Chapter 1

1 0 0
                                    

"San El de Fonso" Tina-asan ko sya ng kilay. Ano laban ka?

"Okay then, Follow me." Ako pa talaga pinasunod ha, Pero sige para naman maka-uwi na ako.

Huminto kami sa isang sasakyan na kulay itim. May driver sa loob na halatang kanina pa naghihintay. Siguro driver nya yan. Obvious girl, Wag Bobo! He open the door for me. Ngumiti ako sa kanya naguguluhan parin kung seryoso ba sya o hindi.

"Seryoso kaba? Malayo ang amin no." Umatras ako sa pintuan ng sasakyan. Kumunot ang noo nya sa ginawa ko. "Nako baka kidnapper ka e, pabait-baitan lang nako panis na yan modus mo uy!"

"Ayaw mo? Edi wag." Isasara na sana nya ang pintuan pero pinigilan ko ito at pumasok. Tumawa sya sa ginawa ko.

"Don't trust me then." Sabi nya pagkapasok sa sasakyan. Umirap ako.

"Bahay nyo na po tayo didiritso sir?". Tanong noong driver nya. Napalingon ako sa kanila. Nasa likod ako at sila naman ang nasa harap.

"San El de Fonsi muna tayo manong." Sabi nya ng nakatingin sa labas. Nakita kung kumunot ang noo ng driver saka nagtanong.

"Baka gabihin tayo ngayon sir malayo-layo din po yun." Sabi ni manong driver.

"Ayos lang if nagtanong si Mommy sabihin mo may project akong ginawa." Dinamay pa talaga si manong pero salamat narin sa kanila.

"Maniniwala po ba yon sir?" Medyo natatawa ang deiver sa kanya. At ayon timawa silang dalawa. Tss. Wala akong paki sa kanila diyan basta ba iuwi nila ako.

Buong byahe naka-tingin lang ako sa bintana. Gabi na at may mga bituin na lumilitaw.

"San ba bahay nyo?" Muntik na akong mabunggo sa bintana dahil sa gulat. Tinawanan nya ako dahil sa itsura ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Liko kayo diyan kuya tapos kaliwa naman saka diyan nalang din po ako sa tabi." Pag-iexplain ko sa driver niya. Hindi siya ang sinagot ko.

"Magkano bayad?" Tanong ko sa kanya. Hindi rin naman ganoon ka kapal ang mukha ko para isipin lang tung libre no. Kumunot na ang noo niya. Saka siya nag-salita.

"No need to pay. It's a treat." Hindi ko alam pero parang uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin. Gaga stranger yan! Pero Gwapong stranger.

"Salamat. Paano ba ako makakabawi sayo?" Duh! Sounds rude naman kung hindi ako magbabayad no, kahit hindi nalang pera ayaw ko ring magka-utang na loob dito. Ngumisi lang siya kaya nanahimik nalang ako.

Sakto naman at huminto ang sasakyan kaya kinalas ko na ang seatbelt ko. Aamba na sana akong buksan ng bumukas itong mag-isa muntik na akong mahulog. Buti nalang hindi naman ganoon ka lakas ang pag-tulak ko sa pinto. Nasa labas na siya. At siya pa talaga ang nag-bukas ng pinto sa akin. Sobra-sobra naman ata ang kabaitan niya. Ang dami ko na atang utang. Kahit diko pa siya lubusan nakikilala.

"Thankyou ulit. Salamat kuya, at pasensya narin sa abala." Ngumiti ako kay kuya sa loob at tumango lang. Tumungin ako doon sa lalaki na seryoso na nakatingin sa akin. Nailang tuloy ako. Tinignan ko siya sa mata saka tinaasan ng kilay. Agad siyang umiwas siya ng tingin. So weird men.

"Paano ako makakabawi sayo? ayaw mo rin namang bayaran kita ng pera." Tanong ko sa kanya habang nakahalukipkip. Siya naman nasa bulsa lang ang kamay halatang nag-iisip ng malalim.

"Pag-iisipan ko pa. See you again." Tatalikod na sana siya ng biglang nag-lahad ng kamay sakin.

"Asher, by the way." Pagpapakilala niya.

"Xin." Tinanggap ko naman ang kamay niya.

"Salamat ulit. Pag-isipan mo!" Pagpapa-alam ko saka naglakad na papuntang bahay. Hindi ko na sila nilingon baka isipin pa niyang interesadong-interesado ako sa kanya. Ahm...Yes his interesting nga naman. Pero ma pride din ako e, kaya girls minsan kaylangan din nating magpa-hard to get minsan!

Only in DreamsWhere stories live. Discover now