kanya. Hindi ko inalis ang mata ko sa librong binabasa ko.

"Lumabas ka na kaya diyan! Para kang bampira, takot makita ng ibang tao." Umikot ang mata ko ng marinig ko iyon.

Ano na naman kayang kailangan ni kuya?

"Pake mo? Nagbabasa ako, umalis ka na!" Nilakasan niya ang katok sa pintuan ko.

"Kuya! Ano ba!" Lumingon ako sa pintuan, kahit nakasarado pa iyon ay masama na ang tingin ko don.

"Lumabas ka na kasi diyan, may bisita tayo." Tumayo ako at lumapit sa pintuan para buksan iyon.

"Kuya, bisita mo lang! Bakit mo ba ako ginugulo?" Nayayamot kong saad.

"Gawan mo kami ng meryinda, wala si mama." Napataas ang kilay ko.

"Wala kayong mga kamay? Bakit kailangang ako ang gumawa?" Ngumisi siya.

"Lab mo kasi ako JaneJane." Inakbayan niya ako. Masama parin ang tingin ko sa kaniya.

Pero totoo ang sinabi niya, mahal ko siya. Silang dalawa ni mama, at wala na akong mamahal bukod sa kanila.

"Sige na, panalo ka na." Ginulo naman niya ang buhok ko.

"The best ka talaga JaneJane, kaya lab na lab din kita." Hinalikan niya ko sa ulo at agad agad na bumaba. Napailing na lang ako.

Salamat lang talaga siya at mahal ko siya.

Binalikan ko ang librong binabasa ko kanina at inayos muna iyon bago bumaba.

Para gawan sila ng mga meryinda.

Dumiretso na ako sa kusina, alam ko namang nasa labas sila. Ang iingay kasi.

Bakit ba sila dito nag tatambay? Wala ba silang mga bahay?

Ginawan ko lang sila ng juice at kinuha ko ang slice bread tska palaman. Inilagay ko sa tray at binitbit na para isaksak sa mga pesteng mukha nila!

Naabutan ko silang nagtatawanan.

Lima.

Bakit naging lima na sila? Ay wala pala akong pake.

Inilagay ko sa lamesa.

"Uy ayon lumabas din sa wakas." Ngumiwi lang ako sa sinabi ni kuya Vin.

"Sa susunod, tatambay kayo dito, dapat marunong kayong gumawa ng meryinda niyo. Hindi iyong nangbu-bwesit kayo, nananahimik nga lang ako." Tumawa lang sila, pero ngumuso naman si kuya Henry.

"Ayos lang yan Jane, at least nakita mo ang gwapo kong mukha." Inirapan ko si kuya Lance.

"Pakasaya kayo." Aalis na sana ako ng tinawag ako ni kuya Henry.

Inakbayan niya ang katabi niya.

"Bago sa tropa namin Janejane, si Reynard." Pake ko? Gusto ko sanang sabihin kaso tumango lang ako.

Bumalik ako sa kwarto at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

-

"Samahan mo ako JaneJane." Umiling ako.

"Aalis kami ni Reynard mamaya, maiiwan ka dito sa bahay." Tumango lang ako. Nakapokus parin ang mata ko sa binabasa ko.

"Basta, sasama ka!" Napalingon ako sa kaniya. Kainis naman oh! Nawawala na ako sa binabasa ko.

"Bibilhan kita ng libro kapag sumama ka." Dapat lang!

"Game." Nagbihis na ako at lumabas din agad.

"Para kang tomboy JaneJane." Pinagmasdan niya ako ulo hanggang paa.

May pa iling iling pang nalalaman.

Hindi ko siya pinansin at nagderetso lang hanggang sa sasakyan niya.

Tagal ko namang maging 18, gusto ko na ding magka-kotse.

"Gusto kong magkape." Lumingon siya sa akin.

"Huwag kang lumingon, mababangga tayo." Ngumisi siya.

"Wala ka talagang tiwala sa kuya mo JaneJane?" Tumango lang ako.

"Sa Rhambi Cafe lang ako tatambay." Ayoko namang sumama sa kanila ano!

"Di ka talaga sasama sa amin? Sa National Book Store kami uuna." Nagkibit balikat lang ako.

"Tinatamad na ako kuya." Parang gusto ko na lang magkape at makinig ng music.

"Paano libro mo?" Umiling ako.

"Susunod na lang, may dalawa pa naman akong librong hindi nababasa."

Nakarating kami sa mall ng matiwasay at ipinagpapasalamat ko iyon. Hindi niya lang alam kong gaano ako nanalangin na sana ay ligtas kaming makakarating sa mall.

"Kanina ka pa Brad?" Tanong ni kuya sa kaibigan niya.

"Hindi, kararating ko lang." Nakita kong napatitig siya sa akin.

"JaneJane kilala mo pa naman siya diba?" Tumango ako. Anong akala ni kuya, makakalimutin ako?

Naglahad ng kamay iyong kaibigan ni kuya.

"Reynard." Wala akong nagawa kahit na ayokong makipag shake hands. Ayoko namang maging bastos.

"Jane." Yun lang at bumitaw na ako.

"Kuya, una na ako. Doon mo na lang ako hanapin." Hinalikan ko siya sa pisngi at kumaway sa kanila.

Nang makarating ako sa Cafe ay nag order agad ako.

Ipinasak ko ang earphones ko sa tenga at nakinig ng music.

Ano ng gagawin ko?

Feeling ko, kulang ako kung wala akong bitbit na libro.

"Here's your order Ma'am." Nagpasalamat ako.

Minamasdan ko lang ang paligid ko habang nakikinig ng music at umiinom ng Ice coffee.

Napabaling ang tingin ko ng may umupo sa harapan ko.

Nangunot ang noo ko ng makita si Reynard sa harapan ko.

"Babantayan kita." Mas lalong nangunot ang noo ko.

"Si kuya?" Nagtatakang tanong ko.

"Umalis, may emergency si Lance. Sabi ng kuya mo, ako nalang bahala sa iyo." Muntik na akong mapairap, buti at napigilan ko pa.

I'm not a thing!

Magsasalita na sana ako pero hindi ko na natuloy dahil sa libro ngayon sa harap ko.

Age Doesn't Matter.

Yan ang una kong napansin sa libro!

It's freaking Romance!

"I hope you like it." Umiling ako.

"Sorry, I don't read romance."

More Than ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon