Habang patagal nang patagal ay mas naramdaman ko kung gaano kalungkot ang buhay na may roon ako ngayon, gusto kong maging malaya, gusto ko nang cellphone, telebesyon, mag aral sa paaralan, magkaroon nang kaibigan, pumunta sa mga kilalang mga pasyalan katulad nang park, museum at iba pa. Pakiramdam ko ay kinukulong ako sa isang kwarto, na walang kahit na anong gamit, madilim at walang labasan.
Mula rito sa kinauupuan ko ay tanaw na tanaw ko ang family cemetery, nakalibing ang lahat nang mga ninuno ko sa likuran nang mansyon. Sa gilid nang mini sementeryo ay ang hardin. May dalawang klase lang nang rosas na nakatanim. Pula at Puti. Kaya kapag humahangin nang malakas ay maaamoy mo ang natural na amoy nito.
"Young miss."napakurap kurap ako bago tumingin sa taong nag salita, nakasuot ito nang kulay asul na kasuotan, ang mga kasuotan nang mga katulong namin. Tipid itong ngumiti, kaya ang mga kulubot niya sa mukha ay gumalaw. "Maligayang kaarawan po."pagpapatuloy niya na nag pagulat sakin.
Maligayang kaarawan? bigla kong naisip ang sinabi niya, nang may napagtanto, birthday ko pala, hindi ko alam. Kaya ba may panibagong mamahaling damit na ibinigay si mama sakin kaninang umaga at mga nagkakapalang libro naman na galing kay papa.
"Thank you."pasasalamat ko at nag iwas nang tingin. Kung ganoon,15 na ako ngayon.
"Um..ayos lang ba kung umupo ako sa tabi mo, young miss?"muling tanong nito. Lihim akong napakunot noo. Wala ni sinong naglakas loob na lumapit sakin at makipag usap, kaya nakakapanibagong may nakikipag usap sakin ngayon. "Sure.."bahagya pa akong umusog nang kaunti para ipahiwatig na pwede siyang umupo sa tabi ko. Kaagad ko namang naramdaman ang presensya niya.
"Um..may mumunting regalo ako saiyo, young miss..ngunit mumurahin lang.."tila nahihiyang pahiwatig niya at may iniabot sakin. Bahagya akong natigilan sa nakita, panandaliang nayanig ang sistema ko bago ko iyon inabot at tinitigan nang mabuti. Isa iyong maliit na teddy bear na kulay rosas, may nakaukit sa dibdib nito na 'smile'.Nanginginig ang kamay kong pinisil pisil iyon.
Masyado akong nahumaling sa natanggap. kaya hindi ko namalayan na naka alis na pala ang katulong na nagbigay sakin nito, nakalimutan ko pang magpasalamat. Sa tanang buhay ko,hindi pa ako nakatanggap nang ganitong klaseng regalo. Siguro noon, pinangarap ko na magkaroon nang barbie doll. Ngunit kahit hilingin ko man iyon ay hindi kayang ibigay sakin.
Yakap yakap ko ang teddy bear sa aking dibdib, halos hindi mawala ang matamis na ngiti saaking labi. Hindi ko aakalaing dadating pa ang araw na makakatanggap ako nang regalo mula sa ibang tao, at sa taong hindi ko pa kilala at bukod pa doon, sa isang katulong pa.
Ngunit ang pagmamadaling paglalakad ay dahan dahang bumagal at ang ngiting naka ukit saking labi ay mabilis na nawala nang makita ko ang aking ama na nakatingin saaking gawi at binibigyan ako nang malamig na tingin. Mabilis na nanlamig ang kamay ko at napahigpit ang pagkakayakap sa teddy bear, takot na baka kunin niya yon sakin.
Ngunit tuluyan na akong napahinto nang may mahagip sa gilid nang aking ama, mayroon itong kulay puting buhok na umaabot sa kanyang siko, nakalugay lang ang mga iyon at tuwid na tuwid. Matangkad at may kalakihan ang katawan at may malinaw na kulay asul na mata. But its blank and empty. At ang labing nakakurba ay maputla parin katulad nang pagkakatanda ko sa kanya. muli akong nagpatuloy sa paglalakad, gusto ko mang lumiko sa kabilang pasilyo para makaiwas sakanila, ngunit ayoko namang magmukhang bastos, lalo na at kasama nila si papa.
He is Magnus Roinne, my father's business partner. Bihira ko lang siyang nakikita, siguro mga isa o dalawang beses sa isang taon. Kaya todo ang iwas ko dito kapag nandito siya dahil palagi kung nararamdaman ang panlalamig nang tiyan ko, mabilis akong nag iwas nang tingin nang magtama ang paningin naming dalawa at tumama iyon sa Katabi niyang si Vellino San Agustin ang pinsan niya. iyon ang pagkakaalam ko. Malamig lang na tingin ang ibinigay niya sakin at naiiling na inayos ang suot na salamin at unang nag iwas at tumingin sa katabing si magnus. Gumalaw ang labi nito tanda na kinakausap niya ang katabi.
"Good Afternoon, papa."magalang na wika ko nang tuluyang makalapit sa kanila, bahagya pa akong yumuko. At nilingon ang katabi niya,"And, milords."pagpapatuloy ko.
"You look more beautiful than ever, milady."mabagal na tugon ni magnus na lihim na nagpangiwi saakin.
"Thank you."ang tanging nasagot ko at nilingon ang aking ama upang ipahiwatig na mauuna na akong umalis ngunit blangko niya lang akong tinignan."I'll go first-"
"Why dont you join us for lunch?"ang tanong ni Magnus, na nagpatigil sakin sa pagsasalita, malamig ko lang siyang tinignan upang ipahiwatig na hindi ko gusto ang pag imbita niya sakin, na sumabay sa pagkain nila.
"But-"
"No buts, you'll come with us, zena."ang maotoridad na boses ni papa ang nagpatigil sakin sa ikalawang pagkakataon, mariin kong naikuyom ang aking palad.
"Yes, papa."magalang na sabi ko,
Tahimik lang ako habang sinusundan sila, nasa likuran ako nang mga ito, napakunot ang noo ko nang hindi papuntang dining room ang nilalakad namin, kundi palabas nang mansyon. Malakas ang pagpintig nang puso ko nang may mamataang isang limousine na nakaparada sa bukana nang malaking pinto. Naunang pumasok si papa. Hindi ko alam ang gagawin, para akong nanigas sa kinatatayuan habang nakatanaw sa bukas na pinto nang mamahaling kotse.
Sa labas kami maglulunch? Kaagad akong nakaramdam nang saya at excitement sa naisip.
"Zena. "mabilis akong nabuhayan at nabalik sa sarili nang marinig ang boses niya, napalingon ako sa gawi nito at napansing nasa gilid ko lang pala siya. May katangkaran siya kaya patingala ko siya kong tignan."Lady's first."pagpapatuloy niya at bahagya pang iniangat ang isang kamay para igaya ako papasok nang kotse. Sa unang pagkakataon, hindi ako nainis sa boses niya.
Binigyan ko lang siya nang tipid na ngiti at nagmamadaling pumasok sa loob.
Una, may nagbigay sakin nang teddy bear, pangalawa, sa unang pagkakataon rin ay makakalabas ako nang bahay!