Chapter 5

28 12 2
                                    

S U Z Z A N E' S POV:

Kinabukasan para matupad ko ang isa sa mga plano ko pinakiusapan ko si Mang Juanito na magmasid at alamin ang mga koneksiyon at impormasyon tungkol kay Don Alfonzo.

"Mang Juanito pwede po bang humingi ulit ako ng pabor?" tanong ko.

"Oo naman" tugon niya.

"Sigurado po kayo? Delikado po itong pabor na hihingin ko sa inyo" sabi ko.

"Ayos lang eha handa kitang tulungan kahit ano pa iyan. Isa pa wala din na naman akong trabaho at wala din akong pamilyang naghihintay. Higit pa don gusto kong tumulong sayo dahil pareho lang tayo ng pinagdaanan. Handa kitang tulungan diyan" sabi niya sa akin.

"Salamat po, nais ko po sanang maging espeya ko kayo para sa planong paghihiganti ko. Nais kong magmasid kayo at alamin ang mga impormasyon tungkol kay Don Alfonzo" sabi ko.

"Sige maaasahan mo ako diyan" sabi niya.

Araw-araw kong pinagmamanman si Mang Juanito sa bawat kilos ni Don Alfonzo. Pati mga koneksiyon nito pinapa-alam ko.

Makalipas ang maraming taon, makalipas ang maraming pagsasakripisyo heto na ako ngayon. Handang lumaban para sa hustisya at katarungan.

"Ang ganda mo naman saan ba ang punta natin ngayon?" tanong sa akin ni Manang Luciana sabay lagay ng lacket na binigay ni papa sa leeg ko.

"Ngayon po ang araw ng pagsilang, ang araw ng muling pagkabuhay at araw ng panibagong ako" palabang tugon ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Ngayong araw na ito matutunghayan na ng Don Alfonzo na yan kung sinong demonyo ang tinapon niya sa impyerno. Unti-unti kong sisirain ang mga buhay nila hanggang sa malugmok" galit na sabi ko.

"Ibig sabihin pupunta ka don sa sinasabi ng Mang Juanito mo na pagdiriwang?" tanong sa akin ni Manang.

"Opo pupunta ako don at ito na ang simula ng paghihiganti ko" tugon ko sa kaniya.

"Pero mag-ingat ka Suzzane mahirap kalabanin ang Don Alfonzo na yan. Ikaw na ang nagsabi na marami siyang koneksiyon baka anong gawin niya sayo" sabi ni Manang ng may halong pangamba.

"Alam ko pong nasa isip niyo Manang pero walang mangyayari kapag mabubuhay ako sa takot. Isa pa sanay na ako sa paghihirap at sanay na akong masaktan. Huwag po kayong mag-alala mag-iingat po ako" sabi ko.

"Suzzane kailangan na nating umalis" sabi ni Mang Juanito sa akin.

"Sige po" sabi ko.

"Mag-ingat ka don ipagdadasal kita" pakiusap sa akin ni Manang.

"Opo maraming salamat" sabi ko sabay yumakap sa kaniya pagkatapos ay umalis.

Umalis kami sakay ng kotse na binili ko. Kotseng pangmayaman para sa tulad kong uhaw sa katarungan.
Aaminin ko may takot akong nararamdaman dahil na rin sa mga taong naghihintay sa akin. Ngunit ang halos nangingibabaw sa puso ko ay galit at paghihiganti.

Nagdaan ang ilang minuto nakarating na din kami sa lugar na ginanapan ng pagdiriwang ng pamilyang Alfonzo. Katulad ng dati marami paring mga gwardiya pero hindi ako natatakot dahil meron din ako non. Nagmamasid lang sa tabi tabi. Binigyan ko mo na ang sarili ko ng kunting pahinga bago lumabas.

"Suzzane bakit hindi kapa lumabas?" tanong ni Mang Juanito sa akin.

"Mamaya lang mo na Mang Juanito bigyan ko muna ang sarili ko ng kunting pahinga para naman kapag nakita nila ako matutulala sila. Hihintayin ko munang pumasok ang nag-iisa niyang anak dahil iyan ang punterya ko" palabang tugon ko kay Mang Juanito.

The Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon