CHAPTER 20

7 2 0
                                    

-MAINE'S POV-

6:29 AM

Nagising ako dahil sa nag-iingay na cellphone ko. Agad ko namang kinapa ang ulunan ko at nang tuluyang mahawakan ang cellphone ay saka ko pinatay ang alarm. Napakusot pa ako sa mata ko saka tuluyang tumayo.

Bigla namang may parang tumambol sa dibdib ko. Grabe, ang ganda ng gising ko! Napakaganda ng gising ko kase ang gaan. Tapos para akong nasa cloud nine. Hayst! Pakiramdam ko wala akong kaproble-problema, pero alam kong simula pa lang ito. Gagawin ko ang lahat para maayos ang lahat at maiposisyon ulit sa tamang kinalalagyan.

Agad na akong tumayo para maghilamos at magtoothbrush. Pagkababa ko ay naamoy ko na ang paborito kong ulam--namin pala. At nang makarating sa kusina ay nakita ko si Ate na nagluluto ng adobo!

"Hey, goodmorning lil'sis! Sakto ang gising mo kase luto na 'to.", nakangiting sabi ni Ate at saka naglagay ng ulam sa isang mangkok.

May nakahanda ng mainit na kanin, tinapay, sunny-side-up na itlog at siyempre, adobo. Napangiti na lang ako.

"Wow naman! Ang bango ah?", sabi ko pa.

"Of course! Kani-kanina ko lang nalaman na pwede palang lagyan ng pabango ang adobo.", pilya niya pang sabi.

Napakunot naman ang noo ko. Pabango? Edi nalason kami nito?

"Ano ka ba lil'sis! Siyempre, dahon lang ng Laurel ang tinutukoy ko. So, tara na. Let's eat na.", excited niya pang sabi.

Tinanggal niya na ang apron at gloves na suot at naupo na kasama ko. Nagsandok na ako ng ulam at ganoon din siya. Saglit ko pang hinipan ang pagkain at saka isinubo. Agad namang nagwala ang taste buds ko. Grabe!

"Ang saraaaapp!"

"Talaga?"

"Talagang-talaga!"

Nangiti naman siya sa tuwa at nagsubo na rin. Hindi ko alam na masarap palang magluto si Ate. Tsk! Ang dami ko namang hindi alam..

"Siya nga pala.. nasa'n sina Mama?", tanong ko naman nang mapansing wala sila.

"Nago-grocery sila."

Napatango na lang ako at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Pansin ko din ang pagmamadali niya dahil paspas talaga siya kung sumubo.

"Bakit parang nagmamadali ka yata?", tanong ko na lang nang tumayo na siya at ilagay ang pinagkainan sa lababo.

Uminom pa muna siya ng tubig saka prenteng umupo sa tapat ko.

"Nagplano ako kagabi bago matulog. It's not too late pa naman diba? So I decided na ayusin ang mga nagawa ko. First, I'll talk to Medice to explain everything. And then I'll go to Andrei to talk and explain."

Kita ko ang sensiridad sa boses niya at ang magagandang ngiti niya. Talagang, pinag-isipan niya ang mga bagay na ito. Nakakatuwa.. naluluha ako sa sobrang tuwa!

"Tama 'yan, Ate. At saka, sorry din ha? Alam mo naman ang.. naramdaman ko kaya kita nasigawan ng gano'n. Sobrang sa---"

"Ayos lang sakin 'yun lil'sis. And besides, ako naman talaga ang may mali. Kaya nga ito na ako ngayon at aayusin ko na. Then after that, I'm going to live without messing up with you again."

Para namang may kamay na humaplos sa puso ko dahil sa mga sinabi ni Ate. Bigla na lamang akong napatayo at napapunta sa kinaroroonan niya at niyakap siya. Napakasaya ko lang talaga! Hindi rin ako makapaniwala na mangyayari ito pero hindi lingid saking kaalaman na posible pala itong mangyari.

"Salamat, Ate. Sa lahat ng naibigay kong pasakit sayo, nandito ka parin para intindihin ako at ayusin ang lahat. Masyado ng nakakahiya sayo..", naluluha ko pang banggit sa kaniya.

Hanggang Sulyap Na Lang Ba? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon