Bumuntong hininga ako, habang nakatitig lang ako sa cellphone ko. Malapit na siya dumating. May track ako ng location kung nasaan sila. Nakakonektado sa kotse na ginagamit nila.
"Ma'am Kimi, here are your medicine po" narinig ko ang boses ni Manang. Si Manang Lori. Ngumiti ako. "Mamaya nalang Manang. Hihintayin ko na muna siya" sagot ko. Umupo si Manang sa tabi ko.
Nakaluklok ako sa isang porch swing, habang pinapakinggan ang talsik ng tubig kasabay ng hanging bumubulong. Huminga ako ng malalim.
Matagal na panahon na simula no'ng huling pagkikita namin. Alam na alam ko, syempre. It was from 5 years ago. Masaya ako't nagkaroon siya ng masayang pamilya.
"Manang..." Huminto ako, iniisip kung tama ba ang pinang-gagagawa ko. Nakatitig lang si Manang sa akin, hinihintay kung ano ang susunod kong ilalabas. "...tama pa ba yung ginagawa ko?" Natatawa kong tanong.
Hinawakan niya yung dalawa kong nanlalamig na kamay. "Para po sa akin Ma'am, hangga't wala kayong maling ginagawa mabuti po 'yon. Wala naman po kayong maling intensiyon...diba?" Tanong niya. Lumunok ako.
"Ma'am! Ma'am! They've arrived!"
Dahan-dahan akong tumayo sabay lunok.
··········💜💜··········
Hi there! Thank you for reading! I'm planning to publish two chapters everytime, so it might take a long time for me to update. Have a good day!~
BINABASA MO ANG
In 100 Days | kth
Short Story"Thank you for letting me spend my last 100 days with you" ▫Taglish ▫Short Story ▫Kim Taehyung