CHAPTER 77

174 7 3
                                    

Authors note: Please be patient guys. I love you all keep safe;

WHO ARE YOU?

Ng matapos kong basahin ang sulat nayon ay muli kong nakita ang iba't ibang litrato. Kung saan ang lugar na pinangyarihan ng aksidente. Habang nasa ospital ako. At ang unang ngiti ko noon. Ang akala ko ay ito na ang huling sulat pero napansin ko ang isa pang puting papel na laman din ay sulat. Hindi tulad ito tulad ng sulat kanina. Iba ang mga pagkakasular nito sa mga nauna. Sinuri ko ito bago basahin.

"February 19 2008 isang taon mula ng nangyare ang aksidente Nakita muli kitang ngumiti at naging aktibo. Wala man akong magagawa pero kailangan mong pumasok sa pagsusulit at pageensayo dahil alam ko na balang araw ikaw angg hahawak sa buong samahan. Alam ko na ikaw yon dahil sa angking galing mo at sa pagiging matalino sa lahat ng bagay hindi ako magkakamaling ikaw ang susunod na magiging Mafia Boss. Mag papakilala ako sayo. Ako ang nanay mo, ang Mafia Boss ng Anarchy Empire, labing dalawang taon na akong humahawak sa samahan natin at alam kong nakakabigla pero malakas ang iyong nanay. Maiba ako, Nakita kong may bago kang kaibigan tama ba? Kung hindi ako nagkakamali ay Matthew ang pangalan nya, kasamahan mo sa pageensayo. Nakakatuwa naman at muli kang nagkaroon ng kaibigan maliban kay gabriella. Apo? kung hindi mo kilala si matthew ay hayaan mong ipakilala ko siya sayo. Si Matthew ay isang anak ng pinagka-katiwalaang assassin at magaling na tauhan ng ating pamilya sya ang pinakamagaling na assassin ng buong Mafia, hawak nya ang lahat ng detalye at okasyon na nagkaroon ang samahan, alam nya lahat Lalo na ang tungkol sa pamilya ng bawat isa. Sakaniya mo malalaman ang lahat pagdating ng araw siya ang makakasama mo sa laban mo. Siya si---"

O_O

Hindi ako makapaniwala ng Makita ko ang pangalan na naroon.Lalo na ang mga litrato na kasama sa sulat.Hindi ako makapaniwala na ang dati kong hinahanap ay nakaharap kona netong nakalipas na araw? kaya naman pala naroon sya nung gabi. Sobrang galing nyang magtago at kumilos na parang normal lang, kung ganon matutulungan nya ako. Inayos ko ang mga sulat at nagmadaling pumunta sa kwarto ni nanay. Nadatnan ko siyang prenteng nakaupo at nakangiti sakin.Tumango tango sya at..

"Kung ganon.."

"Halika maupo ka. Meron kapang hindi nalalaman" aniya

-

Hindi nako nag sayang pa ng oras at mabilis na umalis sa Bahay para puntahan ang tinutukoy ni Nanay.Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa mga dahilan at impormasyon na nalaman ko. Hindi ko lubos maisip na nangyari ang bagay nayon ng hindi ko nalalaman ni hindi ko iyon nabalitaan.

(flashback)

"Halika maupo ka.Meron kapang hindi nalalaman na kailangan mong malaman" aniya.Sinunod ko ito at nakinig sa kwento.

"Noon palang ay Nakita ko na kayong palaging magkasama ni matthew sa lahat ng bagay. Siya ang una mong naging kaibigan sa pageensayo. Naaalala kopa non kung paano mo sya ikwento samin sa twing uuwi ka galing sa Empire place. Nakita ko kung paano mo sya tinuruan na makipag laban,kung paano kayo lumaban sa isa't-isa." panimula ni nanay

Naalala ko noon. Si Matthew ang unang kumausap sakin sa loob ng Empire Place. Siya ang naging unang kaibigan ko noong pumasok ako doon. At sabay kami palaging mag-ensayo,minsan pa nga ay kinakalaban naming ay isa't isa para mapaghandaan ang laban.Satwing naaalala ko ang araw nayon, naaalala ko din kung paano nya ako iwan.

"Si Matthew ay napaka bait na bata. Noong nawala si Kyle ay sya nalang lagi ang kasama mo. Kahit iniwan mo sya noong umalis ka ng bansa. Kung sa tutuusin ikaw ang unang nang-iwan"

*sigh

"Pero may dahilan po ako non. Alam nya po yon" sagot ko

"Alam ko apo, Pero sinabi ko saiyo noon pa man na hindi sagot sa problema ang pagtakbo at pagkukulong sa kwarto. Tinuruan kita na pumunta sa mataas,tahimik at malamig na lugar para makapag isip isip,para makapag plano.Noon palang ay tinuro kona saiyo ang bagay nayon.Pero hindi kita masisisi sa ginawa mo,dahil ang pagkawala ni kyle ay isang madilim na pangyayari."

Montereal AcademyWhere stories live. Discover now