Panaginip nalang ba ang lahat? Yung tipong ang ganda ng buhay mo. Mayaman ka. Tinitingala ka ng ibang tao. Mga damit na araw-araw lahat bago sa paningin mo. Mga pagkain iba't-iba ang klase. Pero hindi ganito ang buhay ko.
Isa ako sa top student sa school namin, Hindi naman ako yung sobrang matalino. Sakto lang! charot! Scholar ako sa isang private school namin. Mabuti nalang at Scholar ako pantulong narin sa pag-aaral ko, Hindi kami mayaman di kagaya ng mga kaklase ko dito, dati nga binu-bully ako kase isa lang daw ako sa pinagka-aawaan. Bakit porket kapag mahirap ang isang tao hindi na pwedeng makapag-aral sa isang unibersidad? Pero kahit ganoon masaya parin ako ngayon kase hindi sila ang didikta kung saan ako mag-aaral at isa pa palaban ako!
Pawis na pawis ako ngayon dahil sa kakatakbo papuntang school. Na late ako ng gising kanina dahil sa mga assignments na ginawa ko kagabi. Nakarating ako sa room namin pero nandyan na ang prof namin. Kinabahan tuloy ako.
"Your late Ms. Endallo." Bungad sa akin ng prof namin ng nakakita n'ya ako sa likod na yumo-yuko ng paglakad papunta sa upuan ko. Nakatingin tuloy ang mga kaklase ko sa akin. Yung iba tumatawa pa.
"Obvious nga po sir e, hehe." Nahihiyang sabi ko. Nagulat ang prof namin sa sinabi ko. Tika mali. Pero obvious naman talaga diba.
"Este...pasensya napo sir kase ho, kagabi po ginawa ko a-."
"Just sitdown, Will start now." Phew! Mabuti nalang hindi sya yung prof namim na grabe yung kilay. Kahit siguro pasko galit sa mga tao.
"Hoy! Xin Gaga ba't ka nanaman na late ha?" Tanong sakin ni Sid, sabay kurot sa tagiliran ko. Medyo pabulong payon kasi baka marinig kami ni sir sa harap.
"Kunwari pa tung gumawa ng assignments. Sus! Gumala ka kagabi no?" Tanong naman sakin ni Fely na nasa likuran ng aking upuan.
"Mga gago to assignment nga, di naman ako katulad sa inyo nagba-bar at gumagala kung saan-saan kada gabi, alam nyo kulang nalang maging aswang kayo e." Sabi ko sa kanila, at inirapan.
"Ms. Endallo, Florentino, and Ms. Lee is there a problem?" Napalingon kami sa prof namin na ngayon ay nakataas ang isang kilay. Lumayo naman sila Fely sa akin.
"Nothing sir." Sagot ko sa kanya. Huminga sya ng malalim. Saka tumalikod na sa amin at nagpatuloy sa lesson. The whole discussion was fast. Lutang-lutang talaga ako dahil sa hindi ako nakatulog na maaga kagabi. Pagkatapos ng three class, dumiritso na kami ng cafeteria kasama sina fely.
"Hoy girl kanina kapa tulala ah? May problema ka na naman ba? O, may ginawa ka kagabi kaya ka na late kanina." Nakita kung nagpipigil sya ng tawa.
"Assignments nga diba? Heh!" Sagot ko sa kanya pero parang hindi parin naniniwala, pero tumigil naman na sya. Umorder kami ng pagkain saka nag-plano naman si Sid sa papalapit nya na birthday. Oo nga pala ano kaya ang magandang iregalo sa kanya, may na ipon pa naman ako na pera kung sakali.
"Gusto ni daddy na sa hotel ganapin ang party but I refused." Sabi nya sa amin.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.
"Well, gusto ko simple lang yung tayo-tayo lang magbabarkada, ayaw ko nung pa ingrande kasi feeling napaka-immature na." Pagpapaliwanang nya sa amin.
"Gaga saan ang immature doon?" Sabat ni Fely.
"Oo nga, nako kung ina-akala mo na hindi ako pupunta kasi maraming tao? Hindi pwede yun no. Alam kung alam nyo'ng ayaw ko sa mga ingrande pero para sayo day gagawin ko, Hindi rin naman ako rarampa diba? pero pwede rin! haha." Hindi naman ako yung totally na maninibago sa mga ganyan ka laki na birthday party pero hindi ako sanay baka kasi anong gawin ko dahil lang sa nahiya ako pero alam kung malulungkot din ang Daddy ni Sid nito. Ang alam ko pinaghandaan nya to at dahil lang talaga sakin ica-cancel nya. Ang swerte ko naman ata.
YOU ARE READING
Only in Dreams
Teen FictionTrinity Xin Endallo, A woman who never thought of falling inlove with a rich man. Isang deal kung saan humantong sa katotohanan. Nag-iba ang kanyang pinaniniwalaan simula ng makilala niya ng husto ang lalaking hindi niya inisip na magiging kanya...A...