"INGATAN MO SYA"

798 43 0
                                    

"INGATAN MO SYA"





"Zanie.. baby, sorry kung natulogan kita."

"naiintindihan ko babe."

pinatawad n'ya ako kahit na ang totoo, nagpunta ako sa bar para tumikim ng alak at ng babaeng dadaan sa harap ko.

-----

"Baby, kaibigan ko lang 'yon, maniwala ka."

"It's okay, may tiwala ako sa'yo."

pinagkatiwalaan n'ya ako noong minsan mahuli n'ya akong may kasamang iba, na pilit ko paring pinagtakpan kahit na alam kong nagdududa s'ya.

------

"Zanie naman! bakit ka nagpupunta dito ng hindi ko alam!?"

"Hindi ko rin naman alam na may kasama ka."

"I'm sorry baby, I'm sorry..."

"It's okay."

noong minsan n'ya akong mahuling may kasamang babae sa condo ko, napakaraming luha ang pumatak sa mata n'ya na s'yang kagagawan ko.

------

"Baka mahuli tayo ng girlfriend mo."

"Hindi 'yan, saglit lang 'to."

"Y-Ythan?"

"Babe! hey.."

"Ang bababoy n'yo!"

"Baby sorry, hindi ko sinasadya..."

"Wala akong ibang choice kundi patawarin ka."

"Sorry..."

"Mahal kita eh."

noong minsan n'ya akong mahuling may kalampungan sa kama ko, tinaboy n'ya ako ng paulit-ulit pero napatawad n'ya parin ako.

------

"Just let me go."

"P-Pero mahal kita.."

"Pero hindi na kita mahal, ano bang mahirap intindihin do'n?"

"Ayaw mo na?"

"Isn't it obvious?"

"Gusto ko pa, ayaw kong sumuko..."

"Tangina naman, tama na, nasasaktan lang kita."

"Then handa akong tanggapin lahat ng sakit, kahit na ikamatay ko pa! basta hahayaan mo kong manatili sa buhay mo! hayaan mo akong mahalin ka!"

"Hindi ka ba napapagod?"

"Pagod na pagod na ko..."

"Then stop."

"Pero hindi ako aayaw, pagod lang ako Ythan pero hindi ako aayaw..."

nagpaka martyr s'ya para lang manatili ako sa kan'ya kahit na halos araw-araw paulit-ulit na sakit lang ang natatanggap n'ya.

-------------------

"Will you marry me?"

"Oo naman." masayang sagot ni Zanie.

"We're getting married!" masayang sigaw ng kaibigan ko, malungkot ang mga mata akong napangiti.

"Congrats bro, congrats Zanie." bati ng mga kaibigan namin,

"Salamat sa inyo, wala na akong kawala sa lalaking 'to." kita ko ang saya sa mga mata ng babaeng pinakamamahal ko,

"Ganun talaga, kapag mahal mo, pakasalan mo." masayang tugon ng kaibigan ko,

"Yiiee, hoy Luiwen ingatan mo 'yang si Zanie ah." sambit ng kaibigan nila,

Kinuha ko ang maliit na kahon, binuksan ko iyon tsaka pinagmasdan ang regalong kaytagal kong pinagipunan noon, binili ko iyon kahit na alam kong hindi na ako tatanggap ng oo n'ya, kahit na alam kong hindi n'ya iyon kailanman maisusuot.

Ingatan mo s'ya, gago ako kaya nagpapasalamat akong napunta s'ya sayo.

------------






SHORT STORIES COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon