Chapter Eight

95 5 0
                                    

"Eto na po boss" Wika ko sabay lapag ng tray sa aming table

"Cheeseburger at fries lang ba talaga sayo? Nakakahiya naman na yan lang sayo tapos sakin spaghetti at chicken with rice"

"Alam kong sinabi kong kapos ako pero okay lang naman na umorder ka ng proper meal"

"Eto lang talaga gusto ko wag ka magalala" Sabi niya sabay kuha ng order niya sa tray

"So, matagal ka na sa org nyo?" Paguusisa ko

"Simula nung natatag yung org kasama na ko"

"Wow, dedicated" Wika ko sabay tungo

"Sobrang malapit sakin yung founder parang kapatid ko na yon kaya naman nung inaya niya ko itayo yung foundation na to pumayag agad ako so pwede mo na din sabihin na co-founder ako"

"Galing!"

"Wag ka masyado humanga sakin since private org kami almost 3/4 ng pondo galing sakanya at sya yung mas hands on. Pumupunta lang ako pag sobrang kailangan tapos wala sya. Busy din kasi sa trabaho kaya di ko kayang tutukan yung foundation. Isa pa alam kong gustong gusto niya matayo to kaya sinuportahan ko talaga siya"

"Kahit na, nakakabilib ka pa din kasi nagtayo kayo ng ganitong foundation despite like what you said busy ka sa trabaho"

"Anyway nasa office ka last week, i don't want to sound nosy but do you work for G Wide?" Tanong ko

"Yes actually i work directly under kay Mr. Alarcon"

"Ah i see, bago ka pa lang ba? Parang last week lang kita nakita"

"No, medyo matagal na din hindi lang ako naka base sa main office kaya di mo ko nakikita at kaya naligaw ako last week kasi di ko na kabisado yung main office"

I just hummed in response ayoko naman kasing magmukhang chismosa kaya naman hindi na ako nagusisa pa

"Ikaw? Matagal ka na ba?" Pagbalik niya ng tanong sakin

"Actually hindi parang trainee lang ako ganon. Bumagsak ako actually because of lack of experience binigyan lang ako ng chance pag napasa ko pwede na akong magtrabaho sa G Wide"

"Oh i see, may i ask ano gagawin mo para pumasa?"

"Ah kaialangan ko lang turuan yung Rile Alarcon. Actually madali lang yung gagawin eh kaso yung Rile napakatigas ng ulo. Hindi nakikinig at hindi niya sinusubukan mag excert ng effort sa totoo nga lang one week na siyang no show sa office" Nagiinit na naman ang dugo ko dahil naalala ko na naman si Rile

"Wala pa rin syang improvement at dama ko wala siyang natutunan sakin kaya sigurado na talaga ako na di ko makukuha yung trabaho. Kailangan ko pa naman yung pera kasi alam mo na bayad sa ospital ganon"

"Maayos nga mukha di naman maayos ugali. Maswerte sya mabait tatay nya. Nako kung ako magulang non tapos ganun ugali nya" Pagpapatuloy ko

"Malaki talaga galit mo kay Rile Alarcon no"

"Hindi pa ba halata? Saglit wag ka maingay ah baka naman sabihin mo to kay Sir Alarcon o kay Rile" I paused after a realization

"Well sabagay wala naman nakakakilala kay Rile eh kaya siguradong di mo ko masusumbong sakanya at let say kilala mo nga siya i doubt na close mo siya sa ugali pa lang non di mo na matatagalan. Basta wag ka maingay kay Sir"

"Sure! Wag ka magalala lahat ng rants mo di makakalabas"

I smiled before responding

"Salamat"

"Balik tayo sayo, ilang years na yung foundation nyo?" Pagiiba ko ng topic dahil kapag di pa kami tumigil sa topic na yon baka lalo lang ako lng mabadtrip

"3-4 years ago pa lang" Wika nya bago kumuha ng fries

"Ah medyo bago pa pala. Saglit kung co founder ka edi mayaman ka pala?"

"Mayaman talaga? Siguro may kaya lang. Enough lang to sustain the foundation and you know for my daily necessities and some leisures" He chuckled

"Sabagay malaki naman talaga sahod sa G Wide. Lalo na sabi mo matagal ka na"

"What do you do anyway?" I asked

"I manage... things but trouble shooting and game developing talaga forte ko"

I just hummed in response

Almost thirty minutes na ang nakalipas at kung ano ano na ang napagkwentuhan namin

Com eng graduate din pala siya tulad ko ang difference lang passionate siya sa field nya unlike me

He's just three years older than me

Siya siguro yung example nung sinasabi ni Sir Alarcon na ilang years pa lang ang experience pero pumasa na sa G Wide dahil sobrang galing

At some point in our conversation medyo naintimidate ako sakanya. I don't know actually, maybe it's because of the way he speak or because despite how great he is in his field, he still remain humble

Alam kong hindi ko pa nakikita kung paano sya magtrabaho pero base pa lang sa fact na matagal na siya sa kompanya despite the young age i'm pretty sure talented talaga siya

He looked at his wristwatch before speaking again

"Sorry Allyssa i have to go already, babalik pa kasi ako sa office"

"No it's alright babalik na din naman ako sa ospital at alam kong busy ka thank you sa time mo" I said before smiling

"Don't mention it, salamat ulit sa libre"

"Wala yon, walang wala yung price nung inorder mo sa chemo session ng kapatid ko kaya ako dapat magsabi nyan sayo. Thank you ulit ng marami, pakisabi na lang din sa founder niyo na thank you"

"Ikaw na mismo magsabi niyan sakanya"

"Huh? Eh paano mangayayri yon di nga kami nagkita ngayon" Nagtataka kong tanong

"Trust me magkikita at magkikita kayo" He said before giving a meaningful smile

Magkikita? Bakit parang sure na sure siya?

"U-uhh okay, sige na see you when i see you na lang" Yan na lang ang nasabi ko

"See you" He responded before waving goodbye

"Girl naalala mo ba yung lalaki last week, yung gwapong nagtanong sayo" Wika ni Kate

Lunchbreak ngayon at nasa cafeteria kami

Wala pa rin akong ganaps dahil di pa rin nagpapakita si Rile

"Ah yon oo, bakit?" Wika ko pagkatapos namin makahanap ng table

"Ethan pala name niya at pamangkin pala ni Sir Alarcon yon. Bali yung father niya at si Sir Alarcon ay magkapatid. Nakabase siya sa US kaya di natin nakikita dito pero ang sabi sabi ng mga chismosa dito stay daw muna sya ng ilang buwan sa Pilipinas"

"T-talaga?!"

Napasapo ako sa aking noo

Kung pamangkin sya ni Mr. Alarcon edi pinsan niya si Rile! Holy sht naman ang dami ko pa namang masamang sinabi about kay Rile kahapon sa harap ni Ethan hala baka isumbong ako, actually malamang isumbong ako o baka nga nasumbong na nya ako. Confident pa naman ako na hindi nya ako isusumbong. Arghh allysa ano pa yung sinasabi mo kahapon na hindi niya kilala at kung kilala man niya di niya matatagalan ugali eh pinsan pala niya. Pero base sa convo namin kahapon ibang iba naman ugali nya kaysa sa boss ko at ang humble pa nga niya, sabi pa niya kahapon di daw siya mayaman may kaya lang... Anong may kaya lang, pamangkin ng may ari tapos naka base pa sa US tapos may kaya lang?! Ganon ba talaga pag mayaman? Di nagpapahalatang mayaman sila? Sabagay si Rile di naman hindi mukhang mayaman sa pormahan niya. Shet bakit nga ba ito na iniisip ko? Basta ang bottomline mabait siya kaya siguro naman di niya ako ilalaglag, after all nag promise siya kahapon kaso kahit na at the end of the day pinsan niya si Rile kaya malamang sasabihin niya lahat sakanya. Andami ko pa namang atraso kay Rile tapos dadagdag pa to. Gustong gusto ko talaga mawalan ng trabaho no

Dark Sky of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon