Prologue
Cassiopei had been smiling since this morning. She's smiling because it's her and Faustino's fifth month being in a relationship. Hindi niya inakalang magtatagal sila ni Faustino. Hindi niya inakalang mamahalin siya ng isang Faustino Fajardo na isang kilalang playboy sa San Fernando.
Cassiopei take her time to bath herself. After bathing, she stepped out in her bathroom then walk towards her cabinet to find some clothes that can make her Faustino love her more. She wants to be beautiful right now for thier monthsarry. Maganda na kasi siya noon pa.
Yes it is just a monthsarry but it means so much to her. Since that night when she confess over the phone in Arianna's house, Faustino started counting her.
Speaking of Arianna. Ang babaeng iyon! Hindi man lang nagpaalam sa kanila na aalis na pala sila! Bwesit naman kasing iyon si Linclon eh! Kung sana hindi nito niloko ang bestfriend nilang inosente ay sana hindi iyon umalis! Si Linclon lang naman kasi ang punot-dulo kaya umalis si Arianna tapos wala pang paalam. Isa pa 'yong baliw na si Quinn, talagang ginamit pa ang kakayahan ng ama nila na drug lord para takutin si Linclon. Haay naku! Nakakasakit ng ulo ang love story ng dalawa. Kapag talaga nagparamdam sa kanila si Arianna ay talagang lagot talaga iyon sa kanila. Lalong-lalo na kay Pinya at sa kanya. Malalagot talaga ang babaeng iyon!
Cassiopei wear her off-shoulder dress that hugs her curvy body. Pinaresan niya iyon ng black suede hill. She let her hair fall. Hanggang pwetan niya ang buhok at may pagkakulot iyon. Tanging liptinit, blush on at powder lang ang inilagay niya sa mukha and then she's done!
Dali-dali niyang hinablot ang sling bag sa malapad niyang kama at saka lumabas ng kwarto niya. Kailangan niyang magmadali. Sinadya niya talagang hindi i-text si Faustino ngayon dahil isosorpresa niya ito sa condo unit nito sa La Union. Pero kagabi pa naman talaga hindi nagparamdam si Faustino sa kanya. Siguro ay lasing na naman. Lagi kasi itong nag-iinom kasama ang mga kaibigan nito kaya baka hindi nagparamdam sa kanya ay dahil lasing pa.
"Mommy! I'm going out!" Sigaw niya ng makababa ng ikalawang palapag ng mansyon nila.
Agad naman sumilip ang ina niya galing sa kusina. Tanging ang ina at kuya niya nalang ang natira sa kanya. Patay na ang grandparents niya both side. Pati ang papa niya. Lahat ng iyon ay dahil sa pag-ambush ng sinasakyan nito.
Otw ang sasakyan na sinakyan ng dalawang lolo at lola at Daddy niya rito sa San Fernando ng biglang itong hinarang at pinaulanan ng bala. Ang Daddy niya ay isang Senator pati ang lola—side ng mom niya— at lolo—side ng dad niya. Sa sobrang daming may galit sa kanila na kandidato dahil sa pagkapanalo nila sa eleksyon ay hindi na nila ipinagtaka ang dahilan kung bakit namatay ang limang importanteng tao sa buhay niya.
She was just a 15 years old when that incident happen. At dahil sa insidenteng iyon ay naging miserable ang buhay nila. Palagi niyang sinisisi gabi-gabi ang mga pumatay sa mahal niya sa buhay. Pinapangako niya na balang araw ay makakaganti rin siya dahil sa loob ng mga taon simula ng mamatay ang lima ay hindi nila nakuha ang hustisyang para sa kanila.
Ganoon ba talaga kapag isang Gobyerno ang pumatay ay walang makukuhang hustisya ang mga namatayan? She think so kasi iyon ang nangyari sa kanila. Dahil roon ay naging rebelde siya. Sa edad na kinse ay nagsimula na siyang uminom. Ang mommy niya ay nagka-depresyon habang ang kuya niya ay gumagawa parin ng paraan upang makamit ang hustisyang nararapat sa kanila. Nararapat sa lahat ng taong pinatay ng pesteng Gobernador na walang kaluluwa.
"Be careful okay honey? Huwag pag-a-alalahin si Mommy." Ani ng kanyang ina sa kanya. Salamat sa Diyos at naging maayos ang ina niya makalipas ang higit tatlong taon na pagluluksa. Kinailangan pa nila itong ipa-therapy para talaga bumalik ang ina nila sa dati kahit wala na ang ama, mga lola at lolo niya.
YOU ARE READING
Insatiable Series 2: Cassiopei Sloane Aguila (ON GOING)
Tiểu Thuyết ChungCassiopei has a secret feeling for Faustino. The greatest play boy of the year. She thought that she dearly loved by Faustino Fajardo but it comes out wrong. It was just a plain game. A bet to be exact. She was hurt and broken. She don't think she c...