Kabanata 5

24 2 0
                                    

Sa wakas ay huminto rin ang elevator at bumukas, may sumalubong na dalawang taong nakayuniporme na isang lalake at isang babae. 

"Good Afternoon, Mr Roinne and Mr Mayer."magalang na wika nang babae habang nakangiti at nang mapatingin sakin ay bahagyang napawi,"And young lady."pagpapatuloy niya. Saka siya naunang maglakad kasama nong lalake, na para bang itinuturo nila ang daan, sabay nilang binuksan ang doble door. Nang makapasok ay kaagad kong nakita ang isang pabilog na table sa gitna nang malawak na silid, may chandelier sa gitna . Its simple but in elegant way.

"Have a seat."nakangiting wika niya habang nakahawak sa sandalan nang upuan, hes acting like a gentleman ,huh. 

"Thank you, milord."mahinang sabi ko at umupo sa upuang iginiya niya sakin.

'Welcome.'halos pabulong na sagot nito sa tuktok nang ulo ko na nagpataas nang balahibo ko sa batok. Wala sa sariling napatingin ako kay papa, ngunit wala sa akin ang atensyon niya, sa di malamang dahilan ay nakahinga ako nang maluwang. 

Pakiramdam ko kasi, lahat nang ikinikilos ni magnus ay may kakaibang pahiwatig na hindi ko maintindihan. pakiramdam ko ay binibigyan niya ako nang atensyon na hindi dapat, o baka ako lang ang nag iisip nang ganoon? dahil kahit na ang kaunting gesture niya ay binibigyan ko ng kahulugan.

Hindi ko namalayan na kanina pa ako wala sa sarili habang kumakain, nabalik lang ako sa sarili nang tumayo si papa kasama si Vellino. Naguguluhang sinundan ko sila nang tingin hanggang sa lumabas ito, saan sila pupunta?

"He'll be back."ang salitang nagpaayos sakin sa pagkaka upo at napatingin sa gawi niya. Nasa kanang bahagi ko siya, hindi siya kumakain, nakahawak lang sa wine glass niya habang marahang iniikot ikot ito.

Tumikhim ako at kaagad nakaramdam nang pagkailang lalo na sa binibigay niyang atensyon, nakatingin lang siya sakin habang nakangiti, ang ngiting kahit kailan ay hinding hindi ko magugustuhan. Pakiramdam ko ay peke at hindi totoo ang ngiting iyon.

Tahimik na nagpatuloy ako sa pagkain nang hindi siya tinitignan, kahit hindi lang kami ang nandito sa loob nang kwarto ay hindi parin ako kumportable, pakiramdam ko ay kaming dalawa lang, kahit namay dalawang taong nakatayo sa pinakasulok nang silid, sila iyong dalawang taong sumalubong samin pagkabukas na pagkabukas nang pinto nang elevator.

"I heard its your birthday today."muling wika niya, magiliw iyon na akala mo ay masaya siya o kung ano. Pero sa pandinig ko at pakiramdam ay hindi iyon totoo. Pakiramdam ko ay lahat nang ginagawa niya ay kaplastikan o pakitang tao.

"Yes."walang ganang tugon ko. Medyo natigilan ako sa sinabi ko. Remember Zena, be kind. Baka imbitahan ka nya ulit na maglunch, at kapag nangyari iyon, makakalabas kananaman sa kulungan mo. Tumikhim ako at inilapag ang hawak na kubyertos at pinunasan ang labi gamit ang napkin."Salamat sa pag imbita."mahinanong wika ko at binigyan siya nang tipid na ngiti.

Tumaas ang isa niyang kilay, mukhang napansin ang biglaang pagbabago nang mood ko na nagpainit nang mukha ko. Pinigilan ko ang sarili na huwag mapangiwi at ipaikot ang mata sa kanya. Ilang sigundo kaming  nagkatitigan, ngunit siya ang unang umiwas sa pagkakataong ito. Inilapag niya ang hawak na wine glass at may kung anong kinuha sa loob nang suot niyang coat.

Inilabas niya ang pahabang box na may kulay black , inilapag niya iyon sa gilid nang plato ko na nagpagulo sakin. "I hope you'll like it. Its my birthday gift for you."

