NAGISING ako bigla ng maramdaman ko na parang lumulutang ako.
Nakita ko si Winston na buhat-buhat ako. "Saan mo ako dadalhin?" Inaantok na tanong ko.
Tinignan niya ako at ngumiti siya bago naglakad ulit papasok sa isang pintuan dito sa office niya.
"Go back to sleep, gigisingin na lang kita mamaya." Saad niya pagkababa sa akin.
Umayos ako ng higa at tinignan siya. "Hindi ka matutulog?" Tanong ko.
Umiling siya. "May aasikasuhin pa ako."
"Pwede dito na lang? May coffee table naman."
Tumango siya. "Go back to sleep, kukunin ko lang yung mga ibang kailangan ko tapos balik ako dito."
Hinintay ko siya makabalik bago ako natulog ulit, hindi ko namalayan na nasarapan ako sa tulog kaya paggising ko ay katabi ko na siya at mukhang tulog din siya.
Tumingin ako sa phone ko at 5:30 na ng hapon, inalis ko yung braso niya bago bumangon. Hinalikan ko muna siya sa labi bago pumasok sa banyo.
Naghilamos ako at nagsipilyo na din bago lumabas, pagkalabas ko ay nakaupo na siya.
"Kanina ka pa gising?" Tanong niya.
Tumango ako at lumapit sa kaniya atsaka tumabi, yumakap siya sa bewang ko.
Hinayaan ko siya. "Maghilamos ka na at kukuha lang ako ng kakainin natin sa kitchen nitong restaurant mo."
"Make it faster okay?"
Tumango ako bago tumayo at lumabas, pumunta ako sa kitchen nila at nagtanong kung may dessert. "Meron po cherry cream cheese, ma'am."
Tumango ako. "Iyon na lang po, dalawa po."
"Okay ma'am, 5 minutes." Sabi nito bago kumulos.
Naghintay ako ng 5 munutes bago ibinigay sa akin yung tray na may dalawang cherry cream cheese.
Dahan-dahan ako sa paglalakad baka madapa ako. Papasok na sana ako sa office ni Winston ng may tumawag sa pangalan ko.
"Serenity."
Humarap ako at gulat na napatingin sa tumawag ng pangalan ko. "Oreo..."
Ngumiti siya at nilapitan ako. "Akala ko namamalik-mata lang ako."
Ngumiwi ako. "Ganon ba."
"Hindi na natuloy ang date natin, tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot."
Iniiwasan ko talaga mula ng unang kita ulit namin ni Winston.
"Naging busy kasi ako sa coffee shop ko e."
Ngumiti siya. "It's okay, kailan ka pwede?"
Naramdaman ko na lang na may nakatayo sa likuran ko kaya napatingin ako.
"Winston..."
"Kahit kailan hindi siya magiging pwede." Sabi nito bago ako hinila papasok.
Pagkasara niya ng pintuan ay kinuha niya yung tray sa akin bago ako tinalikuran.
"Winston..."
Nilagay niya sa may coffee table yung tray bago ako hinarap.
Seryoso siyang tumingin sa akin kaya napalunok ako. "Gusto mo pa ba makipagdate sa lalakeng 'yon?"
Umuling ako bilang sagot at nilapitan siya. "Ikaw lang naman gusto ko maging kadate." Mahinang saad ko.
Nakita ko kung paano siya ngumiti. "Damn, I'm too soft."
BINABASA MO ANG
Can't Resist ✔️
Ficción GeneralEmpire Club 5: Winston Hunter SPG | R18 "You can't resist me, Serenity." - Winston Hunter Started: May 18, 2020 Ended: July 26, 2020 Source of Photo: Pinterest