-MAINE'S POV-
5:58 AM
Katulad ng mga nagdaang-araw ay natulog na ako ng maaga dahil may pasok pa ako kinabukasan. Pagka-uwing pagka-uwi ko ay agad akong naglinis ng katawan at natulog na. Napagod din ako sa ginawa namin kaya naman hindi na rin ako nahirapan pa na patulugin ang sarili ko.
Kaya siguro ako maagang nagising ngayon dahil maaga nga akong natulog kagabi. Bago pa ako makatulog ay nagkwentuhan pa kami ni Ate. Talagang nakakabilib dahil sa edad na disi-sais ay nakapagtapos na siya ng pag-aaral. Talagang matalino ang Ate Maddieson ko at hindi ko iyon maitatanggi.
Matalino din naman ako, tamad nga lang.
Noong gabing iyon ay napakasaya ko. Isipin mo ba naman, lumelevel-up na kami ni Anonymoo--isa yan sa mga pinakagusto ko sa lahat. Tapos, nagkabonding pa kami ng mga kaibigan ko at nagkaroon din ako ng mga new friends! Tapos pagkauwi ko sa bahay ay sasalubong sakin ang pamilya ko na puno ng aruga at pagmamahal! Lalo na si Ate! Mukhang magkakasundo talaga kami sa lahat ng bagay. Naging masaya na ako noon, pero kakaiba ang saya ko ngayon..
Napangiti na lamang ako sa mga naiisip. Hindi lang pala sa kilig pwedeng sumabog ang dibdib ko, pati pala sa sobrang kasiyahan dahil pakiramdam mo ay nasa iyo na ang lahat ng mahihiling ng karamihan.
Naisipan ko namang matulog muli dahil mamayang alas-syete pa ako mag-aayos para sa pagpasok. Ngunit akmang ipipikit ko na ang mga mata ko ay biglang pasok naman ni Mama sa kwarto ko.
"Maine! Aba'y gumising ka na dyan at sinusundo ka na ng nobyo mo. Ikaw anak ha? Dalaga ka na talaga!"
Agad naman akong napabalikwas ng tayo nang sabihin iyon ni Mama. Gulat na gulat at taka akong napatingin sa kaniya.
"Nobyo? 'Ma wala akong boyfriend!", pagtanggi ko naman at tuluyan na ring tumayo.
"Ay sus! Napakagwapo ng sumusundo sayo sa baba anak. Bukod doon ay napakagalang din at marespeto. Nice catch!"
"'Ma!", pagmamaktol ko pa.
Hindi ko talaga gusto ang tinutukso ako sa mga ganitong bagay lalo pa at kakagising ko lang!
"Oh siya sige. Mag-ayos ka na at sabay na daw kayong pumasok ng binatang nasa ibaba."
Napaangat naman ang isang kilay ko sa sinabi ni Mama.
"Sinong binata?"
"Ikaw ang kumilala dahil hindi ko kakilala iyon. Bilisan mo na at pinaghihintay mo si pogi."
Napailing na lang ako sa sinabi ni Mama at dumiretso na sa CR at hinayaang magligpit si Mama ng hinigaan ko. Nang matapos ay dali-dali akong nagbihis--shempre hindi mawawala ang pagpapaganda! Sigurado akong si Anonymoo ang nasa ibaba kase pogi daw eh! At saka nakakahiya dahil pinaghihintay ko siya!
Nang makababa ay hindi na ako nakapag-almusal dahil natanaw ko kaagad si Anonymoo sa sala.
"Oh kumain ka na muna anak."-Mama.
"Hindi na po. Sa school na lang ho ako kakain.", nagmamadaling sabi ko at saka humalik sa pisngi niya.
"Sige, ingat kayo."
Tumango lang ako at saka sinalubong si Anonymoo sa salas.
"Tara na. Hindi naman ako nainform na susunduin mo pala ako.", sabi ko pa pero deep inside, kinikilig na talaga ako.
"Sorry, biglaan din kase. Sabay na tayong magbreakfast. I know a place.", nakangiti niyang sabi at tumango lang ako.
Tulad ng dati ay sasakyan niya na naman ang dala niya. Ang swerte ko dahil yayamanin ang crush ko HAHAHA! Pero hindi ako gold-digger ha! Wag kayong ano!
BINABASA MO ANG
Hanggang Sulyap Na Lang Ba? [COMPLETED]
Ficção Adolescente[Completed!] Tungkol ito sa isang highschool student na babae na nagkagusto sa isang matalino, gwapo at charming na lalaki. Pero maraming pagsubok na muna ang pinaranas sa kaniya bago makamit ang kaniyang happy ending. Sa pagbabalik ng kaniyang kamb...