KATHANG ISIP
Sa gabing nilulunod ng kalungkutan,
Isipang 'di mawari dapat bang kalimutan.Nagbabakasaling may dahilan ang pagbati
Maabot muli ang pagbalik sa dati.Ang hirap kasing maghabol,
Sa taong ayaw magpahabol.Ang hirap maging masaya,
Lalo na pag mas mahal kita.Panay akala,
Pekeng saya.Pag-ibig mo kasi,
Hiniling ko na dati.Pero pwedeng meron pa,
Pero pwede ring tama naNaging mahina ako dahil sayo,
Pero ngayon alam ko na pano mabago ito.Titignan, ngingiti, iisipin,
Aasa, lalayo, lilimutin.Wala na tapos na,
Naisip ko na ang huling eksena.