A/N: Nakapag-update din haha na-late na kasi masama pakiramdam ko e :( by the way Merry Christmas everyone!
GOING HOME.
Pagkatapos kong magpakitang-gilas este magbigay ng dance steps kay Garrett ay nagpaalam na ako sa kanila para umuwi na. Gusto ko kasing magpahinga ng maaga dahil bukas na ng gabi ang Christmas Party-slash-benefit concert sa Ashworth High. Believe it or not, sold-out na agad ang tickets dahil guest nga kasi sina Hajime at Tetsuya. Idagdag pa ang limang naggugwapuhan at nag-gagandahang mga nilalang na ito.
Dating gawi, nilalakad ko lang mula Ashworth High hanggang sa amin dahil walking distance lang siya. Hindi din naman ako natatakot kung may 'magtangka' na naman sa akin kasi makakatikim sila ng karatedo skills ko hihi pareho kami ni Khaki na blackbelter.
Nakalabas na ako ng gate ng A.H. at nakakatatlong hakbang pa lang ako nang may bumusina sa likuran ko. Pagharap ko...
"Garrett?!" usal ko nang tumapat ang kotse nya sa tabi ko.
Binuksan naman nito ang front door. "Hop in. I won't take NO for an answer," okay magpinsan nga sila ni Kollin tss.
I sighed. At pumasok na sa loon ng sasakyan.
"Teka, bakit mo naman iniwan 'yung apat?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya.
"Malalaki na sila at kaya na nilang umuwi. Saka gusto kong malaman ang bahay nyo. Sabihin mo kapag malapit na tayo ha?"
"Stop the car. We're already here."
"Ang bilis naman hahaha!"
"Walking distance lang naman kasi ito mula A.H."
"Kaya pala sexy ka. Walking is one if the best form of exercise," he winked at me.
"Okay 'wag ka ngang bolero. Papagmeryendahin naman kita kasi inhatid mo ako."
"Ayos yan hahaha!" at humagalpak siya ng tawa bago ako pinagbuksan ng pinto.
* * * * *
Ang lapad ng ngiti ni Garrett nang ilapag ko ang Graham Cake at fresh orange juice sa center table. Gutom na 'ata ang isang ito.
"Alam mo soulmates talaga tayo."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Why did you say so?"
"Kasi alam mo ang paborito kong cake haha!"
"Nagkataon lang 'yun. 'Wag kang assuming Garrett Draven Ashworth."
"Kikiligin na ba ako kasi sinabi mo ang full name ko Krystal Zelline Madriaga?"
"Corny mo ah," batuhin ko nga ng throw pillow.
"Ang sweet mo naman! Gusto ko 'yan medyo sadista!" pagbibiro pa nito.
"Bawiin ko kaya 'yang cake?"
Bigla naman nyang kinuha yung cake sabay tusok ng tinidor at sabay subo ng isang malaking piraso. "Sabi ko nga masarap ito e paborito ko pa!"
Bigla tuloy akong napahagalpak ng tawa.
* * * * *
"Hey Kryzzie tutal tinulungan mo 'ko sa steps sa Fall, tayo kayang dalawa ang sumayaw nun, what do you think?"
"Kryzzie?! Pauso ka talaga!"
"Ayaw mo nun? Cute kaya haha I'll call you Kryzzie."
"Okay fine. Sige payag na din ako sa proposal mo."
Bigla nyang hinawakan ang kamay ko. "Thanks! Tara practice tayo ng 3 sets."
"Oh sure!"
Laptop ko ang ginamit namin at kinabitan ko na lang ng speakers. I admit, Garrett's a good dancer -- napaka smooth ng mga galaw nya at cool na cool lang siya. Buti na lang at ako ang partner nya. Fast learner 'ata 'to!
"Galing talaga ng partner ko, nakakainlove!"
"Tigilan mo nga ako haha!"
"Totoo naman kasi na magaling ka at talented pa! Ideal girl na kita."
"In your dreams Garrett haha!"
Umakto siya na parang nasasaktan. "Ang hard mo talaga sa akin Kryzzie baby huhu."
"Kryzzie baby naman ngayon," napa-face palm tuloy ako.
"Cute mo talaga haha o pa'no uwi na ko ah galingan na lang natin bukas."
Inihatid ko siya hanggang sa may gate. "Maswerte ka at ako ang naging partner mo."
"Iyan ang gusto ko sayo e. That's the spirit Kryzzie baby!"
At bago pa ako nakapagsalita ay hinalikan nya ako sa cheek pambihira.
"Ingat," ang nasabi ko na lang nang sumakay na siya sa kotse at umalis na.
Papasok na ako sa bahay nang matanaw ko ang kotse sa kabilang kalsada. Teka kay Kollin 'yun ah?!
Mukhang nabasa naman nya ang iniisip ko dahil binuksan nya ang car window. Nakipag-titigan muna siya ng ilang minuto saka pinaharurot ang kotse nya paalis.
BINABASA MO ANG
Sudden Fate (ATDG FanFic) √
FanfictionFanfic of Kellin and Kryzel of ALESANA (The Demon Gangster) by XxWannaSeeMeDiexX 11232014 03252015