Second day na ng Inter School Competition kaya sobrang hyper ng mga tao.
"Diba siya yon?"
"Siya ba yon?"
"Hindi siya yon."
"Hindi! Siya yon tignan mo sa picture siya yon."
Sabi ng 3 babae na naka hinto sa harap namin ngayon.
"Excuse me?" Sabi ni Arvie na nag taray na nga.
"Hi miss. Ikaw ba ito?" Sabi nung Babeng kulot ang buhok at pinakita ang Cp nito.
"Huy Lara ikaw yan ah. At kasama mo pa si Cruz!" Sabi ni Arvie na naka tingin sa akin.
"Ah a-no. Ako nga yan." Sabi ko na nakatingin din sa picture namin ni Chris.
"Meron pa yan miss. I scroll mo." Sabi nung isang babae na maiksi naman ang buhok.
Oo nga at meron pa nga. Picture nung kumakain kami ni Chris sa canteen. Picture nung sinintas niya yung sapatos ko. Picture nung tumatawa ako sa mga sinasabi niya. Picture nung nilagyan ko ng yelo yung likod niya at hawak ko ang mukha niya. Tapos yung picture n hawak kamay kami ni Chris tapos yung last is yung picture ko na magkatabi kami at nakatalikod habang suot ko yung t-shirt niya na may apelyido niya at suot naman ni Chris yung Jersey niya na may apelyido din niya.
"Oy girl sikat ka na." Sabi ni Florence na kinuha yung Cp at binalik sa babae na nag abot kanina.
"Boyfriend mo ba si Chris?"
"Boyfriend mo ba yung lovesko?"
"Halla ate ano nagkakam-"
Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng takpan ni Arvie ang bibig ko.
"Oo jowa niya si Chris, alis na" sabi ni Arvie na nagpa takbo sa mga babae at saka palang nito binitawan ang bibig ko.
"Huy ano ba. Bakit mo sinabi yon?" Sabi ko rito na tinampal ito sa braso.
"Aray ko ah! Sinabi ko yon para magka jowa ka naman. Anlamya kasi ng life mo. Nag hihintay ka sa wala. Hindi ka naman gusto ng iniintay mo."
"Aray ko ahh! Kailangan sabihin pa na walang pag asa?" Sabi ko rito na naka hawak kunwari sa dibdib at masakit.
"Hahahaha ang arte. Tara na nga." Singit ni Cha sa banagayan namin ni Arvie.
"Si Arvie kasi e!"
"Hay nako. Tara na." Sabi ni Florence na sumunod na kay Cha kaya no choice kami kaya sumunod narin kami.
-
Pumasok na si Coach na hingal na hingal " sino marunong mag badminton?" Tanong nito kaya napataas ako ng kamay dahil nag lalaro naman ako non sa bahay. Kalaro ko mga kapatid ko at ibang mga kapit bahay namin. "Sino pa?" Nag taas naman ng kamay si Cha.
"Okay Cha and Lara sumama kayo sa akin." Kaya tumayo naman kami ni Cha at sumunod sa Coach namin hanggang sa principal's office.
"Coach may kasalanan ba kami?" Tanong ko kay coach bago pumasok sa loob ng office.
"Hindi wala, kakausapin lang kayo ni principal."
Kaya pumasok na kami at naabutan namin yung 2 naming school mates.
"Okay girls, sitdown." Sabi ni Principal kaya sumunod kami. "Kaya ko kayo pinatawag ay sa kadahilanang kayo ang papalit sa dalawang ito. Nahuli kasi sila ng isang prof na nag sasabunutan sa CR kaya aila nandito. Kaya ang parusa naman ay hibdi sila mag lalaro. So kayo ang papalit."
BINABASA MO ANG
Chasing You
ספרות נוערI like you, but I'm scared you will hurt me. I like you, but I'm scared I misread all of your acts. I like you, but I'm scared you don't feel the same way. I like you, but I'm scared I like you more. I'm scared I love you but you don't love me bac...