"talaga div, crush mo si rai?!" di makapaniwalang sabi ni shai
"wag ka naman maingay, mamaya may makarinig sayo" sabi ko.
"ayieeee rai pala div ha" sabat ni cane.
kumakain kami ngayon dito sa lugawan, actually 5 minutes lang yung binigay ng leader namin para gawin na lahat. nagfi-film kasi kami e, project.
"crush lang naman" sagot ko pa.
nakikinig lang si maris at jen, pero alam kong nang aasar sila kasi yung mga tinginan nila.
"ayieee dalaga na si prainella divine" sabi ni shai
"nakakatawa ba yon shairalyn kate" pagbanggit ko sa full name ni shai
"oh nagkabanggitan na nga" sabi ni jen
"manahimik ka jenifer yna" sabi ni shai
"oh bat ka tumatawa cane hannah ha" sabi ni jen
"oh bat nadamay ako diyan? nananahimik ka pa maria maris" sabi ni cane
di na namin napigilang tumawa, mga siraulo talaga to e. sayang wala si jaira marie, edi dapat sobrang ingay namin.
"pero seryoso ka divine?" tanong ni cane sakin
"oo crush lang" sobrang bata ko pa para mahalin ko yon.
atsaka naattract ako sakanya kasi ang galing niya mag solve sa math, tapos ang angas pa ng datingan niya. wala ang gwapo niya sa paningin ko. potek baliw!
YOU ARE READING
loving you crazy
Teen Fiction"A writer must pour their hearts and pain on paper." -unknown writer.