Chapter 2

1 0 0
                                    

Umupo ako sa hapag habang si mama ay nagha-handa ng pagkain sa kusina. Hindi ko siya pinansin. Kapal. Pero di rin naman tinuro sakin ni mama'ng wag maging madamot sa iba kaya lunokin mo pride mo Xin.

Dumating si mama galing sa kusina na may dala ng kanin. Tumayo si Asher at tinulungan si mama. Ang inay ko naman abot langit ang ngiti. Kumain na kami pagka-lapag niya ng kanin. Uminom muna ako ng tubig dahil sa init galing palengke.

"Ijo, Manliligaw kaba ng anak  ko?" Muntik ko ng masamid sa ini-inom ko. Nagulat si mama sa reaksyon ko. Kaya napakunot ang noo niya. Si Asher naman nagulat din sa tanong ni mama. Kaya mukhang kinabahan siya ng kaunti. Si mama naman nagtataka.

"Kasi kung oo..." Tumingin siya kay Asher. Nakita kung Lumunok siya dahil sa talim ng tingin ni mama. Gusto kung tumawa sa reaksyon niya ngayon pero ang pangit ng tanong ni mama a. "Sagutin mo na anak." At lumipat ang tingin ni mama sa akin sabay kindat. Hala siya! Hindi ko nga yan kaibigan e. Ngayon naman jojowain?

"Mama hindi ko siya manliligaw." Pagpapaliwanag ko. Pero mukhang hindi parin siya naniniwala.

"Ahm.. Hindi po tita. I'm just her friend." Pagliliwanag ni Asher. Kaya mukhang sumang-ayon narin naman si mama.

Hinatid ko na siya sa labas ng bahay. Wala parin akong imik at siya rin naman.

"I know na how you can pay for me." Pag-basag niya sa katahimikan. Kaya napahinto ako at lumingon sa kanya. Huminto rin naman siya.

"Ano?" Tina-asan ko siya ng kilay.

"Act as my girlfriend."

"Okay." Sagot ko saka tumingin ulit sa daan, Lalakad na sana ako ng napagtanto ang sinabi niya. GIRLFRIEND!! Agad akong lumingon sa kanya. Masama ang tingin.

"Ginagago mo ba ko!!" Sininghalan ko siya.

"Hindi, Seryoso ako." Now his face turns into fierce and hard, Then his jaw clenched. Talaga lang ha? Girlfriend takte! Hindi ako madamot pero gago siya. Pero nga naman 'Act' lang naman daw. At kapag matatapos nato wala na akong utang sa kanya. Kapal amp. Ayaw ko pa naman sa mayayaman.

"Alam mo, Ang laki ng deal mo e. Hatid lang naman yun a. Tyaka hindi ako ang namilit sayong ihatid mo ako no." Sabi ko sa kanya.

"E, sino naman ang namilit sating magbayad? I told you already 'okay lang' but you refused kasi ayaw mo magka-utang na loob." Pagsagot niya. "So what now." Pahabol niya, Alam kung napipigil lang din siya ng tawa.

"Okay fine! Pag-iisipan ko." Sagot ko bilang pag-suko. Bakit ba kasi ako ng pumilit noon sana hinayaan ko nalang, pero di rin kasi nag-expect na ganto gusto niya.

"Magkita nalang tayo sa school. Mag-uusap tayo kung kaylan mo kailangan mag-pretend." Ouch! yung 'pretend' pero duh. Ayaw ko sa mayayaman. Motto ko yan e.

Pagkatapos niyang sabihin iyon, saka naman ako pumasok ng bahay. Nakita ko si mama malapit sa hagdanan nakatingin na may halong pang-aasar.

"O? anong mukha yan?" Tinaasan ko ng kilay ang mama ko. Ngumisi siya sa naging reaksyon ko. "Akala ko ba ayaw mo sa mayayaman?" Salita niya. Nanduon parin sa hagdanan, alam niya kasing aakyat na nako.

"Ayaw ko nga, bakit?" Sagot ko.

"Ayaw. E, ano yun?" Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa.

"Anong, Ano?" Actually artistahin ako e. "Asus, pa blind-blind pa. Ano ako nak, tanga?" Ngayon malapad na ang ngisi niya. Ganito na talaga kami mag-salita pero pag-seryoso ayos naman kaming dalawa.

"Oo." Nagulat siya sa sinagot ko kaya pinalo niya ako ng tyinelas sa braso. Humagalpak ako ng tawa. "Gago ka, sagutin mo nga ako ng seryoso. Nako ikaw ha!" Medyo naiirita na siya. Ito naman di mabiro. char.

Only in DreamsWhere stories live. Discover now