001 "waiting" (carlamiguel)

253 14 6
                                    

S/N: The very first requester. Sorry kung natagalan, katulad nga ng sinabi medyo matatagalan. At tyka kung pangit ang kinalabasan nito ay sorry ulit. Sakto naman kasing may Wi-fi na ako eh masakit ang ulo ko't may sipon pa ako. Sorry ha? Pero sana magustuhan mo parin kahit papano.^^ HAPPY NEW YEAR. hihihi.

"Carla! Catch!" 

A basketball just hit you straight on your forehead because of Baekhyun. 

"Araaaaay! Kita mo naman sigurong nagbabasa ako noh? I was offguard then you'll just randomly throw a ball at me, seriously?! Kapag ako nagka-bukol, papatayin talaga kita!" inis na inis mong sinabi habang hinahawakan ang noo mong natamaan ng bola.

Agad namang tumakbo si Baekhyun papunta sayo na mukhang nag-aalala... nang makalapit siya sayo sa mga bleachers, ang akala mong nag-aalalang si Baekhyun ay tinawanan ka ng katakot-takot. 

"HAHAHAHA! Ang pula ng noo mo! HAHAHAHA!"

Agad mo naman siyang binatukan na ikinatigil ng pagtawa niya, "HOY! Tinamaan na nga ako ng bola sa noo, todo tawa ka pa. Hmp!" 

Tumayo ka naman at kinuha ang bag mo, akmang aalis ka na sana nang hawakan ni Baekhyun ang braso. "O-oy! Teka lang, parang hindi ka naman mabiro. Oh. Patingin nga."

He looks at your forehead, holding both of your cheeks. "Aish. Umaarte ka lang. Mukha namang hindi masakit eh."

Tinanggal mo naman agad ang kamay niya na nasa pisngi mo, "Che! Ewan ko sayo!" 

"Hahaha. Hep. Hep. Hep. San ka ba pupunta ha? OA mo naman talaga kasi."

"Anong OA? Sino bang matutuwa na tamaan bigla ng basketball sa noo habang nagbabasa ha? Eh kung patamaan ko din kaya ng bola yang noo mo? Tss." sinabi mo sa kanya't inirapan siya.

"Suuuuuus. Sorry naaaa. Matitiis mo ba ako ha? Alam ko namang hindi ka galit eh. Uyyy. Hindi na galit yaaaan." pangungulit sayo ni Baekhyun habang kinkiliti ka.

"Tsk. Ano ba, Baekhyun? Alam mo namang... hahaha. H-hoy! Hahaha! T-teka... hahaha. Nakikiliti a-akooo. hahaha." 

"Hindi ako titigil hangga't hindi mo ko pinapatawad. Hahaha."

"Ahhh! Hahaha. B-baekhyun naman--hahaha. Oo na! Hahaha. Tama na! Haha."

Itinigil na naman niya ang pagkiliti sayo.

"Haha. Huling-huli ko yung kiliti mo noh?" pang-aasar pa niya sayo habang ginugulo ang buhok mo.

"Argh. Kahit kelan ka talaga, Baekhyun. -___-" 

Wala ka nang ibang magawa kundi hayaan na lang ang kakulitan ni Baekhyun. Sa loob ng apat na taon ninyong pagiging magkaibigan, nakasanayan mo na ang nakakainis na kakulitan ni Baekhyun.

"Carla! Baekhyun!"

Parehas namang napukaw ang atensyon ninyo ni Baekhyun sa pamilyar na boses na tumatawag sa inyo. Si Lay.

Agad ka namang ngumiti sa kanya at kumaway kahit pa medyo malayo pa siya. Ganun din naman ang ginawa ni Baekhyun.

Nang makalapit naman siya sa inyo ay agad nag-apir ang dalawa, "Laaaay. Musta? Akala ko nakalimutan mo na kami ah."

Nasabi lang naman ni Baekhyun yun dahil halos isang linggo nang hindi nagparamdam sa inyo si Lay. 

"Pasensya na, busy lang. Iba na kapag college eh, diba? Kapag free time ko naman, parehas kayong may ginagawa kaya hindi min lang tayo makapagusap na tatlo." pagpapaliwanag naman niya.

EXO One Shot ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon