Sarili

14 4 0
                                    

SARILI

Panibagong araw na naman,
Panibagong pagsubok na kailangan.

Kilala mo pa ba ang 'yong sarili?
O kikilalanin pa lang ng maigi.

Isipang 'di mawari,
Anong mga ninais.

Nilamon na minsan ng kalungkutan,
Pero gusto lamang ay katahimikan.

Sa mga pagkakamali,
Laging may aral na uwi.

Hayaan mo lang ang sarili,
Laging isipin na bumuti.

Pagiipon ng mga isipang 'di kailangan,
Bawasan mo kung nakapupuno ng lagayan.

Walang kasiguraduhan,
Ngayon at kinabukasan.

Pero ang sigurado,
Ikaw ang may kontrolado.

Desisyon at plano,
Bumubuo ng 'yong pagkatao.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Verses (Compilation of Poems)Where stories live. Discover now