Chapter 4

5 0 0
                                    

Nandito na kami halos lahat bukod nalang kay Hardies na kung saan pa nag suot tapos yung captain pa na dapat siyang mauuna e na late din. Ang call time namin sa school ay 7 am dahil aalis na kami ng 7:15.  Isang bus kaming players. Sakto naman pati sa coach na kasama namin at ibang medics para incase na may hindi magandang pangyayare ay maagapan agad ito.

•Basketball team
•Volleyball team
•high jump girl and boy (2)
•long jump girl and boy (2)
•chess (2)
•games of the generals (2)
•badminton single and doubles (6)

"7:05 na wala parin silang dalawa.  Jusko malelate tayo sa 8 am na opening remarks." Sabi ni coach na iiling iling.

"Girl. Anjan na jowa mo." Sabi ni Arvie na kinalabit pako.

"Wala kong jowa kaya wag kang ano." Sabi ko dito na humarap kung san ito naka tingin at nakita ko na dumadating na si Hardies.

"I'm not late!" Sabi pa nito na nakangisi sa akin.

"Edi hindi." Sabi ko dito na inirapan ito.

"Napaka sungit" sabi nito na kinindatan pako at lumapit na sa mga kaibigan nito.

"San ka pupunta Lara?"

"Mag CR lang saglit. Babalik ako agad." Sabi ko na tumakbo sa CR. Jeezzz kinakabahan ako kaya ganito ako.

-

"Shit. Shit. Shit!" Tumakbo nako kasi naka lock yung pinaka malapit na CR kaya sa isa pa ko nag CR baka iwan nako ng Bus.

Buti nalang hinintay pa ako ni coach kaya umakyat na ito ng malapit nako. 

Umupo na lang ako sa harap. Yun nalang ang vacant seat dahil may ibang katabi na si florence e.

Biglang huminto yung bus and then umakyat si Aljhero and naka pang basketball pa ito at umupo pa sa tabi ko. Kasali pala siya sa basketball team. Siya yung captain?! Pwede ba yon? Transferee lang siya ah.

"Hey, stop staring." Sabi nito na humarap at ngumiti pa sa akin.

"Hindi naman ako naka tingin."

"Yes you are." Sabi nito na sumandal at nag lagay ng earphones sa tenga nito.

Tinry ko matulog pero yung dibdib ko talaga ang lakas ng kabog. Nilalamig ako kaya pinatong ko sa suot ko yung varsity jacket din namin. Sisilip ako sa bintana tapos pipikit. Kakagatin ko kuko ko yung daliri ko. Juskoo sobrang kabado ko sa mangyayari ngayon.

"If you continue to eat that. You will lose your nails." Sabi ng katabi ko na nakapag palingon sakin dito.

"Sorry. Kinakabahan kasi ako. Saka hindi ko naman kinakain kinakagat ko lang." Sabi ko rito.

"Don't be. Normal yon. You'll get to it later." Sabi nito na tumayo na. Dahil nandito na pala kami sa Essential school kung san gaganapin ang inter school competition.

-

"Sexy na nga tapos may pogi pang katabi yieeh!." Sabi ni Arvie na inakbayan ako pag baba ko. Nakatingin kasi ako kay Aljhero ngayon habang nakikipag usap ito sa mga team mates nito.

"Sexy daw. Mataba pa nga." Sabi ko na hinawakan ko pa pisngi ko.

"Sus yan lang. Pero malaki kasi talaga pinayat mo. Compare last year. Diba pinakita mo old pics mo samin." Sabi nito na nag simula na mag lakad pa punta sa room namin for this event.

"Teka bibili lang ako. Samahan mo ko Lara. Sunod kami diyan" Sabi ni Florence kay Arvie at hinatak na ako papunta sa canteen sa di kalayuan.

"Teka mauna ka na  susunod ako." Sabi ko dito na iniwan ito at sinundan yung lalaki na nakita ko. Lumiko ito pero pag tingin ko wala na. Nag ikot pako hanggang sa maka balik ako sa harap ng canteen pero hindi ko na ito makita. Natanggal yung buhol ng sintas ko kaya umupo ako at binuhol ito. Pag tayo ko may tatlong lalaki na sa harap ko.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon