(Lexha Xychia Fier Lavaña)Habol ko ang hininga nang magising. Tagaktak ang pawis ko na para bang galing ako sa karera para pagpawisan ng ganon.
Oo, talagang galing ako sa isang karera dahil sa panaginip ko ay nakikipagkarera ako sa isang nakakatakot na nilalang at ang gantimpala kapag ako ang nanalo ay ang aking kalayaan.
Pero kapag siya ang nanalo.....
Buhay ko ang gantimpala.
Hindi ko alam pero sobra akong kinabahan at natatakot sa mga napapanaginipan ko nitong nagdaang araw at ang malala ay para bang totoong nangyayari dahil sa tuwing nasusugatan ako dahil sa pagkadapa sa panaginip ay pagkagising ko nandon rin ang sugat.
Dama ko ang sakit pero itong napanaginipan ko ngayon ang pinakamalala dahil sa panaginip na iyon ay mahuhuli na sana ako ng masamang nilalang pero........niligtas ako ni mama, Kinalma ko ang sarili.
Pinunasan ko ang pisngi kong basang basa dahil sa luhang di ko namamalayang tumutulo na pala. Napatingin ako sa bintana na nakabukas at dahil sa malakas na ihip ng hangin ay inaalon nito ang kurtina.
Malakas din ang ulan sa labas na sinasabayan pa ng kulog at kidlat.
Sobra akong kinabahan pero kailangan kong kumalma atsaka panaginip lang iyon. Hindi naman siguro mangyayari.
Nanginginig ang buo kong katawan ng ilapat ko ang mga paa sa sahig, para bang nagyeyelo ito.
Lumabas ako ng kwarto at hinakbang paa patungo sa kwarto ng aking ina, pero di pa man ako nakakarating sa pinto niya ay nanghina na agad ako sa aking nakita.
May itim na usok ang lumabas sa kwarto ni mama. Itim na usok pero nakakapangilabot meron itong mga mata na kulay pula. Tumingin ito sa direksyon ko at biglang nag anyo na parang mukha ang usok at nagkaroon ng bibig na ngayon ay nakangisi sakin. Pumunta ang anino sa direksyon ko at kahit gustuhin ko mang tumakbo ay diko magawa para bang naparalyze ang katawan ko. Huminto ito sa harap ko at tumitig sa mata ko. Sobrang pula ng mga mata nito at sa mga mata niya ay nakita ko ang umiiyak kong ina.
"Lexha! Anak! ILIGTAS MO ANG SARILI MO! KUKUNIN KA NILA!" Sumisigaw na sabi ng aking ina, biglang pumikit ang usok na iyon at sa muling pagdilat niya ay diko na muling nakita si mama.
Ngumisi siya.
"Save your mom, your highness!" Pabulong nitong sabi.
Maging ang boses niya ay nakakapangilabot. Biglang may tumulong luha sa aking mga mata.
"A-ano ang g-ginawa mo sa m-mama ko?!" Utal utal kong tanong.
"She's now in Hellimmors Acasity, save her or she will die." Sabi nito at biglang naglaho na parang bula.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ni mama at napahagulgol ako ng makitang andoon parin si mama sa kama at anyong natutulog lang pero nang hawakan ko ang kanyang kamay ay laking gulat ko sa nangyari.........
Nanginginig ang kamay ko at para bang ilang minuto ako hindi makahinga. Napatingin ako sa abo nitong tinangay ng hangin patungo sa bintana na nakabukas.
Naging abo si Mama ng hawakan ko.
Napaiyak ako at hindi makapaniwala sa pangyayari. Paulit ulit kong tinawag si mama pero napatigil ako ng maalala ang huling sinabi ng itim na usok na iyon.
"She's now in Hellimmors Acasity, save her or she will die."
Napakamao ako.
Ang paaralan na kilalang kilala ko at pinapangarap kong pasukan. Ang paaralang pinakaayaw ni mama na mapasukan ko dahil masama raw ang mga naroroon at hindi tao. Noon hindi ko yon pinapaniwalaan pero ngayon kusa nang humarap sakin ang katotohanan. Impyerno ang eskwelahang iyon, Pero bakit nila kinuha si mama? Anong kailangan nila kay mama?
Sa sobrang galit ko napasigaw na lamang ako.
"PAPATAYIN KO KAYO! LAHAT KAYONG MGA DEMONYO!" Sa sigaw kong iyon nabasag lahat ng salamin na bintana ni mama at kahit anong gamit na gawa sa salamin. Napatingin ako sa basag na salamin ni mama.
And I saw him.
-------------
Wahhh sana magustuhan niyo huhu
Vote and Comment:)