Manila, Philippines
23 years ago..
"Sabihin mo na lang sakin Hera kung nasaan ang Midas para humaba pa yang buhay mo," wika ni Demono sa dalaga na nakagapos sa poste. Marami ang mga sugat na natamo nito at may tama rin siya ng baril sa kanyang hita para hindi na ito tuluyang makalaban o mag tangkang tumakas."Kahit patayin mo pa ako Demono hinding-hindi ko sasabihin sayo kung nasaan ang Midas," matapang at madiin na tugon ng dalaga dito dahilan para mas mainis lamang sa kanya ang binata.
"Tangina!" galit nitong sigaw at pinutok ang baril sa taas. Nagitla si Hera sa kanyang kinauupuan at sinalubong ng tingin si Demono.
"Tumigil kana Demono! Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng 'to?" hindi na napigilan ng dalaga ang mapahikbi habang nakatingin sa nagpupuyos na galit na si Demono ang kaibigan nila.
"Pinatay ni Hade ang tatay ko! Sa tingin mo ganoon lang iyon kadali Hera?"
"Pero walang kasalanan dito si Pyro, Demono! Pinapalaki mo lamang ang problema!" sigaw ng dalaga dito.
"Si Pyro! Lagi na lang si Pyro, Hera! Ako yung laging nasa tabi mo pero siya yung laging mong bukang bibig!" sigaw ng binata habang sinabunutan ang kanyang sarili sa sobrang inis. Nagtataka naman siyang tinignan ng dalaga dahil hindi niya mawari ang sinabi sa kanya ni Demono.
"Demono.." mahinahong tawag nito.
"Hera, simula bata pa lang tayo ako yung nariyan bago mo pa makilala si Pyro. Minahal kita at wag ka na magtaka kung bakit hindi mo iyon napansin dahil simula nang dumating si Pyro siya na lang lagi ang napapansin mo," aniya habang nanginginig sa galit sa kanyang kinatatayuan.
Nagulat ang dalaga sa mga sinabi nito at nakaramdam ng pagkaawa sa binata. Kaya pala malayo ang loob nito kay Pyro dahil nagseselos ito. Hindi niya batid na may malalim pala itong nararamdaman mula sa kanya. Matagal na silang magkakaibigan simula bata pa lamang ay sila na ang magkakasama ngunit lahat iyon nag bago simula ng magkaroon sila ng tamang pag iisip at malaman ang mga nakaraan na nangyari sa kanilang unang henerasyon.
YOU ARE READING
A Game Over A Traitor (ON-GOING)
ActionThe people who loves each other from the past became enemies because of the traitors they've trusted from their group. Because of that traitors everything turn upside down. But A new generation was born and they are the new leaders who will lead the...