Chapter 1

8 2 0
                                    

Week 1 of 14

"Let me go you fvckers!"

Rinig kong sigaw niya habang pababa palang kami ni Manang ng hagdanan. 'Yan din ang huling sinabi niya, bago ako umalis patungong Canada para magpagamot.

"I said let me go!" Sigaw niya muli, sinusubukang umalis sa kalas ng mga tao ko. Sinenyasan ko sila na bitawan na siya at 'yon nga ang nangyari. Naka-blind fold siya habang ang mga kamay niya'y nakatali.

Lumunok ako. Hindi ko kayang makita siya. Nadudurog ang puso ko. Nanlalambot ang katawan ko. Ngayong nakikita ko siya, bumabalik yung mga memories no'ng araw na iniwan ko siya. Naririnig ko 'yong paghagulgol niya. 'Yong sigaw niya.

"Ma'am? What are your orders?" Tanong ng isa sa mga body guards ko. I speaked through sign language and it translated to 'leave us alone,' and so they all left.

Lumunok ako bago magsalita. After 5 years, lilitaw nalang ako na parang kidlat. Alam kong mali ang ginagawa ko. Ninakaw ko siya sa pamilya niya. Sa pamilya niyang nag-aalala na ngayon.

"Taehyung-ah" katapos kong bigkasin ang pangalan niya, alam kong gulat siya at hindi niya inaasahang magkikita kaming muli. Ang naririnig ko lang ay 'yong paghinga naming dalawa. Nakabukas ang bibig niya, kaya alam kong gulat siya.

Lumapit ako sa kaniya, nakaluhod sa harapan niya. Dahan-dahan kong inalis 'yong blindfold na nakabalot sa ulo niya, tinatakpan ang paningin niya.

Muli,nakikita ko ang mga mata niya. Lumunok ako, sinusubukang pigilan ang mga luha na gustong makalaya sa mga mata ko.

"After five fvcking years," bawat salita na binigkas niya ay mayro'ng diin. "After five fvcking years? What is it Kimmy?" Tanong niya. Tumingin ako sa mga kamay kong nanginginig.

"Alam mo bang halos mabaliw ako? Kakaisip sa'yo? Sa kakaisip kung bakit..iniwan mo ako? Mayaman din naman pamilya ko ah. Mahal rin naman kita. Was it because I couldn't express my love the way you expect me to show it? Dahil ba nakahanap ka ng iba? Ibang lalake na nakakapag-bigay ng saya sayo? Yung sayang hindi mo alam kung paano mo ilarawan kase.." Tumigil siya para maghabol ng hininga. Hindi ko rin mapigil ang sarili ko sa pagluha.

I tried to cup his face, but he shook his head away. Mas lalong dumami 'yong luha na dumadaloy sa pisngi ko. "Taehyung-ah, I'm sorry" I said, while covering my face. Ngumisi lang naman siya. "Sorry? T@ngina Kimmy. Sorry lang sasabihin mo? Sa lahat ng pinagdaanan ko sorry lang?" Ngumisi siya muli.

"Tsaka bakit ba ako nandito? Diba matagal mo naman na akong inalis sa buhay mo? Untie me and let me go back to my family" sabi nito. I can't do that. Ayoko ring gawin 'yon. Tatlong buwan lang naman. Sinenyasan ko 'yong mga tao ko na ilagay siya sa isang room. "Fvck you Kimmy!" 'Yon ang huling narinig ko sa kaniya bago siya maipasok sa iisang room which is assigned for him.

Bumuntong hininga ako. "Ma'am Kimmy? Yung gamot niyo po inilagay ko nalang sa kwarto niyo" ngumiti si Manang at bumalik sa mga gawaing bahay.

In 100 Days | kthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon