A/N: Whoa nakapag-update din! Hirap na hirap talaga ako kapag winter naninigas mga daliri ko haha this chapter is dedicated to @yellowpencil because I'm a HERA fan, nagka-idea ako sa Morse Code concept nya sa story so I'll use Hexadecimal. Ilalagay ko ang link para maconvert o ma-decode nyo ang mahiwagang mensahe. Enjoy reading!
BACK TO SCHOOL.
Christmas vacation's over kaya estudyante na ulit tayo (hello sa mga kapwa ko estudyante kaway-kaway!). Kwentuhan dito, kumustahan doon — ganyan ang atmosphere dito sa room namin. At dahil kaka-resume pa lang ng klase ay walang masyadong pinagawa ang mga prof maliban sa dalawang activities sa English at History. Kapag natapos namin agad ito ay pwede na kaming umuwi. Ako ang unang nakatapos (chicken feed!) kaya nakangiti ako palabas ng room.
"Sissy wait kita sa fave spot ko okay?" I said to Hikaru na seryosong-seryoso sa paggawa ng activities. Ang cute nya pa din kahit nakakunot-noo siya.
"Okay Sissy!" Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
* * * * *
'Cause all I need
Is a Beauty and a Beat
Who can make my life complete
It's all 'bout you
When the music makes you move
Baby do it like you do ~
Sinasabayan ko pa ng pagkanta ang Beauty and a Beat cover na currently playing sa Ipod ko habang papunta sa may tambayan sa may ilalim ng puno sa pinakadulong parte ng Ashworth High. Tahimik kasi dito at walang masyadong pumupunta dahil aware na halos lahat ng schoolmates ko na hangout ko ito kapag free time kaya walang tumatambay dito.
Excited na akong umupo sa malaking flat stone na nagmukhang bench malapit sa may puno nang mapansin ko ang 3 red roses na nakapatong dito. May naka-ipit din na folded pink paper.
"Sino naman kaya ang naglagay nito dito?" Nagpalinga-linga pa ako baka sakaling hindi pa nakakalayo ang naglagay pero hangin lang ang sumalubong sa akin.
Binuklat ko ang kapirasong papel na nakatiklop kasama ng mga bulaklak at ito ang nakalagay:
KZM,
59 6F 75 20 61 72 65 20 73 69 6D 70 6C 79 20 62 65 61 75 74 69 66 75 6C 2E
"Wow at gumamit pa talaga siya ng Hexadecimal code!" Parang ewan na kausap ko sa sarili ko habang tinitiklop na muli ang papel.
"KZM? Initials ko 'yon so para sa akin ang note?"
"Oo Sissy malamang para sa'yo nga." Nasa likod ko na pala si Hikaru nang hindi ko namamalayan.
"Nakakgulat ka naman Sissy!"
"Tinatawag kaya kita kasi hindi mo naman ako naririnig."
"Oops sorry naman naka-head set ako at ang lakas ng tugtog sa Ipod ko hehe," sabay peace sign ko sa kanya.
Kinuha nya ang papel na hawak ko. "Hmm...You are simply beautiful. 'Yan ang meaning nito Sissy."
"Yeah I know."
"Sino naman kaya ang magbibigay nito sa'yo? A+ for the creativity at maganda ang penmanship."
"I really don't have an idea Sissy."
"Baka si Garrett Draven Ashworth? Mukhang dead na dead sa iyo ang isang 'yon!"
"No comment."
"O baka naman si Kollin? Ayiieee!"
"Ewan ko. Hindi pa kami nag-uusap after the concert."
"Naks naman Sissy may secret admirer ka na!"
"Dapat ba akong matuwa?" Poker face mode.
"Maybe? Exciting nga e hihi."
A/N: visit www.rapidtables.com kung guso nyo i-try ang ginawa ni 'Myterious Sender'.
"Whatever." Umupo na ako sa stone bench.
"May dala nga pala akong snack Sissy," sabay abot nya sa akin ng plastic bag. Hindi ko 'yon napansin kanina actually.
"Tacos and icea tea! Yum!" Nagutom akong bigla pagkakita ko sa pagkain.
"Huwag mo munang isipin kung sino ang nagbigay ng roses and note baka mabaliw ka Sissy, come on let's eat!"
"Mabuti pa nga Sissy, nagutom akong bigla dito sa mga dala mo."
"Okay fight!" Duet pa namin habang inilalabas mula sa plastic bag ang mga pagkain.
A/N: Okay hanggang dito na muna! Sa tingin nyo sino kaya ang nagpadala? Dagdag idea din 'yan sa mga 'torpe' na nahihiyang magsabi ng feelings nila sa taong napupusuan nila hehe sana nagustuhan nyo ang update!
BINABASA MO ANG
Sudden Fate (ATDG FanFic) √
FanfikceFanfic of Kellin and Kryzel of ALESANA (The Demon Gangster) by XxWannaSeeMeDiexX 11232014 03252015