POEM #2: Munting Pagtingin

21 8 1
                                    

Ako sa iyo'y may matagal nang pagtingin;
'di ko inaasahang iyong mapapansin.
'Di ko ibig paniwalaan at isipin
dahil baka ako ay iyong paasahin...

Mga titig mo'y tila may ibig sabihin;
isang pagtingin na tila masarap damhin.
Sa tuwing ako ay iyong pinagmamasdan,
tibok ng puso mo'y ibig kong pakinggan...

Ito'y upang malaman kung ano ang binubulong
ng damdamin mong tila may gustong isuplong.
Mga mata mo'y tila mga bituin
na kung minsa'y tila ibig akong akitin...

Balang araw sana'y iyong aminin sa 'kin
kung ikaw nga sa aki'y may pagtingin
upang ako ay hindi na naguguluhan
kung ikaw nga ba sa aki'y may nagugustuhan...

Words Of Sadness (Poem Compilation)Where stories live. Discover now