CHAPTER 22: Hanggang Sa Dulo

18 2 0
                                    

-MAINE'S POV-

4:30 PM

Kasalukuyan akong naliligo ngayon at talagang mas iniigihan ko ang pagligo dahil espesyal na araw ito. Reunion ngayon ng Section D kaya naman kailangan ay handang-handa at malinis akong pupunta doon.

Nang matapos maligo ay nagpahid ako ng lotion sa balat ko at saka nagsuot ng undies at siyempre, ang color champagne na dress ko. Off-shoulder iyon at medyo kumikinang kapag natatapat sa liwanag.

Pagkatapos na pagkatapos ko sa pagbibihis ay saktong pasok ni Ate Maddieson dala ang isang paper bag na may mga cosmetic products niya.

"Ako ang mag-aayos sayo lil'sis dahil wala kang ka-amor-amor sa makeup.", sabi niya pa kaya naman napangiti na lang ako.

Light makeup lang ang ginawa sakin ni Ate pero yung mukhang babagay sa damit ko. Light lang kase magmamaskara din naman. At nang matapos yun ay sinunod ni Ate ang buhok ko. Blinow-dry niya muna yun bago pinakulot pero soft curls lang sa dulo.

Nang matapos siya ay nilagyan niya pa ako ng kung anong palamuti sa buhok. Naglagay siya ng mga maliliit na kumikinang na clip sa buhok ko kaya nagmumukha akong star na kumikinang. Tapos pinasuot niya pa sakin ang pabilog na earring na kumikinang din kapag tumatama sa liwanag at ng kwintas na may pendant na cresent moon.

"You look.. perfect.. wala akong masabi lil'sis. Mas bongga ka pa ngayon kesa nung debut natin.", dagdag niya pa kaya naman mas lalong lumawak ang ngiti ko.

Akmang isusuot ko na ang silver na mask ko na mata lang ang natatakpan nang pigilan ako ni Ate. Nagtataka akong napatingin sa kaniya ngunit nasa parihabang kahon ang atensyon niya. Binuksan niya iyon at nakita ko ang silver rin na mask pero nakinang-kinang pa rin.

Sinuot niya sakin iyon at may kabitan iyon sa likod na itinago niya sa may batok ko para hindi halata. At nang mapatapat ako sa salamin ay hindi ko makilala ang sarili ko. Ibang-iba ako ngayon..

"Be happy tonight. And if you trust his words through the piece, you'll know the real purpose of the night."

Medyo nagtaka pa ako sa sinabi na iyon ni Ate pero tinatak ko iyon sa isip ko. Nang masigurong ayos na ang lahat ay sumakay na ako sa van at driver ng pamilya namin ang nagda-drive nu'n.

"Bye Ate! Ingat ka dyan ah?"

"Of course lil'sis. Enjoy your night!"

Nang makapagpaalam na ay tuluyan ng umandar ang van papuntang Asari Hotel. Ang hotel pala na iyon ay pagmamay-ari na ngayon ni Fauzia.

Ngunit habang papalapit kami ng papalapit sa lokasyong iyon ay palakas din ng palakas ang tambol ng aking dibdib. Hindi ko naman maitatangging kinakabahan talaga ako dahil muli na kaming magkikita-kita. Ngunit.. wala nga lang si Andrei kase hindi naman namin siya kaklase noon..

Lumipas ang kinse minutos at para bang segundo lang ang ginugol namin makarating lang dito. Bumaba na ako sa van at pinanood munang umalis iyon. Babalik ang van kapag tapos na ang party upang sunduin ako.

At nang tuluyan na iyong mawala sa paningin ko ay nabaling naman ang paningin ko sa entrance ng hotel. Mas lalong kumabog ang dibdib ko.

This is it, Maine..

Huminga pa muna ako ng malalim bago pumasok ng tuluyan at iginaya kaagad ako ng isang staff papunta sa pangyayarihan ng event.

Tanging tunog lamang ng takong ko na tumatama sa makinis na sahig ng lugar na ito ang naririnig ko. Bukod doon ay ang tibok rin ng puso ko. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng malamig kahit na naka-aircondition naman dito.

Hanggang Sulyap Na Lang Ba? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon