Chapter Six

173 6 0
                                    

He laughed which made me look really stupid

Concern at nahihiya na nga ako sa ginawa ko tapos tatawanan lang pala nya ko

Joke time?

Pero ginawa ko nga ba talaga yon?

After almost a minute he finally speak

"Of course you didn't kiss me, i was just messing up with you. And even gustuhin mo man, i won't let that thing happen" He said as he raise his right eyebrow

I can't believe i fell for that joke! Nadagdagan na naman yung kahihiyan ko, nice one

"P-paano ako nakauwi kagabi?" Naguguluhan kong tanong

"Apparently after asking me a lot of times i may add, to take you home i was left with no choice but to agree. I told you to stay there and wait for me because i need to get my things on our table. Pero dahil may trust issues ka ata at natatakot kang takasan kita sumama ka sa table namin. Nakita ka ng mga kaibigan ko at inaya ka nilang uminom without knowing na may tama ka na at lightweight ka. Pipigilan ko dapat sila kaso kinuha mo na yung baso at nag shot. Kaya mas nakarami ka pa at matagal tagal din bago ka nakinig at nagpaawat. Sa sobrang kalasingan halos mag pass out ka na sa harap ko. Wala ka na sa huwisyo. Buti na lang masyadong concern mga kaibigan mo sayo so hinanap ka nila at nakita nga nila yung itsura mo. They apologized on your behalf. Buti pa mga kaibigan mo marunong magsorry without being sarcastic or half hearted"

Napairap ako sa huling sinabi nya

"At dahil naawa naman ako dahil silang dalawa lang kasama mo tapos kailangan ka pa nilang buhatin ka at wala naman silang sasakyan i offered them a ride. Habang nasa kotse you were spitting nonsense. You were bad mouthing about me as if i'm not there. Ilang beses ka inawat nung mga kaibigan mo pero ayaw mo tumigil. Sa sobrang kahihiyan nila sa ginawa mo nagpababa na lang sila sa kanto"

I bit my lower lip due to excessive embarrassment

Ginawa ko ba talaga lahat yon?!

At bago pa ako tuluyang mamatay sa kahihiyan, Ms. Garcia came inside the office

"Sir Rile, pinapatawag po kayo ni Mr. Alarcon. Busy po ba kayo?"

"Pag sinabi ko bang busy ako, di ko na kailangan pumunta sakanya?"

There was silence

Sabi nila silence means yes but in this case it means no

"Fine, susunod na ko" Rile said in his normal bored look

Pagkaalis ni Ms. Garcia ay agad namang tumayo si Rile at dire direstong lumabas without giving me a glance

After ten minutes my phone suddenly rang

"Kamusta ka na girl" Tanong ng nasa kabilang linya

"Sana hindi na lang ako nagising kaninang umaga Jaica. Sobra sobrang kahihiyan yung mga ginawa ko"

"I know right but i didn't expect na maalala mo lahat ng ginawa mo"

"Actually wala akong maalala sa mga nangyari, sinabi lang sakin ni Rile mga ginawa ko. Nakakahiya sya pa mismo nagsabi sakin"

"Ohhh, so sinabi din nya sayo na sinabihan mo syang walang maambag sa kompanya at aksaya lang ng oras ang turuan sya?"

My eyes went wide

Shit that was a low blow

Oo naiinis ako sakanya pero di ko pa rin dapat sinabi yon

I will never ever drink again

"D-did i really said that" I said with a small voice

"Now i feel really bad Jaica"

"You definitely should! Nakakahiya kaya, sakanya nakasalalay kung magkakatrabaho ka at sya ang boss mo at the same time kahit hindi sya ang boss mo wala ka pa rin right to say those words. Also nasukahan mo rin pala yung kotse nya kasi bago pa sya makahinto para humanap ng nearby restroom di mo na napigilan kaya ayon"

Bakit ang kalat ko?!

"Shet. I know nothing about cars pero obvious naman na mahal yung kotse nya. And i know na dapat di ko sinabi yon. At now i know for sure na wala na talaga akong aasahang trabaho"

"Kung ako sayo sisimulan ko na magdasal sa quiapo church"

Magsasalita pa dapat ako ng biglang bumukas ang pinto

"Sige Jaica maya ulit nandito na si Rile" Pabulong kong sabi

"Sige good luck girl"

"Fuck that crap" Pabulong na sabi ni Rile habang naglalakad papunta sa kanyang table

"Uhmmm Rile----"

"Bukas na lang" He said in a cold tone

"H-huh" Naguguluhan kong tanong

"Bukas mo na lang ako turuan, wala ako sa mood makinig at inisin ka"

Pagkakuha nya ng mga gamit nya agad syang lumabas sa kwarto

Twenty minutes na ang nakalipas simula ng umalis si Rile at dahil bored na ako naisipan kong bumaba sa 2nd floor

Habang naglalakad ako papunta sa cafeteria someone called my attention

"Uhmm Ms?" The stranger asked

I turned to look at him

Break na din ng karamihan sa mga empleyado kaya maraming tao sa 2nd floor

At dahil nasa gitna kami may mga babaeng di mapigilang tumitig o mapalingon sa tumawag sakin

"Gwapo naman"

"Sino kaya yon?"

"New employee kaya?"

"Tanong mo pangalan mamaya"

Seriously hindi ba nila alam yung salitang bulungan? O baka naman bulungan na ito para sakanila. Pwede namang mamaya na sila magtanungan. Hindi ba sila nahihiya na yung pinagchichismisan nila ay nasa harap lang nila. O talagang pinaparinig nila ito sakanya?

Well, ano nga bang pakialam ko

"Yes?" I responded

"Alam mo ba kung nasang floor yung office ni Mr. Alarcon?"

"22nd" Di ako interesado sakanya at masyado pa rin akong occupied sa odd behavior ni Rile kanina kaya naman hindi ko na pinahaba pa ang sagot ko

"Oh okay thank you" He gave a shy smile

Tungo nga lang naging tugon ko bago kami naglakad sa magkasalungat na direksyon

Habang naglalakad ako tinitignan pa din yung lalaking nagtanong sakin

Di katulad kasi ni Rile na walang masyadong nakakakita pag pumapasok, etong si kuya masyado namang maraming nakakita kaya panay tuloy ang usapang tungkol sakanya

Hindi ko din alam kung bakit walang nakakakita kay Rile pag pumapasok. Hindi ko alam kung sa rooftop ba sya nanggagaling papasok o baka sa bintana na sya dumadaan

"Uy allysa sino yun?" Tanong sakin ni Kate

Empleyado sa 6th floor. So far sya pa lang close ko dito. Wala naman kasi akong nakakasalamuhang ibang empleyado dahil lagi lang akong nasa office ni Rile.

Tinulungan nya ako five days ago nung naligaw na naman ako

"Di ko kilala" Simpleng sagot ko

"Hayaan na nga natin yon, kain na tayo?"

"Sige" tugon ko

Wala akong interest dun sa lalaki pero dahil sa dami ng tumitingin at naguusap tungkol sakanya parang napapaisip na rin tuloy ako

Bagong empleyado nga siguro o baka katulad ko, di pumasa pero binigyan ng secone chance ni Sir Alarcon. Saglit second chance, shocks di kaya palitan na ako dahil wala pa rin improvement kay Rile?! Wait wag ka ngang paranoid more than a week ka pa lang papalitan ka agad agad? Isa pa pwede namang tanggap lang talaga sya sa trabaho after all mukha naman syang magaling

Dark Sky of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon