Ako si Suzzane de Glamoroza babaeng ordinaryo na namuhay ng normal ngunit ginulo ng walang kamalay malay. Sinira ang buhay hanggang puso ko ay binalot ng galit at pait. Ang babaeng nagbago dahil sa isang trahedya. Ang babaeng nagbabalat kayo para maghiganti at bumawi sa mga taong nagpahirap sa akin. Lalo na kay Don Alfonzo.Ako si Suzzane de Glamoroza ang babaeng mapanghalina ngunit may itinatago sa likod ng maskara. Ito ang kwento ng buhay ko.
S U Z A N N E' S POV:
"Anong ginagawa ko dito? Sino kayo? Nasaan si papa?" tanong ko sa isang matandang babae.
"Eha nandito ka sa bahay ko" sabi ng matandang babae.
"Sino po kayo? Nasaan po si papa?" tanong ko ulit sabay pilit na bumangon sa hinihigaan ko.
"Huwag ka mo ng bumangon kung hindi mo pa kaya. Ako si Luciana Pedroso tawagin mo nalang akong Manang Luciana. Ako yung tumulong sa inyo kagabi. Nakita ko kasi kayong nakahandusay sa tabi ng kalsada at duguan yung papa mo" sabi ng matanda.
"Nasaan po si papa Manang Luciana?" tanong ko ulit habang tinitingnan ang paligid.
"Bakit ang tagal niyo pong makasagot? Nasaan si papa?" tanong ko.
"Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko eha, wala na ang papa mo. Patay na siya ang lalim kase ng tinamo niyang mga sugat at naubusan na siya ng dugo. Ginawa namin ang lahat pero bumitaw na siya" paliwanag ng matanda.
"Hindi, hindi pwede hindi pa patay ang papa ko. Nagsisinungaling lang po kayo, siguro kasabwat kayo ng
Don Alfonzo na yun kaya ginagawa niyo ito sa akin. Hindi, buhay pang papa ko hindi siya pwedeng mamatay nandito pa ako. Kailangan ko siya" hinaing ko."Hindi ako kasabwat ng lalakeng tinutukoy mo eha. Wala akong alam diyan at tsaka hindi ako nagsisinungaling kung gusto mo ng ebidensiya para maniwala ka sa akin. Puntahan natin ang libingan ng ama mo ngayon. Mapatunayan ko lang sayo na hindi ako nagsisinungaling at mabuti akong tao" paliwanag ng matanda sa akin.
"Gusto ko pong makita ang puntod ng ama ko" sabi ko kay Manang Luciana.
Hindi na namin pinatagal pa. Tinungo namin kung saan nila nilibing ang papa ko. Nang makarating kami doon nag-uumapaw at nagliliyab ang apoy sa puso ko. Wala akong ibang maramdaman kundi galit at sama ng loob.
"Papa bakit mo ako iniwan? Bakit ang bilis mong kinuha sa akin? Bakit hindi ka lumaban? Papa nandito pa ako kailangan kita. Paano na ako? Diba sabi mo gagawa pa tayo ng magandang mga alaala. Paano yun matutupad kung wala kana? Mahal na mahal kita papa huwag mo naman akong iwan" sabi ko sabay yumakap sa puntod ng ama ko habang umiiyak.
"Tama na eha lahat ng ito ay pagsubok lang at unos ng buhay. Malalagpasan mo rin ito" sabi sa akin ni Manang Luciana habang niyayakap ako.
"Ang sama nila ang sama ng Don Alfonzo na yan! Babalik ako don sisirain kong mga buhay nila. Ipapadama ko sa kanila kong anong demonyo ang tinapon nila sa impyerno! Magiging malaking trahedya ako sa buhay nila. Ipapabagsak ko siya at papatayin" sabi ko.
"Tama na" sabi ni Manang.
"Buhay ang kinuha niya sa akin buhay din ang kapalit! Huwag kang mag-alala papa ipaghihiganti kita" sigaw ko habang nagliliyab ang apoy dito sa puso ko.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Disaster
Mystery / ThrillerOrdinaryong babae ngunit binalot ng pait at galit. Sa trahedyang nangyari nais niyang maghiganti. Siya ay nagbalik para bumawi. Para masuklian ang buhay na kinuha sa kaniya. Siya si Suzzane de Glamoroza- pangalan palang mapanghalina na. Babaeng nam...