"UNEXPECTED BOYFRIEND"

1.2K 61 7
                                    

"UNEXPECTED BOYFRIEND"





"Hoy Feizy, mamaya ha? Sama ka sa amin, birthday ni Jez."

Nailobo ko nalang ang pisngi ko dahil sa imbitasyon na narinig ko, ayaw kong sumama sa kanila dahil paniguradong inuman ang madadatnan ko nun, nakaupo kami sa bench ng gymnasium, at saktong uwian ang start ng party ni Jez.

"Hindi talaga ako pwede eh."

Tugon ko, napangiwi lang sila na para bang hindi kumbinsido sa rason ko.

"Sige na, minsan lang naman."

Pagpupumilit nila, hindi ko alam kung anong dapat gawin, Tss ayaw kong uminom at magpagabi, nagisip ako ng idadahilan.

"May kasabay kase akong umuwi mamaya eh, sorry talaga."

Mas lalo silang napangiwi, kunot-noo silang nakatingin sa akin.

"At sino namang kasabay mo ha, ayos lang kung boyfriend mo, boyfriend mo ba ha?"

Agad kong nailinga ang paningin ko, ng mapansin kong may grupo ng mga estudyanteng dadaan ay agad akong tumabi sa isa, pakiramdam ko ay lalaki 'yon, hindi ko naman kase nilingon, malay ko ba, bahala na.

"S'ya hehe, boyfriend ko, kasabay kong umuwi mamaya."

Turo ko sa katabi ko na hanggang ngayon ay hindi ko kilala dahil nakapako sa reaksyon ng mga kaibigan ko ang paningin ko, gulat na gulat sila, siguro ay dahil ngayon lang ako nagkaroon ng kasabay, at kahit di ko lingonin, alam kong lalaki 'yon.

"Ok... Swerte ah, mauna na nga kami, baka may gusto pa kayong pagusapan."

Paalam nila, ngumiti lang ako, ng matanaw kong wala na sila ay doon na ako nakahinga ng maluwag at tsaka ko nilingon ang katabi ko.

WHAT THE HECK!???

Parang biglang tumigil ang mundo ko sa labis na kahihiyan. Anak ng tupa naman oh, si Khyler!? Leader ng Wannaboys! Ang sikat na grupo ng dancers sa school! Owshet!

"A-Ahh, s-sorry Khyler, h-hindi ko alam."

Halos hindi na ako makapagsalita dahil sa sobrang kaba, sobrang gwapo n'ya rin kase! Ang mga kasama naman n'ya ay palipat-lipat ang tingin sa amin, parang gusto ko na tuloy magpalamon sa lupa, nakakahiyaaaaaaa!

"Hintayin mo nalang ako mamaya."

Haaaaaa!???

Masama na ang tingin sa akin ng mga babae sa paligid. Habang ako, eto nakanganga parin dahil sa sinabi ni Khyler, seryoso ba sya??

"H-Hindi na, dahilan ko lang talaga yun para hindi ako maksama sa mga kaibigan ko, sorry ulit."

"Hintayin mo ako mamayang uwian."

Hindi parin ako makapaniwala sa naririnig ko! Talaga ngang seryoso syaaa! Napaka boklog ko naman! Pag ako talaga ginulpi ng mga fangirls nito! Huhuhu.

SHORT STORIES COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon