MoreThanThis 03

6 0 0
                                    


Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa bulaklak.

Walang wala akong idea kong sino ang naglalagay nito sa locker ko.

Mas gusto ko ang sunflower kaysa rose, pero wala naman akong magagawa kong ito lagi ang nasa locker ko.

Hindi ko alam kung gaano na katagal ito, wala naman talaga akong pake.

Kinuha ko ang tatlong white roses at sinirado ang locker. Ngayon ko lang ito kinuha at ngayon ko lang din ito tatanggapin.

Umupo ako sa upuan habang nakatingin sa mga rosas. May napansin akong guhit sa petals nito, pero hindi ko mabasa kasi masyadong maliit.

Tinignan ko ang katabi ko, kailangan palang magdala ako ng classmate sa bahay para sa birth day ko.

Kung siya nalang kaya?

"OMG! She accepted the roses!" Nabaling ang tingin ko sa nagsalita.

Nakatutok silang lahat sa akin, gulat na gulat. Hindi ko sila masisisi, alam ng lahat na laging may naglalagay ng rose sa locker ko. Kung hindi tinatapon ay hinahayaan ko lang itong mabulok sa loob ng locker ko.

May bigla biglang tumakbo palabas ng classroom. Napa buntong hininga ulit ako, tama ba ang ginawa ko? Para kasing binibigyan ko ng chance ang taong nasa likod nito.

Masyado bang magulo?

May gustong lumapit sa akin, siguro para magtanong pero hindi nila magawa. Mabuti naman.

Napatingin ako sa pintuan ng classroom dahil may taong nakatayo na doon, tumingin siya sa akin at sa rosas na nasa harapan ko.

Napangiti siya, naging maingay ang mga tao dahil doon. Parang mali ata ang ginawa ko.

Lumapit ito sa akin at binigyan ako ng chocolate. At may kasama pang letter.

"Salamat dahil tinanggap mo na ito ngayon." Nagkamot siya sa batok niya na parang nahihiya. "I want to give this to you this time, I hope you like the sweet of chocolate." Gusto kong mairita pero pinigilan ko.

Ikaw ang dahilan kong balik naglakas loob ang tao Herny! Gumawa ka ng hakbang na ikakaasa niya.

"Thank You." Tinanggap ko iyon.

Nasilayan ko ang gwapo niyang ngiti, parang ang saya saya niya dahil tinanggap ko ang ibinigay niya sa akin.

Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa paligid. Masyadong maingay, mga tuksong hindi ko naman kailangan.

"Hihintayin kita sa uwian Herny, kung ayos lang sayo." Hanggang ngayon ay nahihiya parin siya.

Kung hindi lang para kila mama, hinding hindi ko gagawin ito.

"Ayos lang." Napasigaw ang mga kaklase ko dahil don.

Nang makaalis na si Denmarjun, ay tinignan ko ulit ang katabi ko.

Tahimik lang siya, katulad ko.

Kinalabit ko siya, napalingon siya ng may pagtataka.

Inabot ko ang chocolate na bigay ni Denmarjun.

"Sayo na yan, hindi ko gusto ang chocolate." Wala akong paki-alam kong hindi nagustuhan ng kaklase ko ang ginawa ko. Narinig ko silang nagalit, mga salitang wala naman talaga akong pake kung ano ang mga iyon.

"Tanggapin mo." Parang natakot siya bigla kaya kinuha niya sa kamay ko ito.

-

Dumating ang uwian, nagulat ako ng nakita ko si Denmarjun sa labas ng classroom.

Wala ba siyang klase?

"Salamat talaga Herny at tinanggap mo na, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." Tumango lang ako. Hindi ko alam anong dapat na reaksiyon.

Humarap ako sa kaniya ng tuluyan.

"Okay lang ba sa iyo na ayain kita?" Nanlaki ang mata niya, hindi ini-expect ang tanong ko.

"Oo naman! Kahit saan pa yan." Ngumiti ako sa sagot niya.

Akala ko mahihirapan akong kumbinsihin siya.

Sa totoo lang, pinag-isipan ko talaga ito, ayoko naman na may maging kaibigan talaga ako sa classroom dahil kung mangyayari iyon ay mawawala ang tahimik kong pamumuhay, di ko yata makakaya iyon.


"Okay lang din ba sa iyo na tigilan mo na ang pagbibigay ng kung ano-ano?" Hindi ko gustong maging bastos pero parang ganon na nga talaga ako.

Nakita kong nawala ang ngiti niya.

"Hindi mo ba gusto?" Tumango ako.

"Sorry pero ayoko." Hindi ko alam kong tama bang sinabi ko ito sa kaniya.

"I understand." Unti-unti siyang ngumiti.

"Salamat." Tinignan ko ang orasan ko.

Hindi ko talaga alam kong tama ba ang ginawa ko. Binigyan ko siya ng pag-asa ng tanggapin ko ang rosas. Pero ngayon, tinanggalan ko naman siya ng pag-asa.

"This saturday, birth day ko. Pwede bang pumunta ka?" Nanlaki ang mata niya.

"Ako?" Nangunot ang noo ko. Sino pa bang ibang kausap ko?

"Oo." Unti-unting na palitan ng saya ang kaninang gulat niyang reaksiyon.

"Syempre naman." Ngumiti ako sa kaniya. Sa kabila pala ng kabastusan ko, natutuwa parin siyang inembitahan ko.

May gusto ba siya sa akin?

I am clueless about love, except for the love of a family.

"Una na ako, salamat sa minuto mo." Tumalikod na ako.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napalingon ulit ako sa kaniya.

"Pwede ba kitang ihatid? Kung okay lang sa iyo." Nararamdaman kong kinakabahan siya.


"Saan?" Nagtatakang tanong ko. Sa bahay ba ang tinutukoy niya?

"Ano, kahit sa parking lot na lang." Binawi ko ang kamay ko, hindi niya pa pala nabibitawan.

"Sorry." Tumango lang ako.

"Sige." Sinabayan niya na akong maglakad.

"May gusto ka ba sa akin?" Tanong ko.


"Ha? Hindi ba halata?" Umiling ako. Hindi naintindihan ang tanong niya.

"Lagi mong nilalagyan ng rosas ang locker ko, minsan nakikita kitang sumisilip sa classroom namin. Anong ibig sabihin non?" Nagtataka niya akong tinignan.

"Hindi mo alam Herny?" Magtatanong ba ako kung may alam ako?


"Gusto kong malaman, gusto ko na ding patigilin ka kaya ko ginawa iyon kanina."

Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin.

"Kung gusto mo ako, sorry. I don't like you and I will never like someone forever." Because I don't believe in love. I don't believe in romance.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

More Than ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon