Chapter 1

16 0 0
                                    

"Oy! Tapos na lunch break!"

"Oo teka naman!" Sabi ni Alyssa na tumatakbo na rin dahil male-late na kami.

"Sandali lang!" Sabi naman ni Hershey habang nag papagpag ng palda nito.

"Ang bagal! Mauna nako!" Sabi ko na lang habang patakbo papunta classroom.

Buti na lang wala pa yung teacher namin nung nakarating kami. Sunod sunod pa nga kami at puro hingal.

"Hingal na hingal taba ah?" Sabi ni Hardies "san ka ba nang galing?"

"Shhh. Wag ka nga maingay. Mang iinis ka lang e. "

"Woahh? So naiinis ka? San ka naiinis? Sa hinihingal ka o sa taba na tinawag ko sayo?" Sabi nito na finace to face pa ako.

"Wala sa binanggit mo. Naiinis ako sa pag mumukha mo. Saka eto oh bagay sa-"

"Oh thanks" sabi nito na kinuha at binuksan na ang binigay ko dito.

"Baho kasi hininga mo." Sabi ko na medyo hininaan ang pagkakasabi.

"Ano yon? Ano sabi mo?" Tanong nito na pinipisil pa yung braso ko.

"Sabi ko manahimik kana andiyan na yung Teacher natin!" Sabi ko dto na hinarap ang mukha nito sa board.

"HAHAHAHAHHAHAHAHHAA" bigla itong tumawa ng malakas kaya yung mga iba naming kaklase ay napatingin saamin kaya napa iling nalang ako.

May sapak na ata yun  sa utak. Tumatawa mag isa. Baliw na talaga.

---

"So anong palano mo after recognition, Lara?"

Tanong ni Alyssa sakin habang nasa cottage kami malapit sa swimming pool ng school.

"Hindi ko alam. Wala pa, mahirap pa ngayon.. wala pa ganong pera."

"Kami lilipat na sa public.. wala ng pera pang private e." Sabi ni Hershey "mahal kasi dito."

"Ako hindi ko pa alam. Sila nanay ang mag dedecide sa mga ganyang bagay e."

"Mamimiss ko kayo." Sabi ko naman sakanila at pumalumbaba sa lamesa at nakatingin sa mga ito.

May humiyaw kaya napatingin kami sa di kalayuan. Mga babae na nag chee-cheer habang nanonood ng nag lalaro ng basketball

Ang aarte, maka tili parang mapupugtuan ng lalamunan! Kainis.

"So, kelan mo aaminin kay Hardies na may crush ka sakanya?" Biglang sabi ni Alyssa sakin na nagpa tingin dito.

"Ha-? A-ano?"

"Ha? A-ano?"Sabi nito na ginaya pa ang expression ko pati hand gestures ko. " jeeezzz Lara kahit di mo sabihin.. may gusto ka kay Hardies, alam namin yon." Sabi nito na nangalumbaba na rin. "Halata kaya"

"So alam niyo naman na pala huwag na lang kayo maingay oh. Oo aminin ko may crush ako sakanya kaya lang alam ko naman na hindi niya ako trip e. So di ko nalang sasabihin at saka crush lang naman yon baka tawanan lang ako non pag sinabi ko, mapahiya pa'ko."

"Walang masama kung i-try." Sabi ni Hershey saakin na nginitian pa ako.

"Pano ko naman sasabihin sakanya? gan'to. Ano crush kita matagal na.. sana crush mo rin ako. Ganon?" Sabi ko na iiling iling.

"Sinong matagal mo ng crush?" Sabi bigla ng tao sa likod ko.

Pag harap ko si Hardies ang nakita ko. "Ah ano.. si a-no.. hindi mo kilala.. wa w-ala." Sabi ko dito at bigla itong tinalikuran.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon