Chapter 4

35 29 0
                                    

Chapter 4

Hindi mapakali si Cassiopei kanina pa. Pabalik-balik ang tingin niya sa malaking salamin, tinitignan ang sarili kong bagay ba sa kanya ang suot na dress para sa gabing ito.

She's wearing a one, shoulder silver thigh high-slit dress. She let her curly hair down. Siya lang ang nag-lagay ng make-up sa mukha niya. She don't need a make-up artist to do it for her because she knows how to. She's been watching a lot of make-up tutorials in YouTube.

Naalimpungatan lang siya ng marinig ang katok sa kanyang pinto. Nasa mansyon siya nila. Mamaya pagkatapos ng event nalang siya uuwi sa condo unit niya. Kahit gusto ng ina niyang huwag siyang kumuha ng unit para raw mas makasama siya ngunit kumuha parin siya. May dahilan siya. Minsan lang rin naman siyang mananatili sa condo unit niya. Kapag gusto niya lang. Gusto niya rin namang makasama ang ina at kuya sa iisang bubong. Lalo na ngayon na umikli ang bakasyon nila.

"Ma'am? Nasa baba na po ang hinihintay n'yo." Ani kasambahay nila. Wala ang ina at kuya niya. Siguro ay mamaya pa iyon uuwi. Total ay alas-sais parin naman.

Huminga siya ng malalim bago lumabas ng kwarto at nagtungo sa baba. Pagkalabas niya ng bahay ay nandoon na nga ang kotse ng binata sa harap ng kanilang mansyon. Nakasandal rin ang binata sa sasakyan nito.

Kahit anong itsura nito ay nagsusumigaw talaga ang kagwapohan ng binata. Hindi niya maiwasang mamangha sa suot nitong tuxedo at puti ang panloob. May neck tie pa. Isali pa ang slacks nito na yumayakap sa matitipunong binti ng binata.

Pati ang suot nito ay hindi man lang binigyang hustisya. Talagang hapit na hapit sa katawan nito kaya ang ganda ng postora. Ang hindi kahabaan nitong buhok ay magulo.

Malayo palang ay kita niya na ang nang-aakit na ngiti ng binata. Ang puso naman niyang marupok ay naakit talaga.

"Beautiful." Bungad sa kanya ng binata at saka binuksan ang passenger seat. Inirapan niya lang ang ito at saka sumakay sa sasakyan nito. Bumalot sa ilong niya ang amoy ng binata. Bakas na palagi itong ginagamit ng binata.

Their travel to the venue was annoying for Cassiopei. Faustino's mouth can't keep to shut just for a minute. Tatahimik lang ito ng ilang segundo at babalik na naman ito sa pakikipag-usap sa kanya. She wonder kung pinaghandaan ba ng binata ang mga tanong na ibinabato nito sa kanya? Hindi kasi nauubosan eh.

Nakahinga lang siya ng maluwag ng makalabas na siya sa sasakyan ng binata. Sa wakas at hindi niya na maririnig ang boses ng binata dahil sa ingay ng hotel at sumabay pa ang mahinahong musika pero nagkakamali siya dahil hindi pa siya tuluyang nakakalayo sa binata ay pumulupot na sa baywang niya ang kamay nito. He wrapped his hands around her like he owns her.

Her heart slowly beat faster and faster because of his sudden moves. "You should have wait for your date, baby. That was rude. Iniwan mo ako."

Inirapan niya lang ito at hindi na nagsalita. Takot na baka manginig ang boses niya dahil sa kilig. Letseng lalaki!

"Oh, my! Cassiopei!" Iyon ang bumungad sa kanila pagkapasok na pagkapasok ng hotel. Agad na humalera ang mga photographer at reporter sa bawat gilid ng red carpet.

Nakipagbatian siya sa dating kaklase noong college. Imbes na sa kanya ang atensyon nito ay napunta sa binatang nakapulupot ang kamay sa kaniya. When they ask her who is he, Faustino always introduce his self as her boyfriend. Hindi naman niya tinatama dahil ayaw niyang magsayang ng laway sa mga pekeng nasa harap nila.

At ng ma-trapped ang binata sa grupo ng kalalakihan ay iniwan niya ito at saka hinanap ang talagang sadya niya sa grand ball. Ng mamataan niya ang hinahanap ay nilapitan niya ito. Nasa gitna ito ng mga babae at masayang nakikipag-usap ang empakto.

Insatiable Series 2: Cassiopei Sloane Aguila (ON GOING) Where stories live. Discover now