CHAPTER 1

45 4 0
                                    

A STRONG WOMAN !

This is the most awaited day para sakin and sa groupmates ko the debate competition, late na ako kaya tumakbo nalang papunta sa auditorium.

And finally, andito na ko sa loob punong-puno ng estudyante ang auditorium lahat sila naghihiyawan. Pano ba naman kasi, girls versus boys 'yung debate? Sino ba talaga ang mas magaling na leader?, babae o lalaki? Syempre ipinaglaban ko kaming mga lalaki.

Pagkatingin ko sa stage, doon ko unang nakita si Kezi. She's so confident lalo na sa pagsasalita, naramdaman ko sa mga salita niya kung gaano niya pinaniniwalaan lahat ng sinasabi nya, nakita ko sa mga mata niya 'yung passion.

"Itong babaeng 'to, matapang at may paninidigan, kung siya naman talaga ang makakalaban ko, hindi paba ako papatalo?" Bulong ko sa aking sarili."

Pero siyempre, kailangan ko padin itayo ang bandera naming mga kalalakihan

Nagsalita ako para makuha ko ang atensyon ni Kezi, pinahawak ko ang bitbit ko na guitar case sa barkada ko bago pumunta sa stage, habang nakatingin sakanya nakita ko yung malaking ngiti sa mga labi nya.

"Ayusin mo ang polo mo, Cydrick nang magmuka ka naman presentable sa harap nya" Tugon saken ni Miko, yung barkada ko

Inumpisahan kong ayusin ang aking polo.

"Chance ko na din 'to para maka score ng pogi points kay Kezi"

Nung inabot na saakin ang mic nagsimula na ulit ako sa argument ko para hindi na ako mapagalitan.

"Smart move, Cydrick Alvarez!"

Isa isa kong ni-rebut 'yung points ni Kezi kanina. pero ayaw nyang magpatalo, palaban din sya. Grabe, nakakahanga!

'Yun din kasi yung gusto ko, hindi sumusuko. kaya mas lalo akong ginanahan sa debate

" Sobrang daming tao sa auditorium pero sa kanya ako nakafocus, pwede pala 'yun, no?"

Para bang nawala na lahat ng tao sa paligid, hindi ko na rin narinig 'yung sinasabi nya, napatitig nalang ako sakanya.

'Di nga lang pala titig, nahulog narin nga ako nu'n, wala akong magagawa, tinamaan ako eh.

"Kaya bakit pa namin kailngan pagdebatihan kung pwede naman kaming magtulungan, nang magkasama habang buhay?"

PAANO TAYO? (KN SERIES #1)Where stories live. Discover now