p r o l o g u e
"Sige! Kung iyan ang gusto mo! Nakakasawa na rin laging nakikinig sayo!"
"Okay sige! Wah. Kala mo ikaw lang? Mas nakakasawa mga palusot mo! Ni hindi mo na binago! Pwe!"
"Mas lalo ka na! Puro ka salita! Hindi mo alam makinig!!!"
"Ako pa talaga? Ikaw nga itong laging umaalis ng hindi nagpapaalam eh! Kinakausap kita pero hindi ka nakikinig!"
"Wow! Lakas din ng topak mo eh no?Mas malala ka! Hindi lang kumain sinusumpong na!"
"Ano?! Ako pa talaga? Ikaw nga itong laging late sa date eh! Ni hindi mo manlang naaalala anniversary natin!"
"Oh bakit? Importante ba iyon? Kayo kasing mga babae binibilang ang mga araw! Nakakairita kaya! Kailangan ba namin imemoryado lahat pati na pangalan ng isdang alaga mo?!"
"What?! Eh bakit mo pa tinatanong ang pangalan kung hindi mo rin lang naman pala ginusto!"
"Eh sa magagalit ka! Oh diba?! Isa pa, hindi ko rin maintindihan takbo ng utak mo eh. Bigla bigla ka nalang magagalit! Kapangit ng ugali mo!"
"Wah. Sige! Maghiwalay na tayo!"
"Hindi! Ako ang magsasabi! Maghiwalay na tayo!"
"Ako ang nauna!"
"Ah basta! Break na tayo!"
"MAGBREAK NA TAYO!"
"Ma'am Sir...please—"
"CHE! Siya ang magbabayad!"
"Hoy!!!—"
Kinuha ng babae ang bag niya at sinamaan ng tingin ang binata saka umalis.
Nakapinta naman sa mukha ng binata ang pagkainis.
Kinuha nito ang kaniyang wallet at nilabas ang isang libo at iniwan iyon sa mesa at nagmadaling lumabas.
***
Samantala, huminto ang dalaga sa paglalakad nang medyo makalayo na siya.
Pagkalabas ng binata ay huminto rin ito.
"That jerk!"/ "That witch" (girl/boy)
"ARGHHHHHHHHHHH!!!!"
Pareho silang napasigaw sa sobrang pagkainis.
***
Heart Prescription
by jrhabellie
YOU ARE READING
Heart Prescription
General FictionEmma Raine Alcantara, a successful photographer has met her former lover, Nigel Leon Sanchez, after six years. The thought of being acquainted to the hottest and viral actor was out of her bucket list as she promised herself to forget about him. How...