Tinignan ko lang iyon, may kung anong nagsasabi sakin na buksan ang bagay na binigay niya at mayroon ring parte na huwag dahil pakiramdam ko ay kapag ginawa ko iyon ay parang tinatanggap ko na maging parte siya nang buhay ko. Pakiramdam ko ay gusto niyang maging close kami.

Marahan akong huminga nang hangin at tinignan siya, blangko lang ang mata niyang nakamasid sakin, na para bang inaabangan niya ang gagawin at sasabihin ko sa binigay niya."Thank you, Mr Magnus Roinne. Pero hindi ko matatanggap ang regalo mo."magalang na pagtanggi ko.

Ilang sandali itong walang sinabi, hindi katulad kanina ay wala nang kangiti ngiti sa labi niya. Ngayong hindi na siya nakangiti ay kaagad kong naramdaman ang kakaibang kaba sa dibdib ko, he looks more dangerous kapag hindi siya nakangiti. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mas gusto ko. Yong nakangiti siya o yong hindi?

"Why not?"ang malamig na tinig niya ang nagpabalik saking tingin dito. Bakit nga ba hindi ko nalang tinanggap ang regalo niya?

Bigla akong nangapa nang sasabihin, hindi ko rin alam ang sagot. Basta ayoko ko lang tanggapin..

"Never mind, kalimutan mo nalang ang sinabi ko."Tumikhim ako at walang salitang inabot ang nakalagay sa lamesa at binuksan yon. Medyo natigilan ako sa nakita, isa iyong platinum rose. Hindi ko ito inaasahan, ang akala ko ay isang necklace ang ibinigay niya or something na pahaba dahil pahaba ang box.


Napangiwi ako, platinum rose? napag aralan ko ang tungkol sa mga ganitong bagay, at ang ibig sabihin nito. Para sa magkasintahan ang mga ganitong klase, upang mas magtagal ang relasyon nila. Platinum is a symbol of true love, purity, rarity and strength. These qualities of platinum are equivalent to the ideals of eternal true love. platinum symbolize the everlasting endurance of love. 

O baka ako lang talaga ang nagbibigay nang kahulugan?

"Um..its beautiful."ang tanging nasabi ko.

"You dont like it."tila siguradong pahayag niya sa nasabi ko. Malamig ang tono nang boses niya, tinakpan ko iyon at muling ibinalik sa lamesa. Lihim na nagdadasal na sana ay dumating na si papa para mabawasan ang tensyong namumuo sa paligid.

Hindi ako nakasagot, totoo naman kasing ayaw ko sa ibinigay niya. Paano nalang kong nakita ito ni papa? baka sabihin niyang nakikipag landian ako sa kabusiness partner niya. Hindi ko ata kayang tanggapin ang ihuhusga niya.

"Okay fine, just keep it..then, what do you want? name it."tila desperadong pahayag niya, sa tono nang boses nito ay parang gusto kong tumayo at lumabas nang silid na to at hanapin si papa at yayaing umuwi na.

"Hindi mo na ako kailangan regaluhan, Mr. Magnus. tatanggapin ko ito, dahil maganda. At sapat na ang bagay na'to."nakangiting paliwanag ko.

Namumungay ang mata niya, but its empty."Just name it. "mas maotoridad na paguulit niya na bahagyang nagpatigil sakin, nanigas ang ngiting ipinapakita ko sa kanya.

"Hindi mo kayang ibigay ang gusto ko."mahinang sabi ko at nag iwas nang tingin. Si papa nga ay hindi kayang ibigay ang pinakagusto ko, siya pa kayang hindi ko kaano ano. Hindi ko rin siya kaibigan para abalahin ang sarili para sa simpleng birthday kong to.

"Try me, Zena."nanghahamong wika niya.

Literal na napangiwi ako nang maramdaman ang balahibo ko sa katawan na nagsipag tayuan nang tawagin niya ako sa pangalan ko.

"Freedom, I want freedom, magnus. Kaya mo bang ibigay saakin iyon?"panghahamon ko dito at nilingon siya.

IF YOU'RE NOT THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